Sino ba ako bilang :
Isang Anak
I was the eldest sa aming tatlong magkakapatid. Sa buong buhay ko masasabi kong naging mabait naman akong anak. Though syempre pag bata ka mayron kang mga pagkakamali na hindi mo naman sinasadya kasi nga bata ka at akala mo tama yung ginagawa mo. Sa ganuong pagkakataon dapat nakagabay ang mga parents para maitama yung mga maling bagay na inakala mong tama.
Nuong bata pa ako, hindi lang iisang beses akong napalo at dinisiplina ng mga magulang ko. Pero iilan lang dito ang natatandaan ako.
Una :
Pinaluhod ako sa asin ni mama ng nakadipa at may nakapatong na libro.
Anong kasalanan ko?
Minura ko lang naman yung isa naming talent ng pilit ako nitong pinapakain ng hapunan. Eh that time busy daw ako sa paglalaro. Tapos ayun minura ko daw ito ng p****i**.
Ang masama kaharap si Mama kaya syempre napahiya sya.
Ang pangaral sa akin. Pag' nakakatanda dapat iginagalang. At ang pagmumura sa kapwa ay hindi tama.
Totoo yung sinasabi nila na kapag napipintasan ang bata, sa magulang ang patama.
Kasi sila naman ang nag –ga guide at dumidisiplina dito.
Di ba ganito ang karaniwan dialogue ng ilan.
"ang bastos naman ng bata.. ano bang klase ng magulang meron yan."
O kaya naman
"ano bang klase ng pagpapalaki ang ginawa jan"
Pangalawa:
Pinalo ako ng sinturon ni Papa. Sa sobrang lakas tumama ito sa bibig k0.
Ang resulta natanggal yung isang ngipin ko.
Anong kasalanan ko?
Ayaw ko raw kumain dahil hindi ko daw gusto yung ulam namin.
Ang pangaral. Matutong kainin kung ano ang nakalagay sa hapag kainan.
Pangatlo :
Itinali kaming magkapatid ng lubid ni Mama at iniwan sa loob ng kwarto na patay ang ilaw.
Anong kasalanan namin?
Nagbangayan lang naman kaming magkapatid ng dahil sa isang laruan.
Pang-apat :
Sinabunutan ako ni Mama sa harap ng mga kalaro ko at hinatak pauwe.
Anong kasalanan ko?
Hindi ko kasi sya pinansin nung hiyaw ng hiyaw at tinatawag ako. Natatandaan ko kasi that time busy ako sa pakikipaglaro ng .. i think patintero ata yun.
Ayun, ng hindi ko sya pinansin. Pinuntahan ako at walang sabi sabi na himatak pauwe.
Anong pangaral?
Kapag tinawag ka ng magulang mo sumunid kaagad sa kanila. At ang isa pa. Kapag tinawag ka ng magulang mo wag na wag kang sasagot ng " bakit po"
Ang tamang sagot " ano po yun".
Totong nadisiplina ako ng mga magulang ko. Hindi lang ng dahil sagana ako sa palo kung hindi dahil na rin sa kapapangaral nila.
Kapag pinapalo naman kasi kami nila Mama. May kasabay na pangaral yun. Ipinapaliwanag nila kung bakit nila kami pinapalo. Madalas ang sinasabi nga nila "kaya namin kayo pinapalo kasi mahal namin kayo"
Na kadalasan hindi naman nauunawaan.
Mahal bang tawag dun? Eh hindi ba pag mahal mo hindi mo sasaktan? Eh bakit nila kami pinapalo?
Malamang ganyan din ang mindset ng mga bata ngayon. Pero ang hindi nila alam, kaya sila pinapalo ay para ituwid yung pagkakamali na nagawa nila.
Na uri ng pagmamahal yung pagdidisiplina na ginagawa sa kanila.
Hindi lang naman dahil gusto sila saktan.pero yuon ay para matuto sila sa isang pagkakamali. Para madala sila at susunod hindi mo na nila ito uulitin pa.
Kung si Mama nadisiplina ako dahil sa palo . Si Papa ang madalas kong matikman sa kanya. Masasakit na salita.
Kung tatanungin ako ngayon, sasabihin kong hindi advisable na pagsabihan mo ang anak mo ng mga bagay na masama. Kasi kumpara sa pagpalo mas higit ang epekto nito sa bata. Ang palo physical lang pero ang masasakit na salita. Tumitimo ito sa puso at sa isip ng isang bata na kalaunan dala dala nya hanggang sa pagtanda at hindi na makakalimutan pa.
Kagaya ng nangyari sa akin. Inaamin ko lumaki akong galit sa tatay ko dahil sa bagay nato' at kahit ngayong malaki na ako at wala na sya. Hinding hindi ko nakakalimutan ang masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanya. Para lang isang sugat na permanente na nasa puso ko. Na kumikirot sa tuwing naaalala ko ang kamusmusan ko.
Ganun pa man. Sa kabila ng hinanakit ko . Nag-papasalamat ako dahil sila ang mga naging magulang ko.
Paano ba ako bilang isang anak?
Mapagmahal ako. Mapagbigay. Maalalahanin.
Si Mama lang spoiled sa akin yan. Kahit anong hingin nya basta kaya ko ibibigay ko.
Hindi nga lang ako masyadong malambing. Hindi gaya nung sumunod sa akin. Hindi ako showy. Hindi ko alam pero nahihiya akong ipakita sa kanila na naglalambing ako. Oo madalas ko silang masabihan ng " i love you ma" at " i miss you". Nagmamano at humahalik pa rin ako sa kanya kapag nagkikita kami. Pero hindi ako mayakap.
Mahal ko ang pamilya ko .
Mahal ko ang nanay ko.
Kaya nga ako nakapag abroad dahil sa kagustuhan kong mabigyan sila ng magandang buhay.
Totoo ang kasabihan na malalaman mo lang kung naging isang mabuti kang magulang kapag iginagalang ka ng mga anak mo.
Same as, kaya ako naging ganito kabuti sa pamilya ko ay dahil sa magandang pagpapalaki at pagdidisiplina nila sa akin.
BINABASA MO ANG
I Struggle, I Survived (Lgbt)
Humor" it's easy to take off your clothes and have sex. People do it all the time. But opening up your story to someone, letting them into your spirit, thoughts, fear, future, hope & dreams.... That's being naked.." I Agree, mahirap mag-out lalo na kung...