Isang mahabang tunog ng door bell ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog.
"Manang! Pakitingnan nga po yung tao sa labas!" Istorbo ko sa isang kasambahay na malapit lang ang kwarto sa kwarto ko.
Inulit ko ang pag istorbo kay manang pero di nagresponse. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba at silipin kung sino yung nasa labas at gabing gabi na e bibisita pa sa aming bahay.
Dahan dahan kong binuksan ng bahagya ang pintuan at sinilip kung sino ang nagdoorbell sa labas. Nagpalinga-linga ako baka mamaya nagtatago lang sa paligid, pero wala.
Bigla akong nahintakutan. Dahil wala naman akong nakita sa labas, ni anino wala. Inisip ko baka minumulto na ako, isa pa, kami lang ng mga kasambahay ang nandito.
"MAMAAAAA!!!!" Pasigaw na sambit ko habang patalilis na tumatakbo pabalik sa kwarto ko.
Buong pwersa kong binuksan ang seradura ng aking kwarto at sa hindi sinasadya ay may natamaan ako.
Isang lalakeng matangkad, maputi, at nakasuot ng pulang damit ang bumalandra sa aking cabinet. Gumasgas ang buong likuran nya sa nakauwang na susian sa kabinet ko.
Natulala ako at tila nanginginig sa takot dahil hindi ko alam kung paano sya nakapasok dito.
Magnanakaw ba to? O isang rapist? Aktong sisigaw na ako ay bigla nyang tinakpan ang bibig ko.
"Wag kang matakot Samantha mabuti akong tao!" Bulong niya sa tenga ko.
Sa puntong iyon ay natitigan ko sya ng malapitan. Isang maamong mukha ang nakaharap ngayon sa akin.
Maputi, Asul ang mga mata, mapula ang labi, matangos ang ilong na parang nililok ng isang bihasang iskoltor at tila hawig sya ni Tom Rodriguez.
Sabagay mukhang hindi nga sya magnanakaw kasi mukhang mas mayaman pa nga sya kesa sakin e.
"Sino ka ba? Bakit alam mo ang pangalan ko? Kung mabuti kang tao bakit di ka sa pinto dumaan? Anong balak mo? Bakit ka nandito?" Sunud-sunod na tanong ko.
"Ako si Santa Claus! At nandito ako upang bigyan kita ng regalo!"
"Ano???" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Ako si Santa at nandito ako upang ibigay ang regalo ko sayo."
"Santa? E diba mataba ka?"
"Hindi totoo yun, sumilip ka sa labas ng bintana mo at makikita mo dun ang aking mga usa at karwahe na puno ng regalo."
Sumunod naman ako sa sinabi nya. Nakaparada sa tapat ng aming bahay ang magarang karwahe na hila ng mga usa. Hindi sya nagsisinungaling, sya nga si Santa.
"Totoo ba to? O nanaginip lang ako?"
"Hohoho! Sampalin mo sarili mo para malaman mo kung nananaginip ka o hindi!"
"Ayoko! Masakit yun e! Pero ok na saken kung panaginip to o hindi! Ang mahalaga nakilala na kita Santa!" Sabay yakap sa kanya.
Pero agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Nahawakan ko ang likod nya na basa ng dugo, sanhi ito ng pagka gasgas nya sa lock ng cabinet ko.
"Santa paki tanggal nga ng damit mo? titingnan ko lang yung sugat mo sa likod."
"Hohoho sige sandali lang."
At isa isa niyang tinanggal ang butones ng kanyang damit. Tumambad sa akin ang nakakasilaw sa kaputiang katawan ng isang lalake.
Bigla tuloy nag-init ang aking pakiramdam. Lalo na nang buo nyang tanggalin ang suot nyang damit. Ahahaha nalilibugan tuloy ako.
Malaki ang kanyang dibdib at mapula ang utong nito. Bahagya akong bumaba ng tingin at nasipat ko ang anim na bukol na nakaumbok sa kanyang kalamnan. Grabe 6pack abs! Yummy!!! O.O
Mas lalo akong napahinto at natulala ng ibaba ko pa ang aking tingin. Mukhang malaki ang kargadang dala ni Santa! Bakit kamo?
E kasi naman bakat na bakat sa suot nyang pantalon ang kanyang alaga na sa tingin ko pag tumigas e lalagpas pa ito sa pusod nya. Mukhang mawawalan ata ng garter tong panty ko ah! ^^
"Samantha okey ka lang?"
Nabigla ako ng magsalita sya.
"AH... EH... Oo ok lang ako! Sandali lang Santa, kukuha lang ako ng bulak at gamot para sa sugat mo sa likod."
"Hohoho. Sige sige salamat!"