SUMMER LOVE PART 2
*flashback*
"KUYA!!!!" Sigaw ko. Hinahanap ko kasi sila kuya eh. Papakuha ko sa kanila yung mangoes. Mukhang ang sarap kasi. Pahinog na, meaning maasim na matamis \m/ Hindi kasi ako marunong umakyat ng puno. Eh sila kuya, mga taong unggoy yun kaya sila papakuhanin ko.
"KUYA PIERRE!!" Sigaw ko pa. Naiiyak na ko. I want those mangoes badly T^T At hindi ko na napigilan. I cried.I cried loudly. Wala namang makakarinig. At wala akong pakialam kung buhanginan yung inuupuan ko. Nakakainis naman kasi eh!
"Huy bata, bakit ka umiiyak?" And I felt someone poking my cheeks. Hanubeyy! Hindi niya ba nakikita na busy ako dito sa pagiginf melodramatic?!
"Pakialam mo?! *sniff* Umiyak ka din kung gusto mo!" Paasik kong sabi. Pakialamero kasi. Hindi ba niya napapansin na bume best actress ako dito? Pakain ko sa kanya yung buhangin eh.
"May pakialam ako kasi ang sakit kasi sa tenga ng boses mo. Para kang walking megaphone" At napatingin ako sa kanya. At swear, napatigil ako for a few seconds. He looks like Dakota Goyo, kaso yung buhok niya black. Gwapo to paglaki. Parang ako, maganda ako paglaki ko.
"How dare you?! Sa buong buhay ko, wala pang nagsasabi sakin nyan! Tapos ikaw na hindi ko kilala sasabihan akong walking megaphone?!" sabi ko as I composed myself from being lovestrucked. Hindi ako pwedeng magka crush sa lalaking to! Nevah! Uh-ah.
"Talaga? Edi ngayon meron na." Sabi niya sa tonong nangaasar. Nagulat na lang ako nung pinunasan niya yung luha ko at inayos yung buhok ko na nakatakip sa mukha ko.
"Maganda ka palang megaphone eh." Sabi niya and I feel my cheeks heat up. At dahil nahiya ako sa sinabi niya, bigla akong nahiya eh. "Ano bang problema? Bakit ka umiiyak?" dagdag niya. Naiyak na naman tuloy ako TTmTT
"Kasi *sniff* hindi ko mahanap sila kuya eh *sniff*" Sabi ko habang nakayuko at bumabalik sa pagiinarte.
"Bakit mo naman sila hinahanap?" Sabi niya. Ewan ko, pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. And I have a feeling na magiging magkaibigan kami. Feelingera ako eh. Bakit ba?
"Eh kasi *sniff* papakuha ko sa kanila ko yung mangga eh *sniff* Hindi pa naman ako marunong umakyat ng puno *sniff*" Pagsusumbong ko. Sila kuya naman kasi eh T^T Dapat kinuha muna nila yung mangoes bago sila naglayas.
"Yun lang pala eh. Tara, kuha tayo ng mangga. Tuturuan na din kitang umakyat ng puno" Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko, ulit. Bumilis tibok ng puso. Halakaa~ may sakit na ata ako sa puso. Sasabihin ko to kila mom mamaya.
"Really?!" He just nod at hinila na niya ko sa puno ng mangga na malapit sa min.
And yun nga, tinuruan niya ko. Medyo mahirap nung una pero keribels naman. And kinuha na niya yung mango para sakin. Nagkwentuhan lang kami habang nakaupo sa sanga at kumakain ng mangga. Ang saya niya kausap at lagi siyang may joke. Ang dami kong nalaman sa kanya at ganun din siya sakin. Nalaman ko din na eto ang tambayan niya dahil mahangin daw. Sabi ko senyo eh! Magiging friends kami. Pero secret lang natin to ha? Crush ko na ata siya. Hihihi :'>
"Gusto mo ng indian mango? Kukuha ako ha? Dito ka lang." Sabi niya at bumaba na na siya.
"Sab! Anong ginagawa mo dyan?" Nagulat ako sa sigaw mula sa baba and I saw my kuya Pierre at kuya Nathan eating marshmallows *O*
"Nags scuba diving siya dun sa taas kuya" My kuya Nat said. Binatukan naman siya ni Kuya Pierre.
"Bumaba ka nga diyan Sabrina!" Sabi ni kuya Pierre
"I cant. I dont know how. May marshmallows pa kuya?" Sabi ko. I want to eat marshmallows na!
"Paano ka nakaakyat diyan kung hindi ka marunong bumaba?!" Huh?
"Ang gulo Pierre Cyril. Kapatid ba kita?" Sabi naman ni Kuya Nathan " At ikaw naman Sabrina Annaliese, bumaba ka na diyan." Utos niya. Parang siya ang panganay no?
"Saluhin niyo ko ha?" Paninigurado ko
"Oo. Talon na dali at nag maibalibag na kita. Mauubos na marshmallows mo sige ka. May smores pa naman." I closed my eyes and count 1 to 3 and I jumped. Buti nasalo ako nila kuya. Nagpapasan ako sa likod ni kuya Pierre because I'm tired. Tsaka ko naalala si Mico. Di bale, magsorry na lang ako bukas.
Next day, pumunta agad ako dun sa puno with a pack of marshmallows for us to share. Magso sorry din ako. Sana naman hidni siya ganung katagal nag hintay.
Hindi nagtagal, I saw him walking towards me with a smile on his face. At whole day kaming naglaro. And pahingahan namin yung puno. We've been bestfriends. We do alot of things together. At hindi kami mapaghiwalay. And, pag kasama ko siya, laging mabilis ang heartbeat ko. May sakit na nga ata ako sa puso, oh my.
Days came at nagulat ako nung sinabi ni daddy na babalik na kami ng manila the day after tomorrow. Si Mico agad ang naisip ko. Pagdating ng 3 pm, pumunta agad ako sa puno. And nandun na agad siya.
"Hello meggie" Sabi niya. Meggie daw kasi megaphone
"Hi mico, may sasabihin nga pala ako sayo." Tinignan niya ako na parang hinihintay yung sasabihin ko.
"Uuwi na daw kami sa makalawa ng umaga. Hindi na tayo magkikita :(" I told him sadly. Eh kasi naman eh. Magkakahiwalay na kami. I'll miss his jokes and his laugh. Nakita kong natigilan siya.
"Meggie! Bukas punta ka dito ha? Gantong oras pa din. May ibibigay ako sayo. Kita na lang tayo bukas." Sabi niya at bumaba na ng puno. San kaya pupunta yun?
Kinabukasan, pumunta agad ako sa puno. At nandun na siya and may hawak siya small na box. Huh?
"Mico!" I called him at umakyat na din ako ng puno. Hindi uso samin ang awkwardness pero bakit parang ang awkward ngayon?
"Meggie, alam mo ba crush kita?"
O______________________________________________O
"A-ano?" Kahit narinig ko yung sinabi niya, i just want to make sure na tama yung narinig ko. Ewan ko pero parang ang saya ng puso ko >:)
"Sabi ko, crush kita" Sabi niya at binigay sa kin yung box.
"A-ano to?" Baka bomba to mahirap na! Kinuha niya yung laman nung box. Isang anklet na may charm na seahorse. One word, gorgeous. Nakwento ko kasi sa kanya na i'm very fond of searhorses though hindi ako madalas makakita pero gusto ko talaga yun.
"Sabrina, hintayin mo ako ha? Paglaki natin, papakasalan kita, PROMISE!" Sabi niya pagkasuot niya ng anklet sa paa ko, anklet nga diba? His exact words marked in my mind.
And the next day, I left this place with his promise and unintentionally, I left my heart to him.
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
Summer Love (Short Story)
Teen FictionSummer love.. A story of a girl who longs for her childhood bestfriend, puppy love and first love. What will happen if she finally meet him after 8 long years? Maging katulad pa din kaya ng dati ang mga bagay bagay?