CHAPTER 6: Girl Friends.

5.7K 72 35
                                        


CHAPTER 6: Girl Friends.

Written by: CDLiNKPh

"Ayos ka lang ba ha, Alexa? Hindi ka ba sinaktan ng manyak na 'yun? Hindi ba natuloy iyong paghalik niya sa 'yo? Buti na lang dumating ako kaagad. Dahil kung hindi ay baka napagsamantalahan ka na niya!" oa na sabi ni Ivy nang makauwi na sila sa bahay nila.

Tuloy-tuloy na nagsasalita si Ivy habang si Alexa naman ay nakatulala lang. Lumilipad pa rin ang isip hanggang ngayon dahil sa lalaking iyon na muntik nang makahalik sa kanya.

Hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang kaba niya kapag naiisip niya iyong nangyari kanina.

"Wahhh!!!" Siya naman ngayon ang napasigaw nang maalala ang ginawa niyang kagagahan kanina.

Humiga siya sa kama saka tinakpan ng unan ang mukha niya. Pulang-pula ang mukha niyang iyon.

"Bakit, Alexa? Ano'ng problema? Mali ba ang akala ko? Natuloy talaga iyong masamang balak sa 'yo ng lalaking iyon?!" Naghihisterikal na naman si Ivy.

Pero abala siya sa sobrang pag-iisip ng kahihiyan niya para pansinin pa niya ito.

Ang gaga talaga niya! Minsan na nga lang may lumapit na lalaki sa kanya pagkatapos ay ganoon na agad ang naging reaksyon niya. Nasaan na iyong nilagay niyang patakaran para sa sarili dati na pahihirapan niya ang unang lalaking magiging boyfriend niya?

Pero sa ginawa niya kanina ay parang nagmukha yata siyang easy to get! Kung hindi pa talaga dumating si Ivy ay sigurado siya na matutuloy ang halik na iyon na ni hindi man lang tinutulak ang lalaki.

Bumangon siya ulit habang si Ivy naman ay kinakaway-kaway ang kamay nito sa mukha niya na para ba siyang bulag.

Sa susunod talaga na magkita kami ay ipapakita ko na sa kanya na may poise rin naman ako at hindi lang basta-bastang babae.

Dont underestimate me, Cane! sabi ng isip niya.

"Alexa!" Pagsigaw na ni Ivy nang tila hindi na niya ito nakikita.

Pero ang gwapo niya talaga. Nakakaadik tingnan ang mga mata niya

"Alexa!" Muling pasigaw ni Ivy na ikinapitlag na niya.

Nakalimutan niya na nandito pa pala ito sa bahay nila.

"Bakit ba lumilipad ang isip mo? May gusto ka ba sa lalaking iyon?" nag-aalalang tanong nito na pinakita na naman sa kanya ang puppy eyes nito.

"Syempre naman, wala! Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon!" namumulang pagtanggi niya pero hindi niya alam kung halata sa boses niya na kahit sa sarili niya ay hindi na rin siya sigurado.

Parang nabuhayan ang mukha ng cute na si Ivy. "Totoo ba yan, Alexa? Ibig sabihin, ako pa rin ang mahal mo?" paglalambing nito na nagwi-wink pa ang mga mata habang cute na cute na nakangiti.

Hah? Ano raw?

"Mangako ka sa akin, Alexa! Na hinding-hindi mo ako ipagpapalit sa panget na lalaking iyon!" pushy na sabi nito na parang maiiyak pa.

"Bakit ba masyadong apektado itong si Ivy? Ano naman ngayon dito kung gusto niya si Cane? Bilang kaibigan ay masyado itong selosa! Pero syempre, hindi na naman siya makatingin ng diretso rito kapag ganoong pinapakita na nito ang innocent face nito. Si Ivy ang klase ng tao na mahirap tanggihan.

"Oo naman, Ivy. Syempre, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Isa pa, masyadong malakas ang tiwala sa sarili ng lalaking iyon. Ang yabang-yabang, akala niya siguro ay basta na lang ako madadala sa mga paglalandi niya! Aba, matinong babae yata ako!" pagyayabang niya pero alam naman niya na kabaligtaran niyon ang ginawa niya kanina.

