Ako bilang Ka - Ibigan
I love the Idea of being in love. I admit , i am a hopeless romantic. Back when i was in highschool i do love letters, naalala ko pa yung first gf ko. Binibigyan ko yun ng mga sweet notes na nakasulat sa maliit na papel or kahit sa tissue lang. Basta may maisip akong gustong iparating sa kanya na hindi ko kayang sabihin ng personal. I put it in a paper. Dun ko ini express yung sarili ko.
Nung nagkahiwalay kami ni Kiara -yung bestfriend ko na crush ko. Sulat ang nagbigay ng ugnayan sa aming dalawa. Twice a month may natatanggap syang sulat sa galing akin at ganun din naman ako.
Napaka conventional kung iisipin kumpara sa panahon na meron tayo ngayon, pero hindi ko pa rin ipagpapalit yun kumpara sa ngayon.
Iba pa rin yung nahahawakan mo yung papel na pinagsulatan, nakikita mo yung penmanship nung gumawa, pati yung pagtupi ng papel na ang ibig sabihin daw ay "i love you" minsan pa nga kung malungkot yung nilalaman ng sulat may makikita ka pang mga bakas ng luha sa papel.
In a way kakaiba yung connection na naibibigay sa inyong dalawa.
Dati kasi effort ang pag gawa ng love letters. Mula sa pagsusulat, pagpapadala at pagiintay ng sagot mula sa taong pinadalhan mo.
Ngayon, pa type type na lang sa chat box then press lang yung send.
Presto! Naipahatid mo na sa taong yun kung ano ang gusto mong sabihin.
Ang malaking advantage nito hindi ka na mag-aantay ng kung ilang linggo para mapadala ang mensahe mo. Segundo lang matatanggap na nila.
Isa pang ugali ko yung pagtabi ng kung ano anong remembrance galing sa taong mahalaga sa akin. Picture man yan o bagay.
Even candy wrappers hindi nakaligtas sa akin. Minsan nga kahit yung mismong candy hindi ko kinakain, basta bigay ni crush o ni gf itatabi ko yun tas ilalagay ko lang sa magic box kung saan nanduon din ang iba pang mga bagay na kaugnay sa taong mahal ko.
Up until now dala dala ko yung ugali ko na yun..
Ewan ko ba.
Ang pinakahuli ngang ginawa ko yung sa ex ko na teacher. Inilagay ko sa lumang organizer lahat ng parapernalya na meron kami. Mula sa resibo, ticket sa sinehan, drawing ni nemo, lyrics ng kanta, ticket ng bus at... jusme pati ice cream stick meron. With matching caption pa yun.. date ..place..and time.. adik lang di ba?
Nakakatuwa lang kasi parang nagiging collection ko na rin. Tapos ngayon pag nakikita ko yung mga yun parang movie na nagpa flashback lahat sa akin. Mula sa kung paano kami nag-umpisa, hanggang sa kung paano kami naghiwalay.
Hindi ako perfect pagdating sa relasyon. Natural tao lang naman. Lahat may kanya kanyang traits at kanya kanyang kahinaan. May positive at may negative. Kelangan yun para balanse ang buhay at hindi boring.
Isipin nyo kung puro good traits na lang.. eh diba nakakaumay? Mainam yung paminsan-minsan hindi masaya. Yun bang tipong makakagawa ka ng isang bagay na akala mo tama, yun pala mali na. Eh di ba nagkakaroon ng pagkakataon na matuto ka.
Sa totoo lang ako yung tipo ng tao na all out pag nagmahal. Hanggat kaya kong ibigay, ibibigay ko.. kaya karamihan sa mga nakarelasyon ko nai-spoiled sa akin.
Mas gusto ko kasing ako ang nag-aalaga kesa ako yung inaalagaan. Yun nga lang nasobrahan yata ako sa pagbibigay dahil sa bandang huli ang ilan sa kanila hiniling ang isang bagay na kay hirap ibigay.
Ang palayain sila.
Isang bagay na ang hirap hirap gawin lalo na kapag sobrang mahal mo yung tao. Na halos buong panahon mo itinuon mo lang sa kanya at hinayaan mo lang umikot ang mundo mo sa kanya.

BINABASA MO ANG
I Struggle, I Survived (Lgbt)
Humor" it's easy to take off your clothes and have sex. People do it all the time. But opening up your story to someone, letting them into your spirit, thoughts, fear, future, hope & dreams.... That's being naked.." I Agree, mahirap mag-out lalo na kung...