THAT GIRL

23 5 9
                                    

Yeeeey! Thank you po nag aksaya ng time na basahin ang story ko. Maraming-maraming salamat po. Sobra po akong na flattered. Hehe. Salamat po. God Bless. More kisses! Chup! :-*

____________________________

Kate

Let's play a game. A LOVE GAME.

Let's play a game. A LOVE GAME. Paulit-ulit naglalaro saaking isipan ang mga katagang yan.

Huwaaaw! Hindi man lang ako naka react? Pero paano ba ako makakareact kong umalis agad si mamang gwapo? Shit. Shit. Kinakabahan ako. Breathe kate, breathe. Wala lang yon. Di ka mahahanap nong gwapong nilalang na yon. Oo tama. Di niya talaga ako mahahanap. Paano naman niya ako mahahanap e di naman niya alam kong saan ako nakatira, tapos di niya din alam pangalan ko. Dba? Haha. Ang galing mo talaga katey. Bilib na talaga ako sayo, cheer ko sa sarili ko.

Pero paano kong ipahanap niya ako? Tapos patayin kasi nagnakaw ako ng halik? Paano na ang mga pangarap ko? Oh my mamatay akong virgin? Di pwede to. Kailangan kong mag isip ng paraan kong paano ko matatakasan yong gwapong yon. Di ako papayag na mamatay na virgin! Oo tama. Sabi ko na may patango-tango pa.

Paano kong member ng sindikato yon? At kidnapin ako at irape? Huhuhu bakit ko ba kasi siya hinalikan? Ang tanga-tanga mo talaga katey. Ang tanga-tanga. Grrr! Nakakaasar. Di tuloy ako makatulog kakaisip sa nangyari kanina sa bar.

Flashback.

Bar.

Katey, lasing kana. Umuwi na tayo. Sabi saakin ni Adrian. Ang haliparot na unggoy kong ex. Hindi ako umimik. Bagkos tumungga pa ako ng isang basong alak.

Kate, tama na yan. Sabay kuha niya sa baso.

Ano ba Adrian, umalis kana. Hindi na kita kailangan. Gusto mong maging malaya? Okay. Pinapalaya na kita. Sumama kana don sa kaladkarin mong syota na mukhang clown sa kapal ng make up! Sigaw ko sa kanya. Di ko alintana ang mga matang nakatutok saamin. Lasing na lasing ako. At gusto kong ibuhos lahat ng sakit na nararamdam ko.

Babe, mahal na mahal kita. Pag usapan natin to. Adrian pleaded with tears.

Mahal mo ako? Pasinghal kong sabi sa kanya. Mahal mo ako pero nakuha mong saktan ako? Ano bang alam mo sa pagmamahal hah adrian? Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Babe, hindi ko naman ginusto na halikan niya ako e. Di ko nga alam na may plano na pala siya. Pero babe wala talaga yon. Promise. Maniwala ka. Mahal na mahal kita. Pakinggan mo naman ako oh. Please. Pagsusumamo niya.

Pero nagmatigas ako. Ano siya sineswerte. Manghahalik lng siya ng kong sinu-sino tapos sasabihin niyang di sinasadya? Sinong niloko niya? Galit akong napatingin sa kanya.

Adrian, let's stop this. Wala na tong patutunguhan. Pauli-ulit nalang adrian, paulit-ulit nalang. Pagod na pagod na ako. Tama na. Sawa na akong masaktan. Sana maging masaya ka. Tatalikod na sana ako ng muling magsalita siya.

6 years Kate, 6 years itatapon mo nalang ba yon ng basta-basta? Sabi niya saakin. Bigla akong humarap sa kanya at galit na galit ako. Ang kapal naman niyang ipamukha saakin na ako pa ang maykasalanan.

Sana Adrian, naisip mo yan bago mo ginawa ang ginawa mo. Sabay talikod ko sa kanya at pagiwang-giwang na umalis.

Wala ako sa tinong pag iisip ng mga oras na yon. Ang alam ko, galit na galit ako at gusto kong maghiganti. Hanggang sa may napansin akong lalaking nakaupo sa kabilang counter. Bigla akong nakaisip ng kalokohan at sumilay ang ngiti sa labi ko.

Palapit ako ng palapit sa mama. Di ko maaninag ang mukha niya kasi blurred na ang paningin ko. Ng makarating ako sa pwesto niya bigla akong huminto at di na ako nagdalawang isip na halikan siya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero dinidma ko nalang siya. Bigla ko siyang tinalikuran at hinarap si Adrian na nakasunod sakin.

Wari siya rin natulala sa ginawa ko. Anong akala niya saakin, iiyak ng iiyak? Pwes ano ka ngayon? Bigla akong napangiti sa naisip ko. Pero di ko iyon pinahalata.

Hey Adrian, pukaw ko sa diwa niya.  Meet my boyfriend. Sabay hila ko sa mama. Alam kong gulat na gulat silang dalawa lalo na ang pamgit kong ex. Pero paki ko ba? Sa Nasaktan ako e. Ano gagohan lang? Tatanggapin ko lang ang sorry niya ganun? Ang swerte naman niya dba? Tss. Nakakainis! Di ko na namalayan nakalayo na pala kami ni kuyang mama.

At dun na nagsimula ang kababalaghan saaking buhay. Di ko alam kong aabutin pa ba ako ng umaga bukas. Baka akyatin niya tong bahay ko at patayin ako. Huhuhu. Ikaw naman kasi katey e! Naghiganti kapa. Sana umalis ka nalang dba? . Hay naku. Paano ka ngayon? Nga-nga? Tsss. Yan kasi. Naghiganti pa. Pwede naman na sampalin mo nalang ng paulit-ulit yong ex mo dba. Grrrrr! So pano, Goodbye world in advance nalang ako. Babyeeee. Huhuhuhuhu

Jake

Di mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi. Sa loob ng isang buwan ngayon lang ako naging ganito kasaya ulit. Simula ng makilala ko yong babaeng yon. Haha. Humanda ka sakin bukas babae ka. Akala mo siguro matatakasan mo ako. Diyan ka nagkakamali.  Lagot ka bukas ng umaga.. at bigla akong napangiti sa naisip kong plano.

PLAYING IN LOVE  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon