Chapter 3: Is this our Last kiss?

108 6 2
                                    

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Lance na walang malay. Nasa labas sila tita, ang barkada lang ang kasama namin ni Lance dito.

Yumuko ako at nilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Lance at inilapat ko ang ilong ko sa ilong niya. Hindi nila nakikita ang ginagawa ko dahil nakaharang sa mukha namin ni Lance ang mahaba kong buhok. Nagsunod-sunod namang umagos ang luha ko. Nasasaktan ako ng sobra tuwing nakikita kong wala siyang malay. Ang kirot. Ang hapdi.

"Lala, gigising ka ha? Aantayin ka nila." pabulong kong sinabi kay Lance na parang maririnig niya. Alam kong maririnig niya yuon, buhay kasi siya.

"Yak. Lavenia, ganyan ka na ba ka atat? Kita mong walang malay yung tao, kung ano-ano ginagawa mo" pabirong pandidiring kumento ni Rockilyn sa ginawa ko kay Lance. At nagsitawanan naman sila.

Umayos ako ng upo at hinarap ko sila "malay niyo magising siya sa pang-aakit ko?" pabiro kong sabi.

At nagtawanan naman sila.

Kinuha ko ang kamay ni Lance at hinaplos ito sa pisngi ko. "Lala, punta lang kaming Zambales ha? Pupuntahan ko lang yung lugar kung saan tayo nagsimula. Babalikan ang pangyayari noon. Pagbalik ko dapat gising ka na ha?" sabay hinalikan ko ang kamay niya. "alis na kami, mahal ko" nagsitayuan na ang barkada para maghanda sa pag-alis namin.

Bago ako lumabas ng kwarto, nilapitan ko muna si Lance at hinalikan siya sa labi at sinabi kong

"Bye Lance, 'til we see each other again. I love you"

My Life SaverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon