palaisipan

5.2K 105 32
                                    

This time gusto ko humingi ng inyong opinyon sa nangyayari dito sa amin. Seryoso po ito.

Before meron kami aquarium ung maliit lang. Tapos ung fish na andun ay ung kahit wala sila oxygen eh pwede silang mabuhay. Una 4pcs ung isda tapos namamatay sila isa isa. O kaya nawawala. Inisip lang namin bka nakakatalon ung isda kaya nawawala. Pero nung inobserbahan ko napapansin ko ganito.
1. KaPag meron may sakit sa amin napapansin ko pag namatay ang isda gumagaling ung me sakit. Ewan ko kung coincidence lang yun.

2. Kapag me problema kami at nasolusyunan na eh mamatayan ulit kami ng isda.

3. Napansin ko noon nung buhay pa yung byenan ko halos araw araw na inaateke sya ng sakit nya namamatayan kami ng isda. Kapag nagiging ok na sya. Kaya hindi kami nagpapawala ng isda sa aquarium Kapag may nawala eh pinapapalitan ko ito agad.

4. Pinaka creepy. May isda ang aquarium nung namatay ung byenan ko lahat ng isda ay patay din. As in lahat.

5. Eto ang bago lang.. Bago ang aquarium at meron ng oxygen. Koi fish ang nasa aquarium. 7pcs. Mataas ang aquarium. May takip din.nagtaka kami bakit nawala ung isang isda! Imposible na tumalon dapat makikita namin yun kung san sya babagsak pero walang bakas tlaga kaht tulo ng tubig or basa.
Imposible lalo na may kukuha.
Naalala ko lang bago nawala yung fish, may problema kami. Nung masolusyunan na kaht papano eh nawala yung isda...

Anong sa tingin nyo?

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon