Getting To Know

28.8K 385 25
                                    

At eto pa.

Matagal tagal ng nangyare to.

After 5 years...

may narinig ako ulit.

TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG!!!!!!!

Ang puso ko? Parang ngayon ko lang ulit narinig na tumibok ng ganito? Ano bang meron ngayong gabe? Ano bang nangyayare? Nababaliw na ba ko? Mamamatay na ba ko sa heart attack?

At sino ba tong babaeng papalapit sakin?

----------------------------------------------------

LANCE POV

"HOY! HOY! HOY! HOY! HOY!" BOOOOGSH!

"Aray! Shet sinong bumatok sakin? Ang sakit ah!"

"Hoy! para kang tanga! Kanina ka pa namin kausap di ka sumasagot! Kung di ka pa babatukan di ka magsasalita? Asan na ba ang dila mo ha? Amnesia lang? Wala ka ng alam na salita? Umayos ka nga! "

Hay naku! Si Lara pala yun. Aish nakakainis. Nagdadaydream yung tao eh! Ay wait! Yung kanina? Nanaginip lang ba talaga ako o totoo yun? Bigla akong natauhan. Tapos may narinig nalang akong tumatawa ng pigil at mahina. Ang cute! Pagkita ko SIYA! SIYA YUN! Siya nga! So totoo yung kanina!

BOOGSH!

"Aray! Nakakarame ka na ah! Ano bang problema mo? Magkakabukol na ko sa kakabatok mo eh!"

"Baliw! Nagsasalita ka lang kasi pag binabatukan! Bakit kanina ka pa nakatingin kay Patricia? Ngayon ka lang nakakakita ng tao?" epal moment ni Lara. Ha? Sino daw? Patricia?

"Ha? Sinong Patricia?"

"Ay baliw na nga bingi pa! Kanina ko pa sya pinapakilala sayo ni hindi mo man lang naregister ang pangalan niya? Ayan sa dame ng nagsascan na pangalan ng mga babae dyan sa utak mo di ka na nakakaalala ng pangalan." Tawanan sila ng tawanan. Ano ba to? Comedy Bar? Ako lang ang napagtripan?

"Hay naku Lance! This is Patricia. My highschool friend. Malapit lang siya nakatira dito kaya nahila ko na. Nag-aaya kasi kanina kaya sabe ko sumama nalang dito.  Patricia si Lance nga pala college friend ko" sabe ni Lara. Ngumiti naman si Patricia. Oh sh*t may tambol nanaman sa loob ng puso ko!

Back to reality Lance! Back to earth!

"Hi Patricia. I'm Lance! Enjoy ka lang! Buti nahila ka nito. San ka pala nakatira?"

BOOGSH! 

"Hoy bakit tinatanong mo kagad san nakatira? Baliw ka talaga! HOY straight yan! Kaya magtigil tigil ka! Ngayon na nga lang kame nagkita ulit nyan baka di na ulit magpakita yan!"pambwibwiset ni Lara sakin. Nakakainis!

"Excuse me! Sabe mo kasi malapit lang siya nakatira diba? Kaya ako nagtatanong! Yang utak mo linis linisin mo rin kasi minsan! Masyadong marame na kasing ewan dyan! Malisyosa! Grabe ka!" 

"Nakakatawa kayo!" Wow ang cute nyang tumawa. Ang cute din ng boses nya! Napansin ko nawawalan sya ng mata pag tumatawa! ang cute! Di naman ako mahilig sa mga chinita pero bakit sobrang cute na cute ako sa kanya.

Aish! Erase erase! Di pwede to!

"Hay naku Patricia! Hayaan mo nga yang si Lance. Puro kalokohan ang alam. Palibhasa walang lovelife!" bitter na sagot ni Lara.

"Hoy! Tama bang iannounce na wala akong lovelife? Tingnan mo nga yung mga tao tingin na ng tingin. Eh kung magpatawag na kaya ako ng press dito para iannounce mo pa sa buong Pilipinas o kaya sa buong mundo, upload pa natin sa Youtube! Grabe ka!" 

Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon