******************************************************
JI EUN's POV:
"Stalk?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang weird eh! Sa lahat pa talaga ng trabahong ibibigay niya sakin ay ito pa talaga ang naisip niya.
"Stalk talaga?" Tumango lang siya sakin tsaka ngumiti na parang okay lang talaga yung naisip niya.
"Sigurado kang stalk talaga?"
"Ou nga sabi! Unli mo ah?" At siya pa talaga ang mukhang napikon. Ako na nga to ang dapat mapikon dahil parang baliw itong kausap ko eh.
May ganitong trabaho na ba talaga sa panahong ito? O takas mental lang talaga ang babaeng to?
"Hindi. Baliw ka na Miss!" Aakmang aalis na sana ako nang nagsalita siya dahilan para mapaurong ako.
"Sayang. Babayaran ko na sana tuition mo..."
Tuition? Teka yung sinasabi ba niyang tuition ay yung...sa SOPA??
Napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina at nakita ko siyang ngumiti ulit.
"So payag ka na ba?" Kung babayaran niya ang tuition ko... ibig sabihin, marami siyang pera? Malaki-laki pa naman yung utang ko, pero..papayag ba ako?
Nakita ko siyang bumuntong hininga at tumingin ulit sakin.
"Okay ganito nalang.. babayaran ko hindi lang tuition mo pati na yung ibang dapat na bayarin! Just Stalk them and give every spare of their information to me. Kahit brand ng breif o kung anong itsura nila kung magtatae sila sa C.R. I want everything. Ikaw na ang bahala kung ano ang paraan mo kung pano gawin yun. Deal?"
Give every spare of their information? Paksyet. Anong isasagot ko?
Sasabihin ko bang hindi dahil hindi ko magagawa yun sa mga oppars ko?? Pero sabi niya babayaran niya capital L-A-H-A-T ng utang ko?
Takte. Jieun ito na oh! Lumalapit na sayo ang pera dahil noon ako pa mismo ang lumalapit. Pero...
Napabuntong hininga nalang ako at napapikit dahil sa sitwasyong ito, hindi ko na alam ang isasagot ko. Bahala na..
"DEAL!"
"Okay!" Ngumiti siya tsaka nagsimula nang umalis pero hinabol ko siya.
"T-teka lang! Diba sabi mo babayaran mo yung utang ko? Saan ka pupunta??"
"Babayaran ko nga! Sumunod ka muna sa akin." Sinundan ko nalang siya dahil nga sa yun ang sinabi niya.
Mayaman talaga ito, sigurado ako. At sana lang hindi ako mapahamak sa magiging trabaho ko. Kakaiba eh. Weird. Baka nga pag nalaman nila ang trabaho ko ay, mapupunta ako sa prisinto nito.. pa'no na yung pangarap kong makakuha ng diploma? O di kaya pagnalaman nila eh papatayin ako ng mga sasaeng at magpapalutang-lutang nalang ang bangkay ko sa Han River. Sana hindi yun---
Teka sasaeng??
Stalker??
Sasaeng??
Diba pareho lang yun? Ibig sabihin..
MAGIGING SASAENG AKO!!
Hutang buhay naman ito oh! Bakit ba kasi ako napasok sa gulong ito--
"Hey?" Natauhan ako nang tawagin ako nung babae na hindi ko naman kilala kung sino. Hindi siya nagpakilala eh.
At napansin ko ring nasa harap na kami ng isang coffeeshop. Medyo napatigil lang ako dahil tinignan ko ang pangalan ng shop na ito. Weird rin eh! Alam nyo kung anong nakalagay?
BINABASA MO ANG
OPERATION: Stalk The Bangtan Boys [BTS FANFIC]
Fanfic"I want to know everything about them. Kahit brand ng boxer na sinusuot nila araw-araw, address ng dorm nila, deodorant o kahit itsura nila kung magtatae gusto kong malaman kaya stalk the Bts! Ako na bahala sa kapalit. Lahat ng gusto mo, ako na baha...