My name is Ayenne, hindi ko yan tunay na pangalan. Im an Architect and currently working here in abroad. I was born in a very complicated family. 2nd Family lang kami ng Father ko.
Ang una nyang pamilya ay nasa probinsya.I was the eldest from my 2 siblings which is mga babae din.Physical aspect? Hindi naman ako maganda hindi rin naman pangit. Sakto lang. Para lang ako si Andy--- siya yung Main Character ko sa first story kong "For Keeps" na nai-published ko here in watty. 80% ng character nya ako yun.
I am a certified Bisexual. A soft butch / hard femme kung gagamiting ko ang termino ng mga 3rd sex.
Grade school pa lang ako nararamdaman ko ng may kakaiba sa akin pero binalewala ko lang ito.
Actually Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito. Siguro may kinalaman ito sa madalas ikuwento ni Mama sa amin nung time na pinagbubuntis nya ako. Akala daw nila ni Papa lalaki ako. Way back in 1980's hindi pa uso ang ultra sound para malaman kung anong gender ng isang sangggol. That time umasa lang daw sila na lalaki yung magiging panganay nilang anak kasi yun naman ang hiling ni Papa.
Sa una kasi nyang pamliya dalawang babae ang anak nya. Kaya nung nagbuntis si Mama. Nanalangin sya na sana lalaki yung maging anak nila.
Ang kaso mo, kinulang ata ng dasal si Papa. Dahil ng nanganak si Mama babae ang nailuwal nito.
Dahil sa pagaakalang lalaki ang magiging anak. Lahat daw ng binili nilang mga gamit eh puro pang lalaki. At lahat in kulay blue.
Nadismaya man na babae ang naging anak nila. Hindi naman sila nagkulang na mahalin ako.
Si Papa, bata pa lang kinunsinti ako nito na maglaro ng mga panlalaking laruan. Ito pa mismo ang bumibili ng mga yun.. mula sa bola, kotse kotsehan hanggang sa baril barilan.
Naalala ko pang lagi nyang sinasabi kay Mama
" kabulugan ng anak mo" pag nakikita nya akong masigla at parang lalaki kung kumilos. Tatawa tawa itong lalapit at guguluhin ang buhok ko.Nang mag grade school nako' boyish na akong kumilos. Madalas ang suot kong damit ay yung mga malalaking t-shirt with matching puruntong at Kagaya ng tipikal na tomboy, hate na hate ko ang magsuot ng bistida.
Karamihan ng larong kalye alam ko. Mula sa patintero,tumbang preso,moro-moro, luksong baka, basketball. At kung ano ano pa basta bulugang laro. Kalimitan rin ay mga lalaki ang kalaro ko lalo na kapag basketball.
At dahil nga sa laking kalye ako, naging kabarkada ko rin lahat ng mga lalaking tambay sa amin. Sa kanila ako natutong mag-gitara. Kay Kuya Kiko na kapatid ni bestfriend.---- si Kiara
Grade 4 ako ng magkaka crush ako with the same sex. Though nagkakagusto din ako sa mga lalaki. Mas malakas pa din ang dating sa akin ng mga babae. Mas madalas na naaappreciate ko ang mga magaganda kaysa sa gwapo.
Sa paglipas ng panahon unti-unti kong naramdaman ang pagbabago ng sexual preference ko lalo na ng magkaron ng business sila Papa na involved ang mga magagandang chickas.
It was year 1990's ng makipagsapalaran kami sa Manila at buksan nya ang business na Recruitment Agency / Promotion. Nagpapaalis sya ng mga babae papuntang Japan. Sa iba ang tawag sa kanila "Japayuki", mga entertainers sa japan. Nagrerecruit sila papa ng mga babae from the Province. Yung mga gustong magjapan at pasok sa Criteria dinadala nila sa Manila. Tine train nila ang mga ito ng ilang buwan para maging entertainers, pero depende sa kung saan ka mas may mahusay, sa pagkanta o pagsayaw dun ka nila sasanayin.
Ang Bahay namin that time ay 2 Storey house lang. Yung baba ginawa nilang studio, kung saan nagpapraktis yung mga talent at yung taas naman may malaking family area at isang bedroom. Yung bedroom lang ang pribadong lugar para sa aming pamilya, the rest of the house is common area na.
Tuwing umaga pag gumigising kame. karaniwan na ang maiingay at malalakas na tugtog na nanggagaling sa ibaba. Hudyat yun ng pagsisimula ng praktis ng mga dancers namin. Idagdag mo pa ang paghiyaw hiyaw ng Bading na choreographer kapag hindi nasusundan ng mga dancers ang steps na itinuturo nya. Sa gabi, Pahinga ng mga talent pero kung minsan may mga inuman din. Lalo na kapag may bisita sila Papa.
Lumaki ako sa ganoong environment, masaya, magulo at maingay.
Bata pa lang mulat na ang mga mata ko sa mga inuman session at sa pag-flirt ng ilan naming talent sa mga bisita ng tatay ko. Siguro isa lang yun sa mga factor na naka-apekto sa akin kaya ako naging ganito. Dagdagan mo pa ng kaliwa't kanang magagandang babae na madalas nakapaligid sa amin.
I was in Grade 5 nung magkaron ako ng biggest crush which is binalewala ko lang. Akala ko kasi normal lang na maramdaman yun. Hanggang sa hindi ko namalayan na humantong na yun sa puppy love. Last thing i know sobrang nag eenjoy nako ' sa company nya at the same time nasasaktan ako pag may kasama syang iba.
Sino sya? It was my bestfriend Kiara.
BINABASA MO ANG
I Struggle, I Survived (Lgbt)
Humor" it's easy to take off your clothes and have sex. People do it all the time. But opening up your story to someone, letting them into your spirit, thoughts, fear, future, hope & dreams.... That's being naked.." I Agree, mahirap mag-out lalo na kung...