"Fhinicia Lhyandra Perez! Bumaba ka dyan bata ka. Kay aga-aga pinapainit mo agad ang ulo ko!" Ito agad ang pambungad ni Sister Lauret sa akin.
"Eh sister, mababa lang naman tong inakyatan kong bubong ah."
" Naku! Ikaw talagang bata ka! Kailan ka ba magtitino ha. Abay dalaga ka na, ganito parin ang asta mo!" Biglang dugtong naman ni sister Leni, isa ring madre katulad ni sister Lauret.
"Hay, nagpapahangin lang naman po ako eh. Sobrang sarap po kasi sa pakiramdam ang mahagap ang preskong hangin sa madaling araw."
"Abay,ewan ko na talaga sayong bata ka. Hala, sige. Mauuna na lang kaming mag almusal. Nagugutom na ang mga bata. Basta't siguraduhin mong hindi ka malelate sa skwelahan ah!" Paalala naman ni Sister Lauret. At Umalis na sila sa bakuran kung saan matatanaw ang buong kalahatan ng ampunan. Ako nga pala si Phin. Nasabi na ni Sister Lauret ang mabantot kong pangalan kanina. Ewan ko ba kung paano nila naisipang pangalanan ako ng ng pangalang out of this world talaga. Sabi nila sister Lauret, sa isang plaza daw nila ako nakupkop. Namamasyal daw sila noon nang may lumapit sa kanilang isang lalake na hindi daw nag abalang magpakilala. Akay akay daw ako nang lalakeng yun pero bigla na lang pinabitbit ako sa kanila ni sister dahil may nakaligtaang dalhin daw ang lalaki. Nag antay daw sila sa plaza hanggang mag hatinggabi na ngunit wala ni anino ng lalake ang bumalik para kunin ako. Nagpabalikbalik daw sila sa plazang yun sa pag asang baka bumalik pa ang lalaking nag iwan sa akin sa kanila. Ilang buwan daw silang ganoon ang ginagawa ngunit kahit kailan daw ay hindi na nakita pang muli ang lalakeng nagdala sa akin sa kanila.
Baka nagtataka kayo kung bakit nandito ako sa bubong ng ampunan. Wala lang. Dito ko lang kasi nakukuhang mapag-isa para makapagmuni muni. Sobrang dami kasi namin dito kaya halos walang lugar kung saan pwede kang mag emote. Tsaka sobrang sarap sa balat din kasi ng sariwang hangin kaya dito palagi ang tambayan ko tuwing madaling araw. Inaantay ko rin kasi dito ang pagsikat ni Mr. Sun. sobrang ganda kasi ng moment ng pagsikat ng araw. Kahit ulit ulitin ay di parin ako nagsasawa. Masarap kasi sa pakiramdam yung alam mong panibagong araw na naman ang babati sayo. Para bang nagsasabing magiging maganda ang kalalabasan ng araw ko ngayon. Well, parati naman akong umaasang magiging maganda ang araw ko kahit sa huli ay wala rin namang nangyayari. Normal lang parati sa school. Normal lang rin parati dito sa bahay ampunan. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. hehe. Positive thinker kasi ako eh. Optimistic kumbaga. Kaya nga kahit hindi ko kilala ang parents ko ay ayos lang sa akin dahil may kinikilala naman akong pamilya, at yun ay ang ampunan. Dito kami lahat ay isang pamilya lang. At sina sister Lauret at sister Leni ang nagtataguyod ng pamilya namin. Idagdag mo na rin na tatlumpu't isa lang naman ang kinikilalang mga kapatid ko. Oh diba, san ka pa? Instant brothers and sisters!
" Hoy Fhin malalate na tayo kaka emote mo dyan! 6:30 na!" Sambit sa akin ni Jenny na aking matalik na kaibigan na nakatira rin sa ampunan. Opo parehas kaming ulila.
Well, ang life story naman kasi ng bff kong ito ay iniwan daw siya ng kakilala nina sister na isang midwife. Ang midwife na iyon daw ang nagpa anak sa ina ni Jenny ngunit namatay daw ang ina nito matapos manganak. Wala naman daw kasing kakilala ang ina ni Jenny sa lugar na iyon kundi ang midwife lang kaya nahirapan ang midwife na hanapin ang naiwang pamilya. Ipinalibing ng midwife ang ina ni Jenny at dahil na rin sa kapos sa pera ay napagpasyahan ng midwife na dito dalhin si Jenny para mas maalagaan nang husto.
"Hoy, impakta! bababa ka ba dyan oh iiwanan talaga kita!" biglang sigaw ni Jenny.
Oo nga pala. May klase pa nga pala ako.
" Heto na nga madam oh, bababa na!"
Naku, hindi na naman ako makakakain ng almusal! Sa school nalang siguro ako kakain.
~~~Pagpasensyahan niyo na po itong kuwentong to. First time lang talagang magsulat ng author na to kaya ganito ka bland at pale ng storya. Pero sana patuloy niyo paring suportahan ang kuwentong to. Pramis, gaganda na ang mga mangyayare sa susunod na mga chapters. hehehe. Have a nice day po.

BINABASA MO ANG
One Legendary Goddess
FantasyFhinicia Lhyandra Perez, or "Fhin" (as what her friends call her), lives a boring and normal life as a student and as an orphan but everything changes when she has accidentally opened a portal leading to a mysterious world so different from where s...