LOVE GAME

28 5 10
                                    

Jake

1 month had passed ganun padin ang routine ko. Pagkatapos sa trabaho diritso sa bar, maglalasing, mambabae. Naging bisyo ko na to sa araw-araw. Dito ko kasi nakakalimutan pansamantala si Sheery. Di ko siya naiisip sa tuwing may ginagamit akong babae. Oo alam kong mali tong ginagawa ko pero ano bang dapat kong gawin? Kahit anong limot ang gawin ko di parin siya mawala sa puso't isipan ko.

Bakit ba ang unfair ng tadhana, nagmahal lang naman ako ah, binigay ko lahat ng gusto niya pero bakit niya ako iniwan?

Bigla napukaw ang pansin ko ng magring ang telepono ko.

Brrrrroooooo! Sigaw sa kabilang linya.  Ano? Walang gana kong sagot kay Kevin. Tara bar tayo. Excited na tugon niya.

Ge. Sunduin mo ako dito. Bye. Aangal pa sana siya pero pinutol ko na ang linya.

Langya ka talaga bro! Biglang batok ni Kevin saakin. Ganyan yan e, feel at home. Di na nagaabalang kumatok. Ganyan yan sya ka bastos. Tss.

Aray ko. Ano ba? Galit na pasigaw ko dito. Bigla nalang siyang nagpeace sign at nagpacute. Eww.

Umayos ka nga Esguerra at baka piktusan kita. Biglang namutla ang itsura nito na para bang nakakita ng multo.

Bro, wag. Sabay takip niya sa kanyang katawan. Virgin pa ako bro wag mo akong saktan. Paiyak na sabi niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin at ang gago tumawa lang.

Susuguron ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo palabas sa kwarto ko.

Gago! Sigaw ko sa kanya at ang walang hiya tinawanan lang ako.

Bar.

Let's have some fun dude! Wag kang inom lang ng inom diyan. Sabi saakin ni Kevin habang sumasayaw. Pero di ko siya pinansin.

Seriously dude? Concern na sabi niya at uminom narin ng alak. Pero nanatili akong walang imik.

Kalimutan mo na siya Jake, at biglang naging seryoso itsura niya. Bigla akong napatingin sa kanya. Di ko mabasa kong ano man ang nasa utak niya. Parang may gusto siyang sabihin pero di ko matukoy kong ano. Bigla akong nakaramdam ng sakit.

Jake, kalimutan mo na siya. Maawa ka naman sa sarili mo, sa pamilya mo. Di kana umuuwi sa inyo simula ng maghiwalay kayo. Lagi ka nalang naglalasing. Ano bang gusto mong gawin sa sarili mo? Huh? Mahinahon na tugon niya sakin. Bigla akong napayuko.

Bro, have a life. Di naman pwede na ganito nalang palagi. May buhay ka jake na dapat mong pagtuonan ng pansin. Pahayag nito.

And realization hits me. Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. Tama siya. Panahon na siguro para mabuhay ako at kalimutan ko ang nakaraan. Oo masakit dahil hanggan ngayon mahal ko padin siya pero may buhay din naman ako. Kailangan ko ng mag let go. Pero paano?

Dude, paano? Paano ako makakalimot sa sakit? Sabi ko sa kanya.

Acceptance pre. Tanggapin mo na wala na talaga siya. Ani ni kevin.
Tangina ang hirap! Padabog kong sabi sa kanya.

Oo mahirap sa umpisa pero pag nagtagal masasanay ka din. Ani nito.

Sige pre, maghahanap muna ako ng chicks ikaw gusto mo? Pabiro niyang sabi. Binigyan ko lng siya ng masamang tingin at uminom uli.

Biglang naagaw ang pansin ko ng mapatingin ako sa kabilang counter. May babaeng sumisigaw at sa tingin ko ay mukhang lasing na ito. Iinom sana ako uli ng bigla itong tumakbo papalapit saakin at bigla akong hinalikan. Shit. Nabigla ako. Parang may kuryeting dumaloy bigla sakatawan ko. Hindi ako makapag response sa kanya. Ng humiwalay na siya bigla nag flash saakin ang hitsura niya. Punong-puno ng sakit ang mga mata niya at namamaga ito. Siguro sa pag iyak niya. Bigla nalang siyang tumalikod sa akin. Akala ko ay aalis na siya pero bigla siyang nagsalita.

Hey Adrian, meet my boyfriend. At hinila niya ako bigla. Di na ako naka react sa pangyayari. Una ninakawan niya ako ng halik, pangalawa boyfriend daw niya ako at pangatlo hinahawakan niyang kamay ko. Bigla akong napabitiw sa kanya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin.

What's with you miss? Are you insane? Pasigaw ko sa kanya.

Bigla nalamang siyang yumuko at umiiyak. What the? Tarantang sabi ko sa kanya. Ano pang problema mo hah? Sabi ko sa knya. This time mahinahon na ito, bigla na nalang siyang nag angat ng tingin at niyakap ako bigla. Hindi ako makareact. Hinayaan ko nalang siya.

Andito kami ngayon sa park, nakayakap padin saakin ang babae habang umiiyak. Hindi ba siya nauubusan ng luha? Tsss. Sa isip ko.

Miss you okay? Biglang patay ko sa katahimikan. Ngunit di siya umiimik. Humihikbi parin ito.

Hindi parin ba ubos yang luha mo? Kanina kapa iyak ng iyak ah, inis na tugon ko sa knya. Bigla nalang siyang nag angat ng tingin. Nakakaawa ang hitsura niya. Di ko nga alam kong tao to e. Tss.

Thank you kuya hah? Sabi niya saakin at umalis. What the, anong tinawag niya saakin kuya? Pagkatapos niya akong chansingan, nakawan ng halik at hilahin palabas ng bar? Tatawagin niya lang akong kuya tapos aalis? Inis na napatingin ako sa kanya.

Hoy babae! Tawag ko sa knya. Bigla na lamang siyang tumigil. Hinabol ko siya at pinaharap ko siya saakin.

May utang kapa saakin. Makahulugang sabi ko sa knya. Bigla nalang nagbago ang expression ng mukha niya.

Anong utang ang pinagsasabi mo hah? Inis niyang sabi saakin. Wow. Siya pa tong may ganang mainis saakin. Pagkatapos niya akong halikan. Bwesit! Nag iinit ang ulo ko kapag naiisip kong hinalikan niya ako.

Oo. May utang ka saakin. Nanghahalik ka nalang bigla. Anong tingin mo saakin easy guy? Pasinghal na sabi ko sa kanya. Bigla nalang namula ang mukha niya. I find it cute when she blushing. Wait what? Did i say she's cute? No way. Erase. Erase. Bigla kong inalis ang tingin ko sa knya at muling nagsalita.

Let's play a game. Makahulugang sabi ko sa kanya sabay smirk. Kumunot ang noo nito at tumingin saakin.

Game? Are you insane? Ano pag pinagsasabi mo? Tatalikod na sana siya ng magsalita ulit ako.

Yes, let's play a game. Bilang bayad mo sa pagnakaw ng halik saakin. At biglang namula ulit ang mukha niya. This time, napangiti na ako.

As i've said. Let's play a game. A LOVE GAME sabay ngiti sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis nako na may ngiti sa labi ko.

PLAYING IN LOVE  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon