Chapter 2 - Meet the new Jazmyne Camz Rodriguez!

41 2 0
                                    

Chapter 2 - Meet the new Jazmyne Camz Rodriguez!

After 1 month...

= Camz' POV=

Pagkalipas ng isang buwan maraming nag bago sa akin, pati na rin kay Mie. Mahirap mang paniwalaan pero ako naka move on na na ako sa nangyari sa aming pamilya. Si Mie bumalik na rin siya sa dati. Dito pa rin kami sa bahay namin dati nakatira. Si Manang Letty nalang ang aming kasama kaya nga sa laki ng bahay na to eh halos hindi na kami magkita kita.

"Ganda! Gising ka na! Baka mahuli ka pa sa first day of school niyo!" sabi ni Manang Letty sa akin habang binubuksan niya yung mga kurtina sa aking kwarto. First day of school nga pala namin ito ngayun.

"Manang! Ano na po bang oras? Pwede po bang 10 minutes pa?" kasi naman puyat ako kagabi eh. Nag movie marathon kasi kami ni Vaughn dito sa bahay. Nanood kasi ng mga horror eh.

"Ganda! Hindi na pwede. Mamaya nandyan na si Pogi." sabi ulit ni Manang habang hinihila yung kumot ko para ayusin.

Wala na akong sinabi bumangon nalang ako sa aking higaan at dumiretso na sa banyo...

After kong maligo sinuot ko na yung damit na inihanda ni Manang sa akin. Jeans at simpleng long sleeve na color black and white ang peg ko ngaun. Tapos naka keds akong sapatos. Pagka tapos kong magbihis nag ayos ng konti ng buhok at agad na bumaba sa salas. Nakita ko dun si Vaughn na nanonood ng tv.

"Camz! Tapos ka na pala. Kumain ka na." sabi ni Manang ng bigla siyang lumabas galing sa kusina.

"Manang si Mie po?" agad na tanong ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi siya hindi napapansin eh.

"Maaga siyang umalis eh! Nagma madali nga!" sagot naman ni Manang sa akin. Napansin ko naman si Vaughn na naglalakad na papunta sa akin ngayun. Patalastas na kasi kaya natanggal na ang mga mata niya sa tv.

"Ano na naman yang suot mo? huh?!" sabi sa akin ni Vaughn habang iniikot ako.

"Vaughn naman eh! Tama na nga yan! Nahihilo ako sa ginagawa moy." sabi ko sa kanya at agad naman niyang tinanggal ang pagka kahawak sa balikat ko.

"Dahil wala naman akong magagawa! Kumain ka na at nang tayo eh makaalis na. Bilis!" at agad akong tinulak papunta sa dining area.

Pagka tapos kong kumain ay nag paalam na ako kay Manang at lumabas na kami sa pinto. Dala ni Vaughn yung kotse niya. Isang BMW na Voistener, color.

"Oh! Jaz, tara na! Bakit ayaw mo pang sumakay?" tanong sa akin ni Vaughn habang nakatayo na siya ngayun sa side ng driver sit.

"Anong ayaw sumakay?! Sa tingin mo makikisakay ako sa cheap mong kotse?"  sabi ko sa kanya.

"Huh?! Anong cheap ka jan? Eh limited edition nga to eh! Nag iisa nga lang to sa pilipinas eh! Yan ba ang sinasabi mong cheap? Huh?!" pagmamayabang sa akin ni Vaughn.

"Talaga naman eh!" pagka sabi ko sa kanya nun agad akong pumunta sa aming garage...

At syempre ang regalo sa akin ni Mie. Isang ferrari lang naman na color white. Whaha... agad akong sumakay dito at pinaandar ito, tinigil ko lang ito sa tabi ng kotse ni Vaughn. At pag tigil ko? Kitang - kita sa mga mata niya ang pagka gulat.

"So? Kung iyo nag iisa lang sa pilipinas then yung akin naman nag iisa lang naman sa asia!" sabi ko sa kanya habang tumatawa. At hanggang ngayun kita ko pa rin sa kanya ang pagka mangha.

"Jamz! San mo naman nakuha yan?" tanong niya sa akin at ngayun nasa tabi ko na siya at pinag mamasdan mabuti ang labas at loob ng kotse ko.

"Regalo sakin ni Mie. Actually kakadala lang nan kahapon dito bago ka dumating and i've decided na bukas nalang ipakita sa'yo." sabi ko sa kanya na ngayun ay pasakay na sa kotse niya.

"So ano? Paunahan sa school?!" mayabang na tanong niya sa akin. Oh! I forgot this past few days ang napagka abalahan lang namin ni Vaughn ay ang pag sali sa mga drag racing.

"Game! Ano nga palang premyo?" sabi ko sa kanya habang pasakay na sa kotse ko.

"Motor? Gusto mo?" Motor? Whaha! Game ako dyan.

Hindi na ako sumagot sa kanya. Sumakay nalang ako sa kotse ko at ganun din siya. Sabay namin nai start yung kotse namin... Pagka tapos ng tatlong rebolusyon... Alam na namin ang dapat gawin count to 3 then go... 1... 2... 3... Go... then there we go...

Pagdating namin sa school... Whaha... Panalo ako... Yes! may motor na rin ako sa wakas. Matagal ko na kasing magkaroon ng motor pero ayaw ni Mie but this time sasabihin ko sa kanya It was a gift from a friend. At wala na siyang magagawa dun.

"Pano ba yan? Panalo ako?" pagmamayabang ko sa kaniya. Sadyang ganyan na kaming dalawa kaya naman wala sa amin ang napipikon.

"Haha!!! The best ka talaga Jaz!" sabay lapit sa akin at nakipag apir...

"Basta yung motor ko ha!" sabi ko sa kanya.

"Oo na! Tara na at baka malate pa tayo eh!" sabay tulak na naman niya sa akin...

Actually 30 minutes earlyb kami ngayun at first time to. Kasi naman dati lagi kaming hatid at sundo ng mga driver namin. Pumunta muna kami sa rooftop para mag palamig kasi I'm sure hinahanap kami ngayun ni Manong guard.

Pagkatapos namin mag pahinga or mag tago. Pumunta na kami sa room namin. Dahil first day getting to know each other daw. Eh apat na taon na kaya namin kasama ang mga taong ito eh. Kaya naman dahil wala kaming ginawa eh natulog nalang kami ni Vaughn. At natapos na ang aming first day of school ng ang ginawa ko lang ay matulog.

A/N: Whaha... Super ikli tuloy ng chapter 2. XD Sana magustuhan niyo pa rin. At dahil kakatapos ko lang manood ng Fast 6 kaya naman ganyan ang kinalabasan nyan... >:D

Yung nasa gilid po siya po si Jazmyne Camz Rodriguez po siya... Ganda noh?! >>>>

Ligne de mode (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon