Vol.1 Ch.10 - She's the one

124 5 0
                                    

I just change the title of this story from A Vampire's Diary into When the Moon and Blood Collide. Hope for everyone to reread the first chapters again because I made a few changes on it too. Thanks~ :*

-HonestlyImALier

---

"Steeven~ ! ! !" sigaw ko sa kaniya. Umuna kasi siya ng paglalakad sa akin ngayong pumapasok na kami sa School.

Tumigil naman siya. Pero hindi ako nililingon.

"Steeven ! Ano ba ?" Pagalit na tanong ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi di niya pa ipinapaliwanag ang nangyari kagabi.

Bale paggising ko, ganito ang nangyari :

*Flashback*

"ihm~ " pagmulat ko na ng aking mata. Maayos na akong nakahiga sa aking kama. Napabalikwas agad ako ng bangon ng maalala ko si Steeven. "Steeven~ !" sigaw ko pagkabangong-pagkabangon ko.

"Oh ? Bakit ?" sigaw niya din mula sa baba. Kaya naman ako napababa na din bigla.

"Steeven~ " sambit ko ulit sa pangalan niya habang hinahanap siya sa baba. At natagpuan ko naman siya sa kusina.

"Andito ko." sagot niya habang hindi lumilingon. Naka-school uniform na siya. "Maligo ka na. Malalate na tayo."

"O-oh sige." saka ako nagmamadaling umakyat sa kwarto ko. Inihanda ang mga isusuot at naligo na.

Pagkatapos ko maligo, magbihis at mag-ayos. Bumaba na ako. At nakita ko si Steeveng inihahanda na sa lamesa ang agahan namin.

"Bilisan mo. Kumain na tayo." umupo na siya. At umupo na din naman ako. Pero hindi sa tabi niya.

"Hoy~ !" sigaw ko sa kaniya nung kumakain na kami. "Ano iyong nangyari kagabi ?"

"Aba. Malay ko." kalmadong sabi nito.

"Eh bakit-"

"Kumain ka ng madali. Sa daan ko i-eexplain."

"Tsk~ " at minadali ko na nga ang pagkain ko at buti na lang talaga. Hindi ako nabulunan ! "Mag-explain ka na !" ungot ko sa kaniya nung naglalakad na kami sa labas.

"Ganito iyon." he starts looking at me before explaining. "Pinsan ko lang si Sherwood, at kaya wala ako nitong mga nakaraang araw ay dahil nga inaasikaso ko ang pagdating niya dito. At kaya hindi na din ako nakakatext sayo. Pasensiya na talaga."

"Wait nga lang~ (ー'´ー) hindi naman iyan ang pinapa-explain ko , aa ?"

"Ugh~ . . .Eh iyon lang ang gusto kong i-explain eh !" saka ako inunahan sa paglalakad.

*end of Flashback*

Blood 10 - She's the one

You might be a vampire if...

* You don't get sick often, or if you do, the maladies are often strange or severe

At eto nga ngayon ay hinahabol ko itong lalaking ito. Pero hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ito at naunahan ako sa pagpasok sa School.

At mabilis nawala sa paningin ko dahil sa mga estudyanteng nasa hallway.

"Shocks talaga ang nangyaring iyon."

"Oo nga. Nakakatakot."

"H.R.M. pala ang estudyanteng iyon ?"

"Naku sayang, graduating pa naman."

Iyan ang mga usap-usapang naririnig ko ngayon dito sa Hallway.

Anyare ? Bakit parang may nangyaring masama ?

When The Moon And Blood CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon