Chapter 3 : " Sino si AKO? " - Part 2

386 27 8
                                    

Ako bilang  Kapatid

Nung bata pa lang ako madalas na akong pangaralan ni Mama lagi nyang sinasabi na mahalin ko daw yung mga kapatid ko at wag ko raw inaaway. Ako daw ang panganay kaya dapat ako ang laging na-bibigay.

Mabait at maalalahanin naman ako. Pero syempre nung maliliit pa kami ako ang pinaka sutil. Madalas ako nga ang dahilan ng pagbabangayan naming magkapatid.

Mapag-patol ako eh. That time dalawa palang kami na magkapatid.yung bunso kasi namin late ng sumulpot dito sa mundong ibabaw. Nasa college na kami parehas ng ipinanganak ito.

"dadalawa na nga lang nag-aaway pa kayo! " dialogue yan ni Mama tuwing magsusumbong yung kapatid ko na umiiyak. Palibhasa sya ang bunso nuon kaya lagi syang pinagbibigyan.

Grabe ang pagka spoiled nyan kesa sa akin. Sya yung tipong naglulupasay sa kalsada kapag hindi napagbigyan ang gusto. Papa's girl din yan. Oras na malaman ni Papa na napaiyak ko, hay naku!.. talaga namang naliligo ako ng sermon. Kahit hindi naman ako ang may kasalanan.

Kaya nga siguro lumayo ang loob ko sa tatay ko. Dahil pinakita nya na mas favorite nya yung kapatid ko.

Bata pa lang ako sana'y na akong magparaya. At dahil madali akong makaintindi madalas yung kapatid ko ang napagbibigyan.

May isang beses na nagpunta kami ng Mall. Dapat ibibili ako ni Mama ng damit ang kaso mo yung kapatid ko may iniyakang laruan, naglulupasay dun sa flooring at hindi nya mapatahan.

Ang ginawa ni Mama kinausap ako. Sa susunod na lang daw kami bumili ng para sa akin. Naintindihan ko naman kaya hinayaan ko na lang na bilhin ni Mama yung laruan.

Actually maraming beses ng nangyari yun at sa tuwina ay lagi kong pinagbibigyan. Siguro nasanay na lang din ako.

Kung sya Papa's girl ako naman Mama's girl. Kapag si Papa sinimulan na akong sermunan dahil sa kagagawan ng kapatid ko. Si Mama Ang tagapagtanggol. Kaya sa bandang huli silang dalawa na yung nag-aaway.

Syempre kahit na madalas kaming nag-aaway mahal na mahal ko pa rin yan.

May isang insidente nga na umuwe ito ng bahay at umiiyak. Sapo sapo yung tyan nya. Nung tanungin ko sya kung bakit.

Isinumbong nya yung isa naming kalarong lalaki binuntal daw sya kaya hayun namamalipit sa sakit at iyak ng iyak. Umakyat ang dugo sa ulo ko dali-dali akong lumabas ng bahay at sinugod ko yung sumuntok sa kanya. Nang makita ko to' lumapit ako at walang sabi sabi na ubod lakas ko rin syang binigwasan, hindi ko na nakita kung anong naging reaction nya dahil pagkasuntok ko tumalikod na ko. Nakita ko lang sa gilid ng mata ko na namalipit din sya sa sakit.

Bagay lang sa kanya yun isip isip ko, kalalaki nyang tao pumapataol sya sa babae. At talagang kapatid ko pa ha.

Simula nuon hindi na nila inaaway yung kapatid ko dahil alam nila na akong makakalaban nila pag ginawa nila yun.

Kung hindi nyo natatanong eh medyo siga siga din kasi ako sa amin nung kabataan ko. Ang mga barkada ko mga lalaki si Kiara lang ang bestfriend ko na babae.

May isa pang nangyaring hindi maganda sa kapatid ko. Ang kaso nung mga panahon na yun wala ako sa amin . Nagtatrabaho na ako sa gawing south nung maaksidente syang mabuntis ng boyfriend nya. Ang masama nito, tinakbuhan sya nung lalaki at iniwanan. Hinun-ting naman nila Mama ang kumag. Ang kaso mo wala na ito bahay na tinutuluyan.

Ang kawawa kong kapatid nasira ang buhay dahil sa isang gagong nilalang. Ang pangarap nyang mangibang bansa para tulungan kami nawala parang bula. Wala na syang choice kundi ipagpatuloy yung pagbubuntis nya kahit nung mga panahon na yun eh lugmok na kami sa kahirapan at halos kamamatay lang din ni Papa.

I Struggle, I Survived (Lgbt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon