Pagkatapos mag almusal ay dumirecho ulit ako sa aking kwarto. Gaya ng aking nakasanayan, ang pagdo drawing ang ginagawa ko upang makaiwas sa boredom.
Pero ngayon, wala akong maisip na iguhit kundi si Santa. But this time, hindi mukha ang iguguhit ko. Kundi ang katawan nyang may anim na pandesal sa kalamnan.
Kabisadong kabisado ko pa ang itchura ng katawan ni Santa kaya madali ko itong natapos. Yun kase yung panahong pinaghubad ko sya dahil basa ng dugo yung likod ng damit nya.
Halos tumulo ang laway ko nung araw na yun pero pinigilan ko syempre. Nakakahiya ka-babae kong tao pero marupok. Ahahaha
Ayan tapos na. Buhay na buhay ang itchura ng pagkakaguhit ko. Ang sarap pagmasdan ng nalikha ko.
Hindi ako halos makapaniwala na naiguhit ko ito na kuhang kuha ang hugis at itchura ng katawan nya.
Haist! Namimiss ko na talaga sya. Kahit pa sabihing kagabe lang yun pero parang isang linggo na kaming di nagkikita.
Namimiss ko na din yung haplos ng kamay nya, yung halik nya at higit sa lahat yung pagpatong nya sakin.
Ayokong magpaka ipokrita, dahil sa totoo lang sya pa lang ang nagpatikim sa akin ng ganun. Kaya ngayon hinahanap hanap ko.
Haist! Buti nalang binigyan ako ng Diyos ng talentong makaguhit atleast mamiss ko man sya titingnan ko nalang yung mukha nyang drinowing ko sa cardboard at ngayon nga natapos kong iguhit ang katawan nya.
At sa sobrang saya ay para akong tanga na lumapit sa cardbord at akmang hahalikan ang katawang naiguhit ko dito, pero hindi ko nagawa dahil sa isang tinig mula sa labas ng kwarto ang tumatawag sa akin.
"Bakit po manang?" Sagot ko.
"May bisita kayo sa labas, papapasukin ko ba?"
Agad kong tinakpan ng twalya ang cardboard saka ko binuksan ang pinto.
"Sino daw ho?"
"Matalik nyo daw na kaibigan."
"Nyek! Manang kelan nyo po ako nakitang may kaibigan? O may pinapuntang kaibigan dito? Lalo pa ngayong graduating na ako wala akong kaibigan ngayon. Ahehehe! My bestftiend is my artwork."
Hindi talaga ko pala kaibigan na tao, wala lang, nasanay lang talaga akong mapag isa. At dahil na rin siguro nasa dugo ko na ang pagiging artist kaya mas naging abala ako sa paglikha ng mga larawan.
Si Mama at Papa ay nagtapos sa kursong Pinearts at kung saan saang bansa sila dumarayo upang kilalanin ang kanilang obra.
Hindi naglaon, sila na ngayon ang dinarayo upang bilhin ang kanilang mga obra. At ngayon nakapagtayo na kami ng isang tindahan para dito.
"Ay oo nga pala pasensya na Samantha nawala sa isip ko. Sabihin ko nalang sa lalaking to na gwapo, maputi, at matangkad na sumunod ka sa parents mo sa Japan."
O.o
o.O
O.o
Totoo ba yung narinig ko? Gwapo, Maputi at matangkad? Hmmmm.
"Teka! Teka! Manang, ano pang sabe nyo? Gwapo yung humahanap sakin?"
"Oo"
"Matangkad?"
"Oo"
"Maputi?"
"Nakoo! Inulit mo lang yung mga sinabe ko. Batang ire, kilala mo ba sya o hindi?"
"Nagpakilala ho ba sya sa inyo?"
"Oo, sya daw si Close o Cloos? Basta parang ganun ang dinig ko."
OMG!!!!! O.O Dinalaw nya ulit ako? Hindi Close at lalong hindi Cloos ang pangalan nya. Sya si Claus! Si Santa Claus!"O bakit natahimik ka na jan Samantha?"
"Ahh.. e... Papasukin nyo po sya Manang kilala ko sya si Cluas, kaibigan ko po yan sa school."
"Hala? Ay kagulong bata ire! Akala ko ba wala kang kaibigan sa school?"
"Basta manang papasukin nyo." Aniko sabay sara ng pintuan ng kwarto ko at dali dali akong nagbihis. ^^