Haist! Magpapasko na pero andito ako sa bahay walang kasama, si Mama at si Papa kasi nasa Japan at doon sila magi-spent ng Pasko.
Saklap no? Andito ako sa bahay kasama ko puro mga kasambahay! Haist! Tsk!
Kasi naman ang hirap ng consequences na hinihingi nila sakin. Ipasa ko lang daw ang Math subject ko isasama nila ko sa Japan.
Eh kahit naman anong gawin kong pagrereview at pagkalkula! E kung talagang hindi kaya ng utak ko wala akong magagawa kundi ang bumagsak.
Haist! Ganun pa man. Hindi naman ibig sabihin nun e bobo na ko sa lahat ng subjects! Actually, hindi sa pagmamayabang mataas ako sa lahat ng subjects, except math lang talaga!
Sino ba kase ang nagpauso ng problem solving? Pati tuloy ako namomroblema sa problem na ginawa nya! Ahehehehe.
Nakakainip! >_< Wala na kong ginawa kundi manood, kumaen, matulog at makinig ng music. At dahil magpapasko as usual puro christmas songs ang maririnig mo na pine play sa radyo.
Hanggang sa ma-catch ang attention ko sa isang kanta na nagsasabing Macho na si Santa! Na kung hindi ako nagkakamali ay grupo ng Masculados ang kumanta.
My gosh! Umaariba nanaman ang malikot kong pagiisip. Totoo kaya si Santa Claus? Kung macho na si Santa? Edi wow! ^_^
As in wow na wow! ^^