Sa totoo lang ay sinabi na lang din niya iyon dahil alam niya na mas mahirap makipagtalo rito kaysa sang-ayunan ang sinasabi nito. Dahil siguradong mangungulit at mangungulit lang ito hangga't hindi nakukuha ang gusto.

"Talaga? E, 'di hindi mo na siya papansinin? Promise?" paniniguro pa nito.

"Oo, promise!" labas sa ilong na sabi niya. Hindi na naman siguro lalapit sa kanya ulit ang lalaking iyon.

"Yehey! I love you, Alexa!" Saka ito biglang yumakap sa kanya kaya napahiga na naman sila sa kama.

Nasa ibabaw na niya ang maliit na katawan nito. Pinaghahalikan pa siya nito sa pisngi kaya inilayo na niya ang mukha nito. Tawa lang siya nang tawa dahil nakikiliti na siya. Para talagang batang paslit itong si Ivy!

"Oo na, sige na! I love you too, Ivy kaya umuwi ka na dahil baka hinahanap ka na ni tita!"pagtataboy na niya rito.

Para talaga itong bata kung kumilos. Kaya kahit kailan ay hindi niya ito matiis, e. Ayaw niya kasing makita na nasasaktan ito kaya kadalasan ay spoiled talaga ito sa kanya. Para na niya itong nakababatang kapatid.

"Ayaw ko pa umuwi. Pwede bang dito na lang ako matulog? Tabi tayo! Hi-hi-hi!" Saka ito humagikhik ng ubod ng tamis.

Kung makita siguro iyon ng mga fangirls at fanboys ni Ivy ay baka nagsitilian na. Maraming may gusto rito dahil sa cuteness nito.

"Hindi pwede! Umuwi ka na, ilang araw ka na ring nakikitulog dito, a? Nawiwili ka na. Baka hinahanap ka na ni Mommy mo. Hindi ka ba naaawa sa kanya na wala na nga siyang kasama ro'n sa bahay ninyo pagkatapos ay hindi ka pa ro'n natutulog," pangungusensya pa niya at mukhang tinablan naman ito.

"Hmp! Sige na nga! Sige, Alexa, aalis na ako. Basta iyong promise mo, ha?" naniniguro pang sabi nito.

Napangiti na lang siya. Napakakulit talaga nito.

"Oo na. Unlimited ka talaga, Ivy," natatawa na lang niyang sabi saka na hinatid ito palabas ng gate.

Nagkiss pa ito sa cheeks niya bago na tuluyang umalis.

Agad na siyang umakyat pabalik ng kwarto at humiga na ulit sa kama niya saka napabuntong-hininga.

Totoong mahal niya si Ivy pero minsan ay may mga oras talaga na gusto niyang mapag-isa. Araw-araw kasi na ginawa ng Diyos ay palagi na silang magkasama dahil panay ang buntot nito sa kanya. Kahit gusto niyang mag-isip ay hindi niya magawa dahil napakadaldal nito. Hindi rin niya masabi ang mga bagay na gusto niyang sabihin dito dahil may pagkasensitive rin ito. Para bang pagsabihan lang niya ng kaunti ay iiyak na.

Inilihis na niya ang isipan kay Ivy at pumikit na lang siya. Pinilit niyang matulog pero ang mapang-akit na ngiti na naman ni Cane ang lumitaw sa balintanaw niya.

Kahit ano'ng pilit niya na paniwalaan ang sinabi ni Ivy kanina rito na panget ito ay hindi talaga niya magawa. Alam naman kasi niya na hindi naman talaga totoo iyon. Inaasar lang talaga ito ni Ivy dahil nakita sila nito na halos maghahalikan na.

Pakiramdam niya ay si Cane na ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa balat ng lupa.

Kailangan yata na may gawin siya para mawala ito sa sistema niya. Pero ano naman kaya iyon? 

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon