Vol. 2 Ch. 21 "Valentines Day"

66 3 1
                                    

Happy valentines day guys~ \😁/

Enjoy reading, 😘

-HonestlyImALier

"Tingnan mo si Eulesse~ " bulong ni MJ kay Mara.

"Bakit ?" sagot naman ni Mara.

"Kanina pa kasing ngiti ng ngiti, nababaliw na ata." Sagot ni Jean kay Mara na tinanguan lang ni MJ.

"HOY !"

"Ay palakang bulate !!" Gulat kong sigaw nang bigla akong tapikin sa balikat ni Mara. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng di oras, kaloka. "Ano bang problema ? Bakit mo ko ginulat !" Angil ko sa kaniya. Sabay simangot.

"Heller, kanina ka pa po namin pinagmamasdan, walang pagsidlan ang ngiti mo eh." Jean answered. Bigla tuloy akong namula sabay hampas sa kaniya na muntik na niyang ikasubsob sa mesa. "Aray ha ! Aray !"

"Sorry~ " Sabi ko na lang bago siya hinawakan. "Nabigla lang."

"Nagiging magugulatin ka na lately, anong meron ?" Tanong ni Jean.

"Saka bakit kanina ka pang ngiti nang ngiti jan, aa ?" Dagdag naman ni MJ.

"W-wala, walang anumang dahilan." Iwas ko sa kanila sabay tuloy sa aking ginagawang chocolates.

"Bakit dalawa iyan ?" Usisa na naman nila.

Napafacepalm na lang ako sabay harap sa kanila at tutok ng pangstir sa kanila. "Hindi ba kayo titigil na tatlo ? Uumbagan ko na kayo eh !"

Nagsi-iwasan sila ng tingin sabay bulungan.

"Galit na siya, kaya alam na this." Sabi ni Jean sabay open ng oven.

"Back to work." Sabi naman ni Mara sabay decorate sa kaniyang chocolates.

"Tahimik muna." Dagdag naman ni MJ at nagbusy-busy'han kunwari.

Nagsigh na lang ako sabay tuloy sa ginagawa ko. Kaloka itong mga ito, napakachismakers. Nawala ako sa mga iniisip ko eh. Sabay iling ko at ngumiti na naman sa aking mga iniisip.

Blood 21 - Valentines Day

You might be a vampire if

* Your dreams are often extremely vivid and sometimes result in cases of deja vu.

"Tada~ !" Masaya kong reaksiyon ng matapos ko ang dalawang chocolate na ginawa ko.

"Iba talaga ang ngiti niya." Komento ni MJ.

"Oo nga eh," sang-ayon ni Mara.

"Ako na naman ?" Emotionless kong tanong sa kanila. "Lagi na lang ako, ako na lang ng ako~ " Imitate ko sa patalastas dati.

Na siyang ikinatawa nila sabay lapit sa akin. "Loka-loka ka talaga, sino nga ba ang pagbibigyan mo niyan ?" Usisa ni Jean.

Yumuko ako sabay pacute. "Crush ko~ " Malambing kong sagot, that causes them to hug me. "Aray ha ! Aray !" Angil ko sa mahihigpit nilang hawak.

"Churi~ " Sagot nila sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin. "Sino pala ang crush mo ?" Muli nilang tanong.

Tiningnan ko sila isa-isa, sabay irap. "Secret ! Di pwedeng ipagkalat !"

"Eeehhh~ !! Di naman namin ipagkakalat eh !!" Sabay-sabay nilang sagot.

"Ayoko pa din !" Mariin kong tutol sabay kuha nang ipambabalot ko sa chocolates na ginawa ko.

"Ang damot, ha ?"

"Madamot talaga ako !" Saad ko, "kaya wag na kayong umasa na sasabihin ko sa inyo kung sino."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Moon And Blood CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon