✪ Chapter 4

249 7 4
                                    

Sige ako na! Ako na mabagal mag-UD >< Pasensya na po sa paghihintay ajujujuju kung meron man~ Kinareer kasi ng lola nyo ang pagiging estudyante kaya BOOMMM~ 

Pero wag mag-alala,

 hindi na kayo maghihintay pa

dahil naka update na pala

ang lola nyong parang tanga!~


******************************************************  


JI EUNs POV:


"Tanga!"


"Gaga!"


"Walang utak!"


"Bobo!"


"Walang pera!"


Wag kayong mag-isip ng iba jan. Pinapagalitan ko lang yung sarili ko. Baka iniisip nyong binubully ako. Sadyang sinasapak ko lang yung sarili ko kasi---kasi---ano--nakakahiya talaga ><


"Arrgghhhh NAKAKAHIYA!~" ginulo-gulo ko yung buhok ko kasabay ng pagsigaw ko. Nakakahiya kasi yung nangyari kanina sa coffee shop. At nakita pa talaga ako nang Bangtan.


"EH AKALA KO KASI SILA NA YUNG HUMAWAK SA BRASO KO KAYA WALA AKONG MAISIP NA IBANG PARAAN KUNDI ILIGO KO YUNG NABILI KONG NAPAKAMAHAL NA DRINK NA YUN SA MUKHA KO PERO LENGYENG WAITER LANG PALA ANG---" 


Napatigil ako sa pagsasalita nang napansin kong pinagtitinginan na ako nang mga tao. Naglalakad lang kasi ako ngayon pauwi sa dorm ko. 


Alam kong mukha na akong bruha dahil sa buhok kong buhaghag. Tapos ang mukha ko, naamoy ko pa yung iced coffee na iniligo ko kanina sa shop. Pero wala lang akong pakealam dahil mas nakakahiya pa yung ginawa ko kanina.


At talagang pagkatapos kong mag liveshow sa shop na yun, at sinubukan kong tumakbo eh nadapa pa talaga ako. Hindi naman ako naniniwala sa malas pero sa tingin ko, maniniwala na ako ngayon.

OPERATION: Stalk The Bangtan Boys [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon