Best Friends

73 7 6
                                    

Loving your Best friend is one of the luckiest thing you would ever feel in your entire life

Your relationship on each other will be stronger and much sweeter

Each day will be wonderful cause you have each other..

Each day... there's I Love You

This story is all about the love of the girl to her best friend

But there's the thing that is different

And the question is Does the boy feel the same thing?

***

"I love you"

"Pardon?"

"Dylan.. I know this sounds ridiculous but I love you"

"We're best friends"

"Yes, but we can be better than that right?"

"Ness.."

"Dylan please.."

"I'm s-sorry Nessa"

"Please"

"I'm sorry... But I already love someone else"

___

Vanessa's POV

"Joey akin na nga yan! Ang takaw mo" sabi ko tapos inagaw yung bowl na puno ng chips sa kamay niya

"Nagsalita ang hindi"

"Manahimik ka nga dyan Chabelle"

"Bakit? Totoo naman ah.."

"Manahimik nga kayo! Ang gugulo niyo. Kitang may nanonood dito"

"Ikaw ang manahimik" tapos sinunggaban ni Kesha si Tintin ar tinakpan ng unan ang mukha

"Tama na yan! Ito na pizza" singit naman ni Tantan na daladala ang 3 boxes of pizza.. waaaah! Heaven!

"At syempre! Hindi mawawala ang drinks!" Si Franjie na kapapasok lang din sa kwarto

Nandito kami ngayon sa bahay. Bonding bonding lang kasama ang mga magigiting kong kaibigan..

Pero may kulang...

"Bro.. asan pinsan mo?" Tanong naman ni Chomer kay Franjie

"Ayun.. nag date sila ng jowa niyang sugpo" pffft.. sugpo

"Hoy Franj wag kang masyadong hard dyan kay Dylan" sabi ni Kesha

Tsk.. totoo naman ah.. mukang sugpo yung gf ni Lanlan. Ang tangos ng nguso -_- ni hindi nga nangalahati yung ilong niya sa nguso niya eh

"Ganyan ka naman Kesh eh. Porket crush mo" tama.. crush ni Kesha si Dylan. Pero hindi na daw lalamang pa dun. Sabi pa niya Vanessa sayong sayo na si Dylan

"Nessa, sorry talaga. Pinilit ko siyang pumunta dito pero ayaw talaga eh" sabi ni Franj habang nakatingin sakin

Ngumiti ako sakanya bilang tugon.

Haaaaay.. ganun naman palagi eh. Tuwing mag sasama sama ang barkada siya yung lagung wala... simula nung nagka girlfriend siya at simula nung.....

Nung umamin ako sakanya

"Wengya! Ito na naman ang palaging pa VIP!" napatingin ako kay Chomer nung nagsalita. Tumingin ako sa pinto at nandun si Simon. Ang palaging late sa grupo. Lahat ng pupuntahan namin siya ang palaging late. Ewan ko dyan

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon