Jazmyn's POV
*Tingin sa kanan*
*Tingin sa kaliwa*
*Tingin sa kanan*
*Tingin sa kaliwa*
Asan na ba yung lalaking yon!? Sabi ko 7 am dapat andito na siya eh.
7:15 na! -_-
Pag ako nalate, ihahampas ko sakanya tong mabigat na paperbag na to.
*Vroooom*
Hay sa wakas! Dumating din.
Sumakay na agad ako sa kotse ni Vaughn at pinaharurot na niya papuntang school.
"Bakit nga pala di mo gamitin yung kotse mo?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Nagtitipid ako sa gas." maikling sagot ko.
"Tch. Bakit nga?"
"Pinagpapahinga ko lang. May drag race mamayang gabi eh. I want it to be in it's best condition. >:)"
"Drag race!? Bakit di mo ko niyayakag!?"
"Baliw ka ba? Di ka naman mabilis eh. Natalo nga kita eh."
"Tch. Yabang natin ah. Basta, sasama ako. :)"
"Haha. Ge lang. :)"
Pagdating namin sa school, hinayaan ko nang si Vaughn yung magdala ng paperbag. Mabigat eh. :P
May program kasi dito sa school. Isang fund raising something para sa.. nasalanta ng bagyo ata?Yung nasa paperbag ay yung costume ko lang naman para sa booth namen. Anong booth namen? Isang cafe booth kung san nagbebenta kami ng mga coffee's and cake while wearing an anime costume. :3
Astig.
Kaso, ang daming tao. -_- Hassle tuloy.
Pwede kasi pumasok mga outsiders eh. Pwede sila maki-join sa program dito sa school.
Isang week magaganap yung program na yun. Hay. Pagod nanaman ng sobra ng isang linggo. Tch. Kaya ko to. FIGHTING! :D
Pagdating ko dun sa cafe-kuno namen, nagpalit na agad ako ng costume ko at tumulong na magserve nung mga costumers na dumadating.
Eyphrille's POV
"Ate! Punta kayo dito sa school namen! :) May fund raising program kasi kame. Libot libot lang kayo. Maraming magagawa dito. :)" sabi agad sakin ng isang lalaki habang inaabutan ako ng flyer.
"Tulad naman ng ano?"
"Well, yung theme po na ginamit ng school namin ay old school town. Parang yung sa EK po. :)"
"Talaga? That's awesome. Sige. Yakagin ko lang mga kaibigan ko ha?"
"Sige ate. Salamat po! :)"
Agad ko namang tinawagan sina Val.
*Ring.. ring*
*Ring.. ring*
"Babe! Asan ka ba? -_- Basta basta kana lang naalis ng apartment." bungad agad sakin ni Val.
"Babe.. kalma. Nagpapahangin lang po ako. :) By the way, punta kayo dito nina ate Sab sa *insert school name here* Andito ako sa tapat nito eh. May program sila. Isang fund raising.. something."
![](https://img.wattpad.com/cover/6286784-288-k117558.jpg)