Ako bilang Kaibigan
Kung bago pa lang tayo magkakilala syempre sa umpisa tahimik lang ako. Normal naman siguro yun kahit kanino. Tipong tamang ka-kwentuhan lang ganun. Pero once na maging comfortable ako sayo lumalabas na yung pagiging makulit ko.
Hindi naman kasi ako mahirap i-please, basta totoong tao ka okay ka sa akin. Ayoko lang kasi yung mga plastic, siguro kasi ako hindi ako ganun.
Prangka ako , kung anong maisip ko hindi ko kayang pigilan ang sarili ko para hindi yun mailabas. Minsan yung pag-uugali ko na yun ang nami-mis interpret ng iba.
Sinasabi nung ilan na hindi nakakilala sa akin masungit daw ako. Ang hindi nila alam ganun lang talaga ako.
Yun din kasi ang ugali ko. Inilalabas ko kung sino ako. Kung hindi nila magustuhan okay lang sa akin basta ako hindi ako plastic.
Bully.
Hahaha.. ako yan. Sa barkada, ako talaga ang pang-asar. Pero syempre hindi naman kita i-bu bully kung hindi kita ka-close at hindi ako komportable sayo.
Paminsan yung pang aasar ko wala sa timing kaya yung iba napipikon sa akin.
Pero syempre kapag ganun na ang sitwasyon. Ako yung humihingi ng dispensa at inaako ko yung kasalanan.
Trust
Yan ang bagay na mahirap makuha sa akin. hindi ko yan basta basta ibinibigay sa kung sino sino lang at hirap na hirap din akong pakawalan yang ugali ko na yan.
Sa kung anong dahilan ?
Hindi ko alam, basta lang. Marunong akong kumilatis ng tao eh, tas idagdag mo pa yung talas ng instinct ko. Kaya nga iilan lang sa mga kaibigan ko ang nakaka-alam na lesbian ako. Kasi Pinipili ko yung pinagsasabihan ko.
Bihira lang talaga ako magtiwala. Pero once na naibigay ko na yun.
Sanggang dikit na tayo.
Isa ka na sa mga itinuturing kong totoong kaibigan. At isa ka na rin sa mga taong dadaingan ko tuwing wasak ang puso ko.
Yun nga lang ang mahirap sa akin kapag nasira ang pagtitiwala.
Dahil kahit matalik pa kitang kaibigan wala akong kiber. Wala akong pakialam kahit buong buhay ko hindi na tayo magkibuan.Mapagtanim kasi ako ng sama ng loob. Lalo na kapag tumimo sa utak ko pati sa puso ko. Hindi basta basta ako nakakapagpatawad. Which is, aminado naman ako na yun yung pangit sa ugali ko.
Pero one thing is for sure. Pag naging kaibigan mo ko.
Ang swerte mo.
Bakit?
Ewan ko.
Try mo gusto mo?
BINABASA MO ANG
I Struggle, I Survived (Lgbt)
Humor" it's easy to take off your clothes and have sex. People do it all the time. But opening up your story to someone, letting them into your spirit, thoughts, fear, future, hope & dreams.... That's being naked.." I Agree, mahirap mag-out lalo na kung...