CHAPTER 8: YES!..

8 2 0
                                    

*Oo nakakadismaya, nakakainis pero hindi ako susuko alam kong dadating din yung panahon na tatanggapin din ako ng pamilya ni Agnes*

*hindi ako sumuko paulit ulit ko siyang hinaharana at binibgyan ng puting bulaklak, bakit puti? kase ibig sabihin nun ay kadalisayan (purity), nag sawa na yung kapatid ko na samahan ako kase paulit ulit na lang. paulit ulit nalang silang nag papagpag ng banig o kumot na ibig sabihin ay pinapa'alis na kami kase matutulog na sila.*

Japeth: kuya?

Joseph: oh?

Japeth: maghaharana ka ba ulit kela Agnes mamaya? may gagawin kayo ni tatay ah.

Joseph: hindi ko sigurado. mukhang hindi na muna. maiintindihan naman siguro ni Agnes yun.

Japeth: Sige. tulungan ko narin kayo ni tatay mamaya sa pag aayos.

*madami kaming inayos ni tatay para sa pagtitinda bukas. nakakapagod. gusto ko ng magpahingga*

-2:00 am-

*bigla akong nagising dahil sa napaniginipan ko di ko alam kung ano yun pero may tren na sobrang ingay. pero may isa rin akong naririnig. pumunta ko sa bintana at dumungaw na baka kasi kaluskos ng dahon gawa ng hangin o pusa lang. pagkita ko..*

Joseph: Agnes??

*pagkita ko kay Agnes may pinupulot na bato. ibabato ata samin*

Joseph: oy! oy! wag! gising na ko!

Agnes: kanina pa kita tinatawag, di ka naman nagigising.

Joseph. pasensya. ano ba yun?

Agnes: halika bumaba ka dito.

Joseph: huh?

Agnes: bu-ma-ba ka di-to.

Joseph: sandali lang.

*nakakatakot. akala ko naman kung anong gustong niyang mangyari. bumaba ako ng dahan dahan baka magising silang lahat. paglabas ko..*

Joseph: ano un?

Agnes: bakit di mo ko pinuntahan kanina! di ako makatulog inaantay kita. kaya ngayon ako pumunta dito.

Joseph: ay nako naman! anong oras na. parang di ka naman babae.

Agnes: pasensya.

Joseph: umuwi ka na hatid na kita. di ako nakapunta kase tinulungan ko si tatay sa pag aayos ng paninda namin para bukas.*

Agnes: ahh ganun ba. cge.

Joseph: babawi ako pangako. Labas nalang tayo. Pero yung maayos naman hindi ganito. Ako mismo pupunta sa bahay niyo.

Agnes: sige. D ko naman na kaylangan pang sabihin diba?. Alam mo na yun. At alam kong nararamdaman mo na yun.

Joseph: oo alam ko na yun... Sige na. Hahatid na kita. bukas nalang tayo magkita ha.

Agnes: Sige.

*sobrang saya ko pero kaylangan kong maging natural sakanya. Siya yung babaeng hindi marunong magsabi ng "mahal kita" o yung mga salitang nakakakilig. Pero sa sinabi niya kuntento na ko.*




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Train..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon