Hay naku... Salamat at nakarating na rin ako rito sa office ni Mr. Al.
Grabe kasi kung makatingin ang mga tao kanina pagpasok ko palang sa building. Ramdam ko talaga ang talas ng mga matang wagas kung makapanghusga."Sir nandito po ako dahil nais ko pong malaman kung kilala niyo ho o kung may alam kayo tungkol sa Alec na 'to." Sabi ko kay Mr. Al pagkaupo ko sa upuang nasa harap ng mesang kinalalagyan niya dito sa opisina niya.
"Leigh, kung may mas nakaka-alam man tungkol sa kaso mo, ikaw na mismo iyon." Sabi niya na para bang kumbinsido na talagang may ginawa akong masama.
Grabe. Mukhang wala na talagang ibang naniniwalang inosente ako bukod kina mama at Ron.
"Sir, alam kong di kayo naniniwala, pero hindi ko nga ho alam kung sino tong Alec Lawson na ito."
"Well siguro di mo siya kilala, but you probably know his blog where he places the things that he writes about." Sagot niya
"Sir honestly, hindi ko ho alam kung ano ang pinagsasabi niyo."
Umiling-iling si Mr. Al and I could tell na ayaw niya talagang maniwala
"Leigh..." Nag pause siya, at alam kong sandali lang, pero pakiramdam ko ay sapat na ang tagal ng pause para pagpawisan ako't kabahan. "There really is not a need to lie here. Ang gusto ko lang gawin mo is ayusin to without causing any harm to my company."
Ouch!
This is what I hate the most about people. Nanghuhusga na kahit hindi pa naman lubos na naiintindihan ang buong storya.So mukhang masasayang lang ang lakas ko if i-try ko pang i-convince si Mr. Al.
Nilunok ko na lang ang sakit at hiningi ang address ni Alec Lawson.
Buti na lang ibinigay niya ito agad without saying any more word.
Hindi ko na alam kung saan pa punpunta ang usapan if pahahabain pa namin. At hindi ko rin alam kung paano i-hahandle kaya nagpaalam nako't agad umalis.
BINABASA MO ANG
Connected
Romance"panaginip"- dito nagsimula ang lahat. Sino ba naman ang mag-aakala na mababago at mailalapit ng isang panaginip ang buhay ng dalawang taong nasa magkabilang parte ng mundo. "Imposible." Ito ang nais na paniwalaan ni Alec at Leigh. Pero kahit ano ma...