Chapter 1

1K 31 0
                                    

Chapter 1

Nakangiti ako habang tinatahak ang daan pauwi. Grabe, parang kailan lang, bagong lipat kami rito sa subdivision na ito. Naalala ko pa, no'ng bagong dating namin dito ay si Tusher kaagad ang naging kaibigan ko.

Hindi siya nawala sa tabi ko magmula no'ng nangako kami sa isa't isa na magiging magkaibigan hanggang sa lumaki kami, at 'eto, ganoon pa rin kami.

I admire Tusher for a lot of things. Iyong dedication niya kasi sa lahat, miski sa pag aaral ay nakakabilib.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay inihinto ko na ang pag iisip.

"Lauri..."

Kapapasok ko pa lang ng bahay ay iyon agad ang bumungad sa akin. Nasa ganoong eksena ang aking pamilya nang dumating ako galing sa eskwelahan. Katatapos lang kasi ng practice namin sa volleyball kaya ngayon lang ako nakauwi.

"Ate, anong mayroon?" tanong ko saka sila tinignan isa isa, pero nag-iwas lamang ng tingin sa akin sina Daddy at Mommy.

Lumapit siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan pero nagiba bigla ang pakiramdam ko roon. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Hindi ko alam pero iyon ang unang pumasok sa isip ko.

Nangunot ang noo ko saka ulit sinulyapan sina Mommy at Daddy na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa pwesto nila kanina. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso.

Bakit ganito? May nangyari ba habang wala ako o baka naman may mangyayari pa lang na hindi maganda?

"Lauri, aalis ako," ani Ate Alex, walang kahirap-hirap.

Aalis siya? Pero bakit parang biglaan naman yata? Paano na si Tusher? Alam na ba niya ito? Paano nalang kapag nalaman niya? Paniguradong masasaktan siya! Hindi maaari, hindi ako makapapayag.

Oo at mahal ko si Tusher, sinuportahan ko sila ni ate sa relasyon nila, nagparaya ako kahit masakit, tapos ito lang ang gagawin niya? Iiwan niya ito? Hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ng kakambal ko.

"Ha? Kailan? Saka saan ka pupunta? Paano na si Tusher ate?" tanong ko.

Inalis niya ang kanyang palad sa aking pisngi. Mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay kaya naman dumako roon ang paningin ko. Nang mag-angat ako ng tingin kay ate ay para na siyang maluluha. Namamasa na ang kanyang mata.

Umiling siya, iyon lang ang isinagot niya. Halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magsalita dahil parang kapag ginawa niya 'yon ay tuluyan nang lalabas ang mga emosyon na itinatago niya.

"Anong—bakit ganyan? Ano bang nangyayari? Hindi ko naiintindihan e, kauuwi ko lang tapos maaabutan ko kayong ganito." Binawi ko ang kamay ko kay ate. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.

"Aalis ako Lauri, hihiwalayan ko si Tusher, hahanap lang ako ng tiyempo," mahina niyang sinabi. Kasabay no'n ang pagtulo ng kanyang luha. Napatakip pa siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sariling humagulgol.

Aalis siya at hihiwalayan si Tusher? Just wow, ano bang nangyayari sa kanya? Nag-away ba sila? Bakit naman siya aalis? Gaano ba kalala ang sitwasyon nila ngayon para maisipan niyang umalis? Hindi na ba madadaan ang lahat sa maayos na usapan.

Umiling ako. "Hindi mo 'yan gagawin ate, alam mo kung gaano ka niya kamahal." Tumulo na rin ang luha ko. Oo, masakit na sa akin pa iyon mismo nanggaling. Na mahal ng lalaking mahal ko iyong kakambal ko. "Nagparaya ako kasi alam kong mas masaya siya kung kayo ang magkakatuluyan, pero bakit ganito? Ano bang pumasok sa isipan mo? Nag-away ba kayo? Hindi na ba madadaan sa maayos usapan? Ate—"

Pinutol niya ako. "I love Zean, Lauri..."

Gulat akong tumitig sa kanya. Si Zean? Iyong lalaking palagi niyang kasama na akala ko'y kaibigan niya lang.

Tied To Her Half (Fixed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon