Lahat ng kasama ko dito ay puot ang nadarama. Ang iba ay umiiyak
Nasa labas kami ng kwarto kung saan naka-confine si Lance, ang Lala ko. Hinihintay na lumabas ang doktor para malaman ang resulta ng kalagayan ni Lance. Pero ako, hinihintay kong gumaling siya at makasama ko ulit siya. May heart cancer kasi siya.
Habang nakaupo ako sa wheel chair ko at may nakakabit na oxygen tank, iniisip ko si Lance. Nag-aalala ako. Parehas kaming may sakit pero dapat sabay kaming mawawala! Mas malakas pa ko. Hindi ko kayang maiwan. Hindi pwede.
Nabulabog ang kalungkutan namin nang lumabas ang doktor mula sa kwarto ni Lance.
"Yes. He's stable right now, 'right now' " pinag-diinan pa ng doktor ang 'right now'. salamat naman at stable na sya "pero alam niyo naman pong anytime, he'll give up at mag-let go kung wala pa rin tayong mahahanap na donor. Kailangan nya ng pamalit sa puso niya, that is our last way to save him. Let's pray for him. Maiwan ko na po kayo"
Nanlambot na naman ako. 1 week na kaming nag-aabang ng donor, kaso wala.
Tumulo na naman ang luha ko at napansin ito ng barkada. Nilapitan nila ko.
"ate Nia, makakahanap din tayo ng donor. Magpakatatag ka po" hinimas-himas niya ang likod ko kahit na pati siya ay umiiyak na. Nag-iisang kapatid siya ni Lance, si Randel. Siya ang pinakamasayahin saming magbabarkada. Ngayon ko lang siyang narinig umiyak.
"Lavenia Yagoobian, makakasama yan sa paghinga mo. Magpamatatag ka, kakayanin niyo yan ni Lance. Inhale. Exhale"
Sinabayan ko siya ng pag-inhale at exhale ko pagkasabi niya ng inhale at exhale. Yan si Rockilyn, boyish ng barkada, malalim siya masyado, kabaliktaran ni Randel. hilig niya akong tawagin sa buong pangalan ko.
Bumalik kami sa kwarto ko kung saan ako naka confine, kwarto na rin namin ito para magpahinga habang inaantay si Lance. 3 kwarto ang pagitan nito kung nasaan si Lance ngayon.
"Tita Lizza, Tito Anthony, ako na lang po ang magdodonate"
Nagsitinginan silang lahat sakin."Hindi maaari" pagpipigil sakin ni Tita Lizza
"Alam niyo pong may sakit din ako. Thyroid cancer. Hindi ko po kayang mawala si Lance. Ako na lang po ang mamatay, hirap na rin po ako"
"Paano ang pamilya mo?" pag-aalala ni tito Anthony
"Hindi ko po alam" sumagot ako ng mahina at sumunod dito ay ang paghagulgol ko.
"Lavenia, mahalaga ka sa pamilya mo, hindi kami papayag!" tinalikuran na ako ni tita.
Wala na ba 'kong magagawa para sa mahal ko? Hindi pwede!
~
Comment and vote ;)

BINABASA MO ANG
My Life Saver
Romanceni-re-revise ko na lang po :) My live saver ft. Oliver Posadas Started: June 29, 2013 Stopped: Oct 13, 2013 My life saver(new version): on going(but not yet published)