GIRLFRIEND

24 1 1
                                    

Kate

I heard footsteps coming from my room pero di ko pinansin. Pagod na pagod ako. Ang sakit sakit na ng ulo ko. Pero I still kept my eyes close, ang kept my ears open. I keep myself alert and Listen sa paligid baka dumating yong gwapong mama at patayin ako. Nag iingat lang. Alam niyo bang di ako nakatulog kagabi? Tangina lang. Binabantayan ko ang sarili ko. Binubukaka ko ang aking nga mata kapag ito'y pumipikit, naging alerto ako sa paligid, nakiramdam akong maigi dahil baka bigla nalang yong sumulpot dito at patayin ako.

Pero sa kabilang banda laging sumasagi sa aking isipan na di ko kasalanan yon. Kasalanan yon nong mama kasi di siya muilag ng halikan ko siya. Nidi nga nag react e. Nasarapan siguro yong mokong na yon. Pasalamat nga siya't hinalikan siya ng dyosang kagaya ko dba? Hay nako! Loko-loko din yong lalaking yon. Siya pa yong may ganang magalit samantalang hinalikan ko siya for free. First kiss ko kaya yon. Hindi nga nakatikim yong lokong ex ko sa labi ko kong tutuosin ang swerte niya. Kapal ng mukhang mag galit-galitan. Siguro ginawa niya yon para maka advantage saakin. Para kong anong hilingin niya susundin ko siya. OH MY G! HINDI PWEDE TO! Bakit ngayong ko lang narealize? Ang bopols ko talaga kahit kailangan. Urrg.

Bigla akong napatigil sa pagiisip ng may narinig akong footsteps sa harap ng aking kwarto. Bigla akong kinabahan. Sobrang bilis ng pintig ng aking puso. Oh my, sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sa isip ko.

Biglang bumukas ang pinto at dali-dali akong nagtago sa kumot ko. Unti-unti kong naririnig ang mga yapak niya hanggang sa ito'y huminto sa ulunan ko.

Pakiramdam ko huminto ang takbo oras. Takot na takot ako. Hindi ako makagalaw parang namanhid lahat ng parte ng katawan ko hanggan sa ..

Splaaaaaassssh! Bigla akong napasigaw at napabangon bigla.

Tang ina! Ang laaaamiiig! Sigaw ko. Habang nagtatalon sa kama. Buseet. Bakit may yelo?

Mabuti naman at gising ka, bigla akong napatingin sa kanya at natulala. Ikaw talagang bata ka. Napakatamad mo. Oh, bakit para kang nakakita ng multo? Anong nagyari sayo? Bat ba ang putla- putla mo? Hoy katey Mae ayusin mo nga yang sarili mo nakakahiya ka talagang bata ka at pagkatapos bumaba kana! May naghihintay saiyo sa baba. Tugon ni mama sabay alis. Yes, si mama lang naman po yong kinatatakutan ko ka kanina. Akala ko nga mamatay na ako sa sakit yon pala sa lamig. Buseet! Langya talaga. Ikaw pa tong walang tulog, ikaw patong bubuhusan ng nagyeyelong tubig. Oo tama ang basa niyo, binuhusan ako ng magaling kong ina ng sobrang lamig na tubig na may kasama pang yelo. Grrrr! Umagang-umaga nag iinit ang ulo ko.

Kateeeeeeyyy Mae! Sigaw ni mama sa baba. Bilisan mo sabi diyan at may naghihintay sayo sa baba. Sigaw niya ulit.

Naghihintay? Bigla akong napatingin sa orasan. E ala-sais pa e, Sino naman ang bibisita saakin ng ganito kaaga? Teka, baka? Bigla na naman akong nakaramdam ng takot saaking sistema. Tang inang buhay naman to oh o, wala pa akong tulog, binasa pa ako ng nagyeyelong tubig tapos.... hanggang dito nalang ba talaga ang buhay ko? Huhuhuhuhu alam ko namang makulit at madaldal ako e, bakit parang ang bilis naman yata? Hindi ko pa nga nabibigay itong V ko sa taong mahal ko e. Ang sakit lang sa bangs... sana kong alam kong ito ang kahihinatnan ko, sana binigay ko nalang kay Adrian. Kahit gago yon mahal ko yon e, sabi ko ng may pahawak hawak sa aking dibdib. Biglang natakot ang aking mga luha at nagsi balikan sila saaking mga mata ng biglang sumigaw ulit si mama.

Kateeey Maaaaaeeee! Pagalit na sigaw ni mama. Bilisan mo diyan!

Opo ma! Sigaw ko pabalik.

Biglang nabuhay ang katawang lupa ko at dali-daling nag ayos. Oo nag ayos talaga ako, mahirap na't baka huling araw ko nato dito sa mundong ibabaw. Sinuot ko yong paborito dress at ginamit ko ang pinakamamahal kong lipstick na alam kong di ko na magagamit kailan man. Nagpaikot-ikot ako sa salamin.

PLAYING IN LOVE  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon