Vol.1 Ch.13 "Asian Cruise"

129 4 0
                                    

Parang gumunaw ang mundo ko ng malaman ko ang iba pang detalye tungkol sa larong sinasabi nina Steeven.

"You're the sole Empress of Vampires that live in Japan's Area. Kung iniisip mo na 18years old ka lang ngayon. Nagkakamali ka. Your age is beneath of your looks.

Literally , hindi talaga kita kilala. Since sa Japan ang location mo. I'm a British Vampire, like Johann and the others. Ang tanging nakakakilala lang sayo sa bansa namin ay ang Hari at tauhan nito. At siya ang nagbanggit sa amin tungkol sa larong ito."

"B-bakit ka sumali sa larong ito ?"

"Wala kaming choice. Tagapagmana ako ng lahi namin, same with Johann and the others. Kailangan naming sumunod dahil angkan namin ang kakalabanin namin kapag sumuway kami."

"S-so , a-anong ibig mong sabihin sa ako ang g-gumawa ng larong ito ?"

"Ikaw ang naka-isip sa laro na ito. Larong kung sino ang unang makakahanap sayo ang siyang panalo. Pero syempre hindi simple ang larong ito. Dahil pinaalis mo ang Vampire Characteristics mo. At tinanggal mo din ang- . . .alaala mo."

Blood 13 - "Asian Cruise"

You might be a vampire if...

* You have drank blood before or would like to, if you could . . .

"Ahhhhhh~ !!" Mababaliw na ata ako~ !! Umaga na't lahat pero nandito pa din ako sa kama ko , naka-upo at parang baliw na kanina pa nagsisisigaw.

"Will you please shut up ?" inis na wika sa akin ni Johann. Yeah , tama ang basa niyo. Andito na naman itong kumag na ito.

"Ano bang pake mo ? Ikaw ba ang namomroblema sa mga problemang nasa utak ko ?!" sigaw ko sa kaniya.

"Hindi , pero nakaka-eskandalo ang sigaw mo. Para kang sinasaniban ng kung ano."

"Tsk. Umalis ka na nga lang dito. At pwede ba ! Wag kang basta-basta na lang pumapasok !"

"Sabi mo eh." He shrug then leave.

"Kainis !" saka ako bumangon at inumpisahan ang pag-aayos sa sarili. May pasok ako ngayon pero maya pang 2pm ang umpisa ng klase ko.

Then biglang may bumusinang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kaya nagmadali akong silipin kung sino iyon sa aking balkonahe.

Sina Mama~ !

Nang maisip ko iyon , biglang nanlaki ang mata ko. Si Johann asa may baba ngayon. Isa pa si Steeven ! Naku naman !

Dali-dali tuloy akong bumaba.

"Okaerinasai~ !" Mama and Papa both said in chorus.

"Kamusta ang baby ko ?" - Mama.

"A-ayos lang po ako Mama." Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko makita ang dalawa.

"Anong hinahanap mo ?" - Papa.

"A-ah~ " Anong sasabihin ko ?

"W-wala po. Ahahah~ ? Sige po Papa , Mama." at nagbow ako sa kanila. "Babalik na po ako sa kwarto ko , kailangan ko pa pong mag-ayos para sa klase ko mamaya."

Hindi ko na hinintay ang isasagot nila. Nagdirediretso na ako pabalik sa kwarto ko.

Asan naman kaya iyong dalawang iyon~ ?!

Papasok na ako't lahat eh inaalala ko pa din iyong dalawang kumag. Geez , kainis kasi !

"Itte kimasu~ !!" paalam ko kina Mama at Papa noong paalis na ako ng bahay namin.

When The Moon And Blood CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon