si lolo

44.8K 605 88
                                    

This story happened way back  2007

Lolo's girl ako.. very very close kame ng lolo kame ng lolo ko and nung malaman ko na may cancer sya sobra ako naapektuhan pati trabaho ko ay naapektuhan din.. nung nalaman ko na malalana ang sitwasyon ni lolo nag matigas ako na ayoko sya makita kasi alam ko mag iiyak lang ako.. at hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

The day na critical na ang situation nya.. sinabi sa akin ng parents ko na tanggapin ko na daw yung pwede mangyari sa lolo anytime. Hindi ako kumikibo.. nakaharap lang ako sa pc that time and pinipilit ko matanggap yung anytime na pwede mangyari. Pinipigil ko umiyak. Sabi ng mommy ko iiyak ko daw dahil baka mapaano pa ako that time umiyak ako as in iyak and yung oras na yun 1am nag pumilit ako makita si lolo sa hospital. So pumayag si daddy ko pumunta kame agad ng hospital.

Nung nasa hospital na kame nakita ko si lolo sa bed nya. Nakatali sya kasi tinatanggal nya ung mga naka kabit sa kanya na aparato. Hindi ko mapigilan mag iiyak dun sa room ay nagising si lolo hawak ko ung kamay nya hindi na sya nakakapag salita nun. Pero nung nagising sya hawak ko ung kamay nya at sinasabi ko na lumaban sya at wag nya ko iwan pinipisil nya ung kamay ko at lumuluha sya di ko na mapigilan umiyak that time.

Kinabukasan inadvice na ng doctor na ilabas na sya at hintayin na lang dahil wala ng magagawa. Nung nasa bahay na si lolo may nag aalaga sa kanya at natatakot dahil lagi may tinuturo si lolo at yung itsura na may inaabot. Lagi din umaalulong yung aso sa lugar nila

The night na nawala si lolo ay nasa resort ako with my friends mga 4am that time nasa pool side ako nun.. ng yoyosi at napatingin ako sa cottage namen napansin ko me tao so nagtaka ko dahil lahat kame nasa pool at kame lang tao sa resort so pinuntahan ko ung cottage dahil baka mamaya eh mag nanakaw.. nung palapit na ako sa cottage kinilabutan ako dahil ung nakatayo at nakatalikod sa side ko is kabulto ng lolo ko that time hindi ko pa alam na wala na si lolo. Habang papalapit ako sa cottage unti unti nawawala din yung image na nakikita ko. And pag lapit ko as in wala na. Nag lakas loob ako tumuloy pa dib chineck ko yung bag ko at may nakita ko message sa cp na from my tita na wala na si lolo. And nung tatawagan ko si tita at palabas ako ng cottage nakita ko si lolo sa bandang gate ng resort kumaway lang at nawala bigla. Dun na bumuhos yung luha ko..


Na share ko lang toh.. still naiiyak pa rin ako twing naalala ko.. marami pang experience na ishashare ko tungkol ke lolo simula nawala sya.. sa funeral house.. sa libing.. and experience din ng mga relatives ko..

Sensya na ang haba... :)

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon