Nasa Airplane na kami ngayon.
Tabi-tabi ang couples.Sila Randel at Rockilyn. Sila Jake at Nicole. Sila Ryna at Adam. Sila Jasha at Kevin. Ako? I decided to seat with no one beside me. Hahaha
Private plane ito nila Adam. Kaya feel free kami. Manila to Zambales! I can't wait!
Nagtatawanan na naman sila roon sa paligid ko. Minomonitor nila ako eh. Wala kasing oxygen tank na nakalagay sakin ngayon. Kapag di ako okay saka lang ako nadedelikado kapag walang oxygen tank. Okay naman ako. Nakakahinga naman ng maayos. Si Lance ang inaalala ko.
Nakatulog na rin sila. Wala naman akong magawa dito.
When you're alone, you think, when you think, you remember.
--
Matapos nung pagkalaglag ko sa puno, hindi ko na siya noon nakita. Hanggang sa dumating ang pasukan, wala pa rin. Naging filipino teacher/translator ako nun ni Nicole. Hindi daw siya papasok sa school kapag hindi siya marunong magtagalog kaya tinuruan ko siya.Natuto naman!Nahirapang pumasok si Nicole noon sa school dahil ang ibang papers niya ay nasa Australia pa kaya 'di siya makapag-enroll. Kaya 2 weeks na, wala pa akong kasama sa school.
Hindi ako excited tuwing first day. Bakit? Kasi alam kong aaligid na naman sakin ang mga freak kong classmates. Nobody lang ako sa school, alone.
Grade five na ko nun at wala pa rin akong kaibigan.First day at lunch time noon. Si mommy ang nagprepared ng baon ko. Banana, bravo biscuit, mango juice, rice, and kare-kare ang nasa lunch box ko. Kakain na sana ako nang biglang dating ng mga freak!
"I miss you Lavenia, I mean yung baon mo" they occupied the 3 chairs around me at kinuha ang pagkain ko.
I tried.. First time kong lumaban sa kanila. Inagaw ko yung lunch box ko pero hindi maganda ang sumunod na nangyari. Pinaliguan ako ng malamig na tubig nila freak number 2 & 3. And freak number 1, their leader, stood up. Kinuha niya ang tumbler ko at ibinuhos ang laman non, mango juice! Lamig na lamig at naglalagkit ako nun. Bigla namang may lumapit na lalaki.
"Layuan niyo siya!" siya. Siya yun! Yung lalaking nagsave sakin sa may puno!
"And who are you?"-freak number 1
"Ibalik nyo yang lunch box sa kaniya" galit na sabi niya.
"at bakit?" - freak number 3
"Isusumbong ko kayo sa principal!
Natahimik naman silang tatlo at umirap. "Let's go girls. Baka mahawa pa tayo sa pagkaLoser ng mga yan" iniwan nila ang lunch box ko at umalis na sila.
"You okay?" tanong sakin nung nagligtas sakin, my life saver. "Well sorry, I think no, you're not. May extra uniform ka?"
Nagtameme ako noon. Hindi ako makapaniwala kaya tumango na lang ako sa kaniya.
"Saan nakalagay? Bihis ka na, samahan kita" pag-aalok niya
"Ha?" nabigla ako nun sa sinabi niya!
"hahahahahaha! Sasamahan kita pero sa labas lang ako. Mabait ako, trust me"
Pumunta kami non sa locker ko para kunin ang pampalit ko. Hawak niya ang mga gamit ko nun dahil sabi niya siya na ang maghahawak. Pagkatapos pumunta na kami sa C.R.
"Sige na pasok ka na. Hintayin na lang kita dito"
Sa totoo lang ang weird niya. Walang lumalapit sakin dito sa school, walang nagtatanggol sakin sa mga freak dito. Anong meron? Anong kailangan niya sakin? Bago lang ba siya dito?!
Nagbihis na ko ng damit at pumunta sa may lababo. Walang tao sa CR kundi ako lang. Humarap ako sa salamin. "Ambait naman ni--- teka 'di ko pa pala alam pangalan niya!"
Nagmadali na ko para labasin siya at itanong ang pangalan niya. Tatakbo na sana ko nun palabas pero nakita kong magulo pa ang buhok ko. Inayos ko muna ang buhok ko at ini-straight ang uniform ko saka ako lumabas.
"ahhh.. Sorry kung natagalan ako sa banyo"
"okay lang. Halika na?" inilahad niya ang palad niya sa'kin na waring gusto niyang hawakan ko iyon
Hinawakan ko na lang ang kamay niya. "San tayo pupunta?"
Ngiti lang ang sinagot niya sakin non. Hinila niya lang ako. Nahihiya ako sa kaniya. Nung huminto na kami, nakita kong nasa tapat kami ng kubo sa ground area ng school."kuyaaaaa... Antagal moooooo mamamatay na 'ko sa gutom"
May chubby'ng batang lalaki ang nasa kubo na nag-re-react na parang mamamatay na siya sa gutom. Tinawag niyang kuya si Life saver ko kaya siguro, magkapatid sila."Ahh sabay ka na saming kumain ha? Wag kang mahiya" ngiting sinabi ni life saver ko.
"kuya sino siya?" tanung nung chubby'ng bata pagkaupo namin.
"Ako nga pala si Lavenia Yugoobian. Gr.5 section A ako. Kayo?"
"Randel Peraira po, ate Lavenia. Gr.3 section C po ako" sagot nung kapatid niya na mukhang masayahin na makulit
"Ang susyal naman pala ng pangalan mo, Lavenia. Ako nga pala si Lance Peraira. Kapatid ko si Randel. Gr. 5 section B ako"
Sagot ni Lance. Lance ang name niya. Ang ganda naman."ahh ganun pala. Tara kain na tayo"
Nagshare kami nun sa baon namin. Paborito pala ni Randel ang kare-kare kaya na ubos niya yung baon ko.
"Hoy Taba! Naubos mo na baon ni Lavenia!" inis na sabi ni Lance kay Randel habang tinuturo niya ang kutsara sa kapatid niya
"Hindi okay lang. Naubos ko rin naman ang fish fillet niyo eh. Hahaha sorry" natatawa kong sabi at napadighay pa ko o(╯□╰)o "oops. Sorry hahahahaha" nakitawa naman sila sakin.
"Lavenia, bakit ka nila inaaway kanina? - pagtatakang tanong ni Lance
"Transfer students siguro kayo? Ano kasi, sa bahay namin, English at French lang ang salitang ginagamit, Kaya English ang 1st language ko. Nung pre-school ako english speaking kami nun pero nung Gr. 1 na ko, at dito yun, puro tagalog lang ang naririnig ko o Language ng mga taga dito. Hindi ko sila makausap dahil hindi ko sila maintindihan. Inaaway nila ako. Hanggang ngayong marunong na kong magtagalog, ansama pa rin nila sakin. Wala akong kaibigan dito. Lahat sila nilalayuan ako kahit na yung iba, hindi talaga alam ang totoong istorya"
"Grabe naman! Dahil lang sa language? Ansama nila" galit na sabi ni Randel ╰_╯
"So kami pa lang ang unang kaibigan mo dito?" iginagulat ko ang tanong na iyon. Natulala ako na kinabahan pero nakangiti lang sila sakin
Kaibigan ko na sila..
---
Stop na po muna kayo dito!!!
Yung next chapter ay old version na. Hahaha! Na-delete kasi yung ni-revised eh! Antay na lang po. Wag munang basahin yung mga susunod na chapters! HahaVote and comment, please :) God bless
P.s: pabasa nung isa kong story, nasa profile ko po "Winter" ang title hehe. Thanks :]
BINABASA MO ANG
My Life Saver
Romanceni-re-revise ko na lang po :) My live saver ft. Oliver Posadas Started: June 29, 2013 Stopped: Oct 13, 2013 My life saver(new version): on going(but not yet published)