1ST DAY OF CHRISTMAS (2nd part)

1.7K 17 0
                                    

Agad akong bumalik ng kwarto dala ang mga gamot panglunas sa sugat ni Santa.

Pagbalik ko sa loob ay nakita ko syang nakadapa sa aking kama, at mahimbing na natutulog.

Marahan akong lumapit sa pwesto nya at umupo sa gilid ng kama. At sinimulan ko ng gamutin ang sugat sa kanyang likuran. Medyo mahaba ang gasgas na tinamo nya sa lock ng cabinet ko.

Bahagya kong binasa ng alcohol ang piraso ng bulak na hawak ko at saka ko idinampi sa sugat.

"AWWW!" Paigtad na nagising si santa.

"Sorry Santa naistorbo ko tuloy ang tulog mo. Pero kelangan magamot naten yang sugat mo."

"Sige Samantha ok lang. Do what you want. Titiisin ko nalang yung saket."

Sa pagkakataong iyon ay dumapa sya ulit sa kama upang magpagamot sa akin.

"Santa may tanong ako."

"Ano yun?"

"Diba mga mababaet na bata lang ang nireregaluhan mo?"

"Oo baket?"

"E bakit may regalo ako sayo? Hindi naman ako mabaet e! Bully nga ako sa school at sa mga kaibigan ko. Isa pa, hindi na ko bata! Dalaga na ko, graduating na ko sa college!"

"Hohoho! Actually, kaya ako nandito kase nabasa ko ang isip mo na pangarap mo akong makita, kaya eto ako ngayon kaharap mo. Anong masasabi mo?"

OMG! O.O Nakakabasa sya ng isip? Grabe? E di alam nyang pinagnanasaan ko ang katawan nya kaninang pinaghubad ko sya?

"Hohohoho" Medyo mahinang tawa ni Santa.

"Bakit ka tumawa?"

"Alam ko lahat ng nasa isip mo."

"Hala!" O.O

"At alam ko din kung anong regalo ang gusto mo!"

Agad akong pinamulahan ng mukha! Nahihiya na tuloy ako. Alam nya na sya mismo ang gusto kong regalo na matanggap ngayong pasko.

Siguro alam na rin nya na nalibugan ako kanina nang tumambad sa akin ng buong buo ang hubad nyang katawan. Grrrr >_< Nakakahiya! -_-

My Yummy Santa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon