pag oring nuevo

2.8K 58 1
                                    

Yung title is name sya ng lugar somewhere in naga.

Experience ko ito nung nag wowork pa ako as a field interviewer.

Actually dalawa kami ng partner ko that time nung na experience namin.

Maghahapon na nun wala pa rin kami mahanap na respondent para sa project namin. Hindi kami pwede magpagabi sa lugar kasi ung habal habal eh 4pm ang last trip.

Kelangan namin maka interview ng matanda age 75 na marunong mag facebook or gumamit ng net. Ang hirap nun kasi imagine ung lugar eh bundok sya tapos province pa di ba. Mahirap humanap ng respondent hanggang may nakita kami na matanda na nasa silong ng bahay nila. Pumayag naman sya mag pa interview.

Yung kasamahan ko ang nag interview ako nakikinig lang nung una. Nung nainip ako lumayo ako ng konti sa kasamahan ko para magyosi muna. Dun ako pumwesto sa may gate na kahoy.

Hindi pa man nauubos ung yosi ko. May lumapit na babae tinanong nya ako.

Girl; magandang hapon ano po ang kailangan ninyo?
Me; ay nagiinterview lang po kay lola. Pinakita ko ung id ko.

Girl; lola?saan jan sa bahay namin? Sabay turo sa bahay nila.

Me/; opo, andun po ung kasamahan ko sa silong ninyo kausap si lola.

Pumasok na ung babae sa kanila.
Tinanong kung sino ung iniinterview namin at nasaan.
Sabi nung kasamahan ko kumuha lang daw ng tubig si nanay.

Sabi nung babae wala daw sya kasama sa bahay na matanda.

Sinbi nung kasamahan ko ung details nung matanda. Nagulat yung babae at pumasok sa loob ng bahay nila. Pinakita nya sa amin ung picture ni lola. At sya nga yun. Sabi nmin yan ung ininterview kanina' binasa din nung babae ung details na binigay nung matanda. Tama lahat pero. Ang sv sa amin nung babae, 2 wiks na daw simula ng mamatay ang nanay nya sa atake doon sa silong nila.
DI kami makasagot. Nagpaalam na lang kami at bumababa duon sa bundok kahit na wala pa kami respondent na nakukuha.

Isa lang toh sa mga naalala q na experience namin 2 years ago.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon