A world different from ours

26 1 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nang magtama ang aking kamay at ang bagay na iyon. Isang napakagandang pakiramdam. Ngunit kasabay nito ang paghigop sa akin ng mismong bagay. Animo isa itong napakalaking vacuum cleaner na kahit anong palag mo ay hindi ka makakawala. Sinubukan kong hatakin pabalik ang sarili ko ngunit sadyang napakalakas ng puwersang humihigop sa akin. Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong subalit huli na ang lahat. Nahatak na ako ng bagay na iyon. Wala ako nagawa kundi pumikit na lamang at nagdasal na sana mabubuhay pa ako pagkatapos ng araw na ito. Oo nga at humingi ako ng bagong adventure sa boring kong life ngunit hindi ko naman inaasahan na ganito ang magiging kahihinatnan. Naku naman po! Gusto ko pang mabuhay! Tama nga sila, be careful what you wish for dahil nasa huli ang pagsisisi!!!

Ibinuka ko ang aking mata ng mapansin kong tapos na ang pag higop sa akin at nakaapak na ako ulit sa lupa.

Pero parang may kakaiba sa nalikita ko ngayon. Alam kong hindi na ito ang lugar ng eskuwelahan namin. Sinubukan kung magmuni muni dahil baka nakapunta na ako sa lugar na ito subalit wala akong maisip. Sadyang bago talaga ang lugar na ito.

Kinilabutan ako nang maalala ko ulit ang likidong nahaplos ko kanina. Marahil ay isa iyong portal o pinto papunta sa ibang dimensyon. Ibig sabihin talaga ay hindi lang mundo namin ang nag eexist! May ibang mundo pa!
Naku, baka mga alien ang nakatira rito at kapag nakita nila ako ay baka hindi na ako makabalik pa nang buhay sa amin! Baka gawin nila akong hapunan dito!

Dali-dali kong hinanap ang portal na nagdala sa akin sa lugar na ito ngunit wala akong makitang lagusan. idagdag pa na nagdidilim na kaya hindi ko maiwasang mangamba. Kinapa kapa ko lahat ng mga puno pati narin ang hangin ay sinubukan kong kapain. Ngunit hindi ko na ulit pa naramdaman ang portal.

Marahil ay nagsara na ito. Siguro pansamantala lamang itong binuksan at pagkatapos ng ilang minuto ay sasara ulit. Ibig sabihin kailangan kong maghintay dito ng ilang oras hanggang sa may magbukas ulit ng lagusan! Juice colored! Nagdidilim na rito! Mag-iisang oras na rin ako rito. Baka hinahanap na ako sa ampunan. Parang gubat pa naman itong napasukan ko!

Natigil ang pag muni muni ko nang may mga kaluskos at ingay akong narinig. Palakas nang palakas ang ingay kaya nagtago ako sa likod ng isang makapal na halaman. Mga taong nag uusap ang papalapit sa kinatutunguhan ko. Bigla akong kinabahan nang husto nang huminto sila sa tapat ng malaking halamang pinagtataguan ko. Ngunit mas lalo akong kinabahan nang pasigaw na nagsalita ang isa sa kanila.

" ALAM NAMING NANDITO KA KAYA LUMABAS KA NA KUNG PINAHAHALAGAHAN MO PA ANG BUHAY MO!!!! "

One Legendary GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon