Chapter 3: Ivy's Friend
written by: Cristina de Leon
SOBRA ang pagkabagot ni Cane sa loob ng classroom. Paano nga ba naman siyang gaganahang mag-aral kung halos alam niya na lahat ang tinuturo ng professor niya? Bata pa lang siya ay halos kakambal na niya ang mga libro at nabasa na niya halos ng pwedeng basahin pagdating sa iba't-ibang subjects. Advance nang maituturing ang katalinuhan niya kung ikukumpara sa mga kaklase niya.
Pero syempre, kailangan niya pa ring magpanggap na kunwari ay nahihirapan siya. Hindi ba nga ay gusto niyang magbagong buhay? Gusto niyang mamuhay ng normal lang katulad ng ibang estudyante roon.
Gusto niyang takasan iyong dati niyang imahe na halos sambahin na ng lahat. Ayaw na niyang maging popular. He wants something new. A new life.
Gusto niyang maging tahimik ang buhay niya ngayong nandito na siya sa Pilipinas.
Gusto na niyang magkaroon ng girlfriend... Gusto na niyang makita si Ivy!
Kaya mamaya talagang lunch break ay hahunting-in niya ito. Kahit saang lupalop ng classroom man ito naroroon ay sisiguraduhin niya na hindi matatapos ang araw na hindi niya ulit makikita ang kababata.
Nilabas niya ang wallet at tinitigan na lang ang picture nito sa habang may nagkaklase.
DUMATING din sa wakas ang lunch break na pinakahahantay ni Cane. Ni hindi na niya naisip pang kumain dahil mas gustong niyang hanapin ang nawawala niyang prinsesa.
Bakit ba kasi sa talino niyang iyon ay may lihim din pala siyang katangahan? Pinaimbestigahan naman niya si Ivy. Kaya nga alam niya kung saan ito nag-aaral. Pero ni hindi man lang niya nagawang itanong noon sa private investigator niya kung saan ang eksaktong classroom ni Ivt sa Sacred Heart Academy. Nagbabakasyon na ngayon ang private investigator sa ibang bansa kaya hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya.
Naiinis siya dahil malapit nang matapos ang lunch break nila pero hindi pa rin niya nakikita si Ivy. Hanggang sa may narinig siyang mga estudyanteng naghihiyawan.
Galing iyon mula sa canteen at dahil dala na rin ng kuryosidad, naisipan niyang makiusyoso sa nag- kukumpulang mga estudyante.
"Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Ms. Ivy Parker. Ang cute pala talaga niya sa personal, grabe!" Narinig niya na sabi ng isang babaeng naroon.
Biglang lumaki ang tenga ni Cane nang marinig ang sinabi ng babae. Ang pinakamamahal niyang si Ivy ang pinag-uusapan ng mga ito!
Agad siyang nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulang estudyante. Lunch na kung tutuusin kaya dapat lang na kumakain na rin ang mga ito pero imbes na kumain ay ang pagtitig lang sa ka-cute-an ni Ivy ang inaatupag ng lahat. Hindi siya makapaniwala na mukhang marami siyang karibal sa school na iyon!
Dahil sa naisip ay nakipagsiksikan pa siya lalo pero dahil isang creepy otaku lang ang tingin sa kanya ng lahat dahil sa kapal ng salamin niya at wirdong pagsusuot niya ng uniform ay walang gustong magpasingit sa kanya sa tinitingnan ng mga ito. Sa katunayan ay naitulak pa nga siya dahil sa sobrang daming tao!
Doon niya naisip na mahirap din palang maging hindi kapansin-pansin. Gusto na niyang makita si Ivy pero hindi pa niya magawa dahil mukha lang siyang tinga sa paningin ng mga tao. Hindi katulad kapag cool ang image niya na nagiging maganda ang pakita ng lahat sa kanya.
Doon na niya ginamit ang lakas ng pwersa ng katawan niya para makarating sa pinakaunahan. Pakapalan na ng mukha, kailangan na niyang makita ang dahilan kung bakit siya umuwi ng pilipinas!
Parang nagbukas ang pintuan ng langit nang sa wakas ay nasilayan na rin ni Cane sa wakas ang babaeng gustong niyang pakasalan at makasama habang buhay. Pakiramdam niya ay huminto ang pag-inog ng mundo niya. Pakiramdam niya ay tumigil sandali ang kakayahan niyang huminga...
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love
Roman pour AdolescentsFirst love ni Cane si Ivy kaya naman hinanap niya ito. Para lang magulat nang malaman na hindi na pala prinsepe ang hanap nito kundi isa na ngayong prinsesa! Pero hindi susuko si Cane. Hindi siya makapapayag na maging lesbian ang first love niya na...