Chapter 5: "Playboy"
written by: Cristina de Leon
NAKAHANAP din ng pagkakataon si Cane na masolo sandali si Alexa nang bumalik sa loob ng classroom nito si Ivy para kunin ang naiwang bag nito. Uwian na noon kaya naghahanda na ring umalis ang mga ito.
"Alexa!" pagtawag niya sa babae na agad namang ikinalingon nito.
Napansin niya na bigla na lang itong nagblush no'ng mapatingin sa kanya.
Napangiti siya. Mukhang tama nga ang hinala niya na may crush sa kanya ang babaeng ito.
Ayos din naman ang charm niya. Gumagana pa rin kahit itago niya. (AN: sige Cane ikaw na ang pogi! Ha-ha-ha!)
"Gusto ko lang sanang mag-sorry dahil do'n sa pagiging rude ko kanina. Pasensya ka na, ha? Nasigawan pa kita," nilambingan niya ang boses niya. Kailangan niyang mas lalo pang makuha ang loob ng babaeng ito.
"Naku, ayos lang iyon, wala namang problema sa akin e. Isa pa, hindi mo kailangang isipin iyon dahil kasalanan ko naman," nahihiyang sabi nito.
Alam na niya ang mga galaw na ganoon ng mga babae. Lumalakas ang tibok ng puso nito ngayon dahil kaharap siya nito. Pulang-pula ang mukha at halatang hindi kumportable sa harap niya. Hindi ito mapakali. Halata na wala pang experience sa mga lalaki ang kaharap niya ngayon dahil masyado itong obvious na may gusto sa kanya at hindi man lang iyon maitago kahit na sandali. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Hindi naman yata pwedeng basta gano'n na lang iyon. Hayaan mong makabawi ako sa 'yo. Ako nga pala si Cane. How about you?" nakangiting tanong niya.
Ibinigay niya rito iyong ngiti na alam niyang kahit na sinong makakakita ay mahuhulog na agad ang loob sa kanya.
"Alexa. My name is Alexa," nakangiti na ring sabi nito.
Tinitigan niya ito sa mga mata nito.
At alam niya na sa pag-angat ng mga mata nito papunta sa kanya ay may namumuo na talaga itong pagtingin para sa kanya. Alam niya na malakas ang kabog ng dibdib nito. Alam niya na may gusto ito sa kanya dahil nanginginig pa nga ang mga kamay nito na hawak-hawak niya.
Saulong-saulo na niya ang mga babae. Nakukuha niya agad ang mga ito sa isang beses lang na sinubok niya.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha rito at mukhang na-concious naman ito kaya bigla itong lumayo at iniba ang usapan.
"A-ahmm, bakit nga pala ganyan ang histura mo? K-kuwann, nakita ko kasi kanina na wala ka namang salamin at mukha namang hindi talaga malabo ang mata mo dahil nasalo mo pa nga ako kahit na natanggal iyong salamin mo, e." Bigla nitong iniba ang usapan.
Mukhang talagang nagtaka rin naman ito dahil biglang pangit siya kung ikukumpara sa nakita nito kaninang umaga nang matitigan ang mukha niya pero alam niya na hindi naman iyon ang main reason kung bakit nito binago ang usapan. Naiilang lang talaga ito sa kanya.
Ngumisi siya.
Playing hard to get, ha? sabi niya sa isip.
Tinanggal niya ang pangit at makapal na salamin sa mga mata niya saka lumapit ulit dito.
"Wala sana akong planong ireveal ang sarili ko sa 'yo ng basta-basta pero mukhang wala na akong magagawa dahil nabuko mo na ako, e. Nakikita mo naman siguro na sa mukhang taglay ko ay hindi malabong pagkaguluhan ako ng mga babae rito, hindi ba? Ayokong magstand-out masyado kaya nagpapanggap akong nerd. Pero ngayong nakilala na kita, mukhang ayaw ko na yatang maging pangit sa paningin mo," paglalandi niya rito at alam niyang tinatablan ito. Mukha lang itong masungit pero alam niya na babae pa rin ito. At alam niya kung ano ang kiliti ng mga katulad nito. Mga matatamis na salita...
