Chapter 2: Love At First Sight
written by: Cristina de Leon
Pagkatapos ng isang oras na biyahe ay nakarating na rin si Cane sa school sa wakas. Pakiramdam niya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam niya dahil alam niya na nalalapit na talaga ang pagkikita nila ni Ivy.
Makikita na niya ito ulit sa personal sa wakas at hindi na lang siya basta magtatiyagang tumitig sa mga latest pictures nito.
Paakyat na sana siya papunta sa second floor nang may isang babaeng tumatakbo rin paakyat ang nakasangga niya. Dahil doon ay natumba sila at mabuti na lamang ay nasalo niya ito kaya nadaganan lang niya ito imbes na malaglag.
Ang salamin ko! Iyon agad ang una niyang hinanap nang matumba sila sa sahig. Ni hindi na namalayan ni Cane na titig na titig pala sa mukha niya ang hindi pa nakikilalang babae.
SAMANTALA, ang babae naman na nakabangga ni Cane ay walang iba kundi si Alexa. Na kasalukuyan nang
naririnig ang lakas ng pagtibok ng puso dahil sa pagtitig sa napakagwapong mukha ng misteryosong lalaki na napadagan sa kanya.
Hindi niya maiwasang hindi ma-mesmerize nang dahil sa kagwapuhan nito. Matangos ang ilong ng lalaki. Makapal ang kilay nito at matatalas ang mga mata nito na nagbibigay ng boring and masculine look dito. Pero dahil mismo sa boring look na iyon mula sa mga mata nito ay mas lalo lamang iyong nagbigay ng matinding sex appeal ditto.
Mapula rin na medyo makapal ang labi nito na para bang napakasarap halikan. At ngayong halos magkayakapan na sila ay damang-dama niya na may abs din itong nagtatago sa makapal na damit nito.
Mahabaging langit! Nasa langit na ba siya?
Itinayo siya ng lalaki pero laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong pabalyang binitawan.
"Bakit ba kasi tumatakbo ka pababa ng hagdan? Hindi mo ba alam na delikado iyang ginagawa mo? Paano kung parehong nabagok ang mga ulo natin? Mababalik pa ba ng sorry mo ang perwisyong maaaring naidulot mo sana sa akin?!"
Nahiya naman siyang bigla. Kung saan-saan na siya dinala ng pantasya niya samantalang ito ay mukhang hindi man lang nakaramdam ni katiting na attraction para sa kanya.
"Naku, sorry! Hindi ko naman talaga gustong tumakbo kaso late na late na ako sa klase ko. First quiz namin ngayon, eh. At hindi mo alam kung gaano kahigpit ang prof naming kaya sorry talaga!" Sobrang apologetic na sabi niya. Naiintindihan naman niya kung bakit ito nagagalit.
"Tsk! Mas iniisip mo pa ang quiz mo kaysa sa kaligtasan mo," masama pa rin ang tingin na sabi nito saka nito dinampot ang napaka-weird na salamin nito dahil sa kakapalan at saka na tumalikod paalis sa harapan niya.
Pinauna na niya itong umakyat sa hagdan dahil sa hiya niya rito.
Ang sungit naman niya. Nag-sorry na nga ako, eh, nakasimangot na sabi niya sa isip.
Bumaba na rin siya sa classroom nila at sinalubong naman siya ng yakap ng bestfriend niyang si Ivy. Saktong pagkaupo niya ay dumating na rin ang prof nila saka na nag-umpisa ng klase.
Joke lang pala ang quiz na sinabi nito dahil dinelay nito iyon para bukas.
Ayos, ha. Muntikan na akong mamatay dahil sa pagmamadali papunta rito pagkatapos ay delay naman pala ang quiz? pagrereklamo niya sa isip pero alam naman niya na wala rin siyang magagawa.
Mukha namang masayang-masaya si Ivy dahil sa delayed quiz na iyon. Halatang hindi na naman ito nag-aral.
Pero mabuti na rin sigurong delayed ang quiz dahil wala namang ibang naiisip ang utak niya no'ng mga sandaling iyon kundi iyong lalaking nakabangga niya kanina. Marahil nga ay blessing in disguise na rin ang nangyari. Muntikan man siyang mamatay dahil sa pagmamadali niya ay nakabangga naman niya ang prince charming niya.
Nang maalala ang kakisigan nito ay muli na naman siyang dinalaw ng isang pakiramdam na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman sa tanang buhay niya kahit ang dami-dami na niyang naging crush.
Ano kayang pangalan niya? Sana magkita kami ulit, lihim na pag-asam niya.
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love
Teen FictionFirst love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na...