Chapter 1: "The Promise"
written by: Cristina de Leon
Magkikita na rin tayo sa wakas, Ivy. Nangingiting sabi ni Cane sa sarili niya habang tinititigan ang latest picture na iyon ng babae na nanggaling pa mula sa isang private investigator na inutusan niya para manmanan ito.
Hindi naman siya stalker pero gusto lang nyang siguraduhin na may babalikan pa siya sa Pilipinas kapag umuwi siya. At para na rin syempre malaman kung nasaan ito.
Nagmula pa siya sa Japan at lumipat siya sa Sacred Heart Academy dahil lang sa gusto niyang makasama ulit ang first love at kababata niyang si Ivy. Napakatagal nilang hindi nagkita kaya naman sobra na siyang excited na makita muli ito.
At ngayon nga ay ang unang araw niya sa klase. Sa totoo lang ay hindi na siya masyadong nag-ayos dahil ayaw niyang mag stand-out sa school. Hindi naman sa pagmamayabang pero ayaw niyang maging sikat doon katulad ng nangyari sa kanya sa Japan na halos sambahin na siya ng mga estudyanteng babae at maging ng mga teachers.
Masyado kasi siyang gwapo. Athletic at matalino pa. Bukod doon ay napakayaman pa nila kaya naman halos nababaliw sa obsession ang halos lahat ng babaeng napapalapit sa buhay niya. Kahit ang mga nagiging kaibigan niyang babae noon ay nahuhulog din sa kanya kahit pa wala naman siyang ginagawa para magustuhan ng mga ito. Kaya naman mas pinipili na lang niyang huwag na lang makipagkaibigan sa mga babae kaysa naman umasa lang ang mga ito sa wala.
Maaaring iniisip ng iba na sobrang lakas ng bilib niya sa sarili niya, pero ang hindi alam ng marami ay hindi rin madaling maging almost perfect na at nakukuha mo na ang lahat ng gusto mo nang walang kahirap-hirap. Pakiramdam niya ay wala nang kachallenge-challenge ang buhay. Bukod doon ay para bang hindi na tao kung ituring siya ng iba. Para siyang Diyos sa paningin ng mga ito and he really hates it!
Kaya naman ngayon ay nagpasya na siya na mamumuhay na lang siya bilang isang ordinaryong estudyante sa school na iyon. Isang ordinaryong estudyante na hindi kagwapuhan, hindi masyadong matalino at hindi rin masyadong nag-eexcel sa sports. Susubukan niyang paibigin si Ivy sa ganoong klaseng katauhan na mayroon siya.
Napangiti na naman siya nang maisip ang chilhood love niya. Ito rin ang unang naging kaibigan niya noon.
Ginunita niya ang nakaraan.
NAAALALA PA niya noon na dahil isa siyang henyo ay wala rin siyang kahilig-hilig maglaro noon. Para sa kanya ay para lang sa mga bata ang paglalaro. Pakiramdam kasi niya ay matanda na siya kahit na maliit pa ang katawan niya. Kaya naman para sa kanya, ang pakikipaglaro ay isang walang kwentang bagay. Mas nasisiyahan pa siya kapag libro ang kaharap niya. Para sa kanya, maihahantulad na sa paglalaro ang pag-aaral. Dahil doon siya nag-e-enjoy.
Kaya naman nag-aalala na ang mga magulang niya noon sa kanya dahil natatakot ang mga ito na baka hindi siya lumaki ng normal katulad ng ibang bata.
Dinala siya ng mga ito isang araw sa isang playground kasama ng ilang bata. Pero kaiba sa ibang mga bata ay hindi siya umiyak. Bakit siya iiyak kung alam naman niya ang eksaktong address at phone number nila? Kahit walang sinabi sa kanya ang mga magulang ay sinaulo na niya iyon para kung sakaling mawala siya ay walang magiging problema, mahahanap niya agad ang mga ito. Seven years old na siya kaya marunong na rin siyang umuwi ng mag-isa.
Gayunpaman, sinakyan na lang niya ang trip ng mga magulang para hindi na mangulit.
Sinubukan niyang magmatiyag sa mga batang naglalaro pero natatakot ang mga itong lumapit dahil ang sabi ng mga ito ay ang sama raw niyang makatingin. Ang iba pa ngang bata ay umiyak pa kapag tinitingnan niya. Para raw kasing may dark aura na nakapaligid sa kanya.
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love
Teen FictionFirst love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na...