Lapit siya rito nang lapit habang ito naman ay parang kinakabahang palayo nang palayo.
Nakorner niya ito sa puno.
"Okay lang ba sa 'yo kung hahayaan mo akong makabawi sa mga kasalanan ko sa 'yo?" nakangising sabi niya saka akmang ilalapit na naman ang mga labi niya sa labi nito. At sa pagkakataong ito ay parang wala na rin itong balak umiwas. Nalaglag na ng tuluyan sa charm niya.
"Uwaaaa!!!"
Nagulat silang pareho ni Alexa nang may sumigaw.
At paglingon nila ay ang gulat na gulat na si Ivy ang nakita nila!
"Lumayo ka sa kanya! Anong karapatan mong halikan ang prinsepe ko?!" galit na sabi nito na agad silang nilapitan saka itinulak siya palayo kay Alexa.
"Teka, teka sandali—" Natataranta na rin siya.
Hindi ito ang unang gustong niyang maging muling paghaharap nila ni Ivy. Plano niya na unti-untiin ang paglapit dito pero bakit ganito ngayon ang nangyayari?
"Huwag kang umasa na maaagaw mo sa akin si Alexa kasi sa akin lang siya! May girlfriend na siya kaya huwag na huwag ka nang lalapit!" galit na sabi nito. Parang naging isang lion ang isang cute na tigre.
Ano raw?
"Girlfriend?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo, girlfriend! May reklamo? Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na dahil taken na siya! Pangit ka! Beehhh!!!" Sa gulat niya ay bigla na lang nilabas ni Ivy ang dila nito at binelatan siya!
Nang matulala siya sa kawalan ay doon na nito hinila paalis si Alexa na wala na ring nagawa dahil kahit ito ay nagulat din.
Wala na ang mga ito pero natutulala pa rin siya at paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan niya ang sinabi nito.
"Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na! Pangit kaaaa!!!"
"Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na! Pangit kaaaa!!!"
"Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na! Pangit kaaaa!!!"
"Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na! Pangit kaaaa!!!"
"Ako ang prinsesa niya at siya ang prinsepe ko kaya lumayo-layo ka na! Pangit kaaaa!!!"
Wahhhh!!! Kailangan ba talaga paulit-ulit? Unlimited?!
Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya natawag na isang pangit at sa lakas ng self confidence niya ay para lang iyong naglahong parang bula.
Sinabihan siya nito ng gano'n kahit na nakaladlad naman ang tunay na anyo niya kanina na gwapo, matipuno at malakas ang sex appeal. Pero sinabihan pa rin siya nitong pangit kaya hindi naman siya nakadisguise?!
Unbelievable!
Ivy, hindi ka lang pala engot, bulag ka pa! Kumukulo na ang dibdib niya maisip pa lang niya ang sinabi nito. Kung hindi lang talaga niya mahal si Ivy ay binatukan na niya ito. Pangit daw siya! Siya? Si Cane Alvarez? Nasabihang panget?!
Bumuntong-hininga na lang siya at sinubukang pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang isipin na si Ivy ang babaeng pakakasalan niya kaya dapat lang na maging matiyaga siya rito. Kailangan niya itong pagpasensyahan kahit ano pa man ang lumalabas sa bibig nito.
Pero bumalik ulit sa isipan niya ang isa pang sinabi nito. Si Alexa daw ang prinsepe nito. Girlfriend daw ito ni Ivy.
Pero babae rin si Alexa 'di ba?
Anong sinasabi ng mahal niyang si Ivy? Tama ba talaga ang narinig niya?
Ito at si Alexa ay magkasintahan?!
Hindi totoo ito! Pakiramdam niya ay magugunaw na ang mundo niya! Hindi pwedeng maging lesbian si Ivy dahil pakakasalan pa niya ito!
Mukhang hindi talaga magiging madali ang pagbalik niya sa buhay ni Ivy pero gagawin niya ang lahat para magkasama lang sila ulit.
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love
Teen FictionFirst love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na...