✪ Chapter 2

527 13 12
                                    

Owhemji. Owhemji. Hala! Sorry mga kapwa ARMY's dahil ngayon lang ako nagparamdam huhuhuhue ngayon lang kasi bumalik kaluluwa ko galing sa dorm ng Bangtan. Shar.Liki.

Pero seriously, sorry talaga dahil busy ampeg ng baklita eh! Kaya pasensya na sa paghihintay huhu bati na tayo *cries a han river*

******************************************************************

JI EUN's POV:

May pitong lalaking darating sa buhay mo at isa dun ang iibig sayo ng tunay...

Iibig sayo ng tunay...

Iibig sayo ng tunay...

Iibig sayo ng ---

"Ay putres-kuwatro naman yang pitong lalaki na yan! Ginagambala isip ko." Bulalas ko habang nagpupunas ako ng mesa sa tinatrabahuan kong restaurant. Isipin nyo,kagabi ko pa yun iniisip? Ay mali---kaninang madaling araw pala.

Laking epekto yung sinabi ng babaeng manghuhula sa akin. Gusto kong hindi maniwala kasi hula nga lang pero may maliit na part talaga sa medulla oblongata ko na nagsasabing magiging totoo yun eh.

"Tama. Hindi yun totoo. Jieun hindi yun totoo! Magtino ka. May marami kapang trabaho!" sinapak ko ng mahina ang sarili ko para matauhan. Kanina pa kasi ako hindi maka-concentrate sa trabaho.

Iibig sayo ng tunay...

"Sinabi nang lumayas ka sa utak ko! Hindi ka ba nakakaintindi ng---"

"Hoy para kang baliw jan! Sinasapak mo sarili mo. Marami nang nakatingin sayo oh!" Bulong ng katrabaho ko kaya agad akong napatingin sa mga costumer. Nakatingin nga sila sa akin.

Nagbow naman ako agad at humingi ng pasensya. Nakakahiya yun ah (〜 ̄△ ̄)〜

"Jieun may naghahanap sayo!" Narinig kong sigaw ng isang katrabaho ko kaya nakayuko akong pumunta kung saan may naghahanap daw sa akin.

Teka naghahanap?? (〇_o)

At sino namang maghahanap sa akin? Mga pulis ba? At ano namang nagawa kong mali laban sa batas? O di kaya pareho nung napanuod ko sa tv? Yung maniningil ng utang? Hindi rin. Walang inutangan ang tatay ko nuon kaya hindi yun. Eh sino???

"Jieun~" at nakita ko nga raw ang taong naghahanap sa akin. Ang kaibigan ko. Si Jiyeon.

Ou magkatunog nga pangalan namin pero hindi naman pareho ang spelling. May kaibahan kami at yun ngang mayaman siya at nakukuha niya gusto niya samantalang ako kailangan pa ng dugo at pawis. Nakakapunta siya sa mga concert na gusto niya kasi nga may pera ang pamilya niya. Nakakabili siya ng Kahit anong kpop merchs,kasi nga uulitin ko MAYAMAN SILA. Magkaiba kami pero meron din kaming pagkapareha, at yun nga ay pareho kaming fangirl,magkababata kami at siya yung tipong down to earth na babae. Kahit na mayaman yan, hindi niya Iniwan ang katulad ko at hindi niya ako hinusgahan.

OPERATION: Stalk The Bangtan Boys [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon