******************************************************"Ampanget mo naman umiyak" komento ni Taehyung habang pareho kaming nakatayo dito sa mahabang hallway ng building nila.
Pagkalabas namin sa elevator kanina ay akala ko iiwan na niya ako pero nakatayo lang siya at hinintay talaga akong tumigil kakaiyak. Naisip kong natouch ako sa konting ginawa niya kaya mas lalo tuloy akong naiyak. Kaya nga eto, pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay yun lang ang nasabi niya.
Nailang tuloy ako at kinakapkap ang mukha ko kung may sipon na lumabas sa ilong pero wala naman kaya natawa nalang ako. Muntanga. Iyak tapos tawa. Di nalang siya umalis yan tuloy, baka nabored na at nilait ako para tumigil. Sana nga hindi dahil nakaheadset naman siya at nakapamulsang sumasandal sa dingding habang nakatingin sa kawalan.
"S-sorry po medyo nadala lang sa damdamin" sabi ko at dali-daling pinupunasan ang basa kong mukha dahil sa luha. Suminghot-singhot pa ako para masiguradong walang tutulong sipon.
"Mabait naman si Ms.Ara kaya di ka tatanggalin nun" sabi niya ulit na pinagtaka ko.
Dali-dali naman lumaki ang mga mata ko at kinabahan dahil agad kong nagets ang sinabi niya. Syet!
"N-narinig nyo po lahat?" Tanong ko sa kanya at bahangyang lumingon sa direksyon niya. I saw how he pressed his lips into a thin line na parang may nakakatawa sa utak niya at pinipigilang ngumiti pagkatapos ay tipid na tumango kahit di tumitingin sa direksyon ko.
Kanina kasing umiiyak ako ay panay mura at salita ko ng masasama sa ginawa ng mga fangirls nila sakin. Confident naman akong ginawa yun kasi nakita kong nakaheadset siya pero narinig niya pala?? Ang hina na nga ng pagkasabi ko pero narinig talaga??
Nakita ko nalang na tinanggal niya ang headset sa isang tenga at nilapit sakin. Kusa naman akong lumapit lalo para marinig ang music na pinapakinggan niya, nagbabakasaling maingay na genre ang pinapatugtog pero ni isang ingay ay wala akong marinig.
"Ba't walang nakaplay?" Tanong ko sa kanya at nilagay niya ulit ang headset pabalik sa tenga niya. Tumikhim muna siya at umalis sa pagkakasandal sa dingding at tinalikuran ako.
"Cool diba? Walang basagan ng trip" sabi niya at iniwan akong nakanganga sa ginawa niya.
Eto na naman po ang 8D idol na hinahangaan nyo. Puro kaweirduhan ang pinaggagawa. Pati ako nalinlang sa mga trip. Sa pitong ito, siya talaga ang bias wrecker. Siya ang kaagaw sa puso kong para kay Seok Jin. Ang gwapo kasi tapos weird pa to the point na matatawa ka, oh san kana?
Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya at sandaling nakalimutan ang ginawa ng mga wild fans na yun kanina. Pagkatapos kong magmuni-muni sa kinatatayuan ko ay agad namang pumasok sa isipan ko kung bakit ako nandito sa gusaling ito at patakbong tinahak ang hallway para hanapin ang studio hall A5. Nandun raw kasi ang photoshoot nila sa susunod na Studio Album bago ang next nilang schedule na isang magazine interview. May maliit na excitement akong nararamdaman kasi nangangamoy comeback ehhhh!
Kung patuloy akong magtatrabaho rito ay baka mas updated ako sa buhay nila,right? Baka bigyan pa ako ng album kahit na yung ginamit na, ok lang sakin! Makikita ko pa sila palagi habang nagtatrabaho at may sweldo pa! Oh diba? Hitting two birds with one stone!
"Lee Ji Eun!" natigil ako sa pagngiti na parang baliw nang may narinig akong sumigaw salungat sa hallway na kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Stalk The Bangtan Boys [BTS FANFIC]
Fanfiction"I want to know everything about them. Kahit brand ng boxer na sinusuot nila araw-araw, address ng dorm nila, deodorant o kahit itsura nila kung magtatae gusto kong malaman kaya stalk the Bts! Ako na bahala sa kapalit. Lahat ng gusto mo, ako na baha...