CHAPTER 01

25 0 0
                                    

Holy moly Kuya please answer my call

"Im f*cked up" I mumbled to myself.

Paano nga ba ako hindi mapapamura? Hindi sinasagot ni Kuya yung phone niya damn him naiiyak na ako ilang minuto na rin kasi akong nakakulong sa cubicle ng cr dito sa cafe hindi ako makalabas.

Paanong hindi ako magkukulong dito. Eh may stain yung pants na suot ko.

I've been sitting on this toilet bowl for 20 minutes. Nagtataka na for sure yung ibang employee kung bakit hindi pa ako lumalabas. ㅠㅠ

Dahil masyado na akong nagtatagal ay lumabas na ako ng cubicle. Inayos ko yung maliit kong sling bag para takpan yung stained part pero hindi pa rin matakpan ng maayos. Sana lang talaga wala pang masyadong tao sa labas.

Dahil masyado na akong nagtatagal dito sa cr ay napagpasyahan kong lumabas na ng cr pagkatapos kong icheck yung itsura ko sa salamin.

Hooo! Kaya ko to fighting!

Chineck ko kung anong oras na. 6:23 AM pa lang sana walang tao sa labas.

Dali dali akong lumabas ng cafe mukhang swerte ako ngayon dahil wala pang mga tao.

Medyo nakalayo na ako sa cafe. Mga tatlong shops narin ang nalampasan ko ng makarinig ako ng mga nag uusap.

Mga lalake jusko.

Sumandal muna ako sa pader at sinilip yung mga nag uusap. Lima silang lahat yung isa may hawak na camera kumukuha ng video nila. Gumagawa ata sila ng vlog. May kotse din sa harap nila mukhang paalis na sila at may hinihintay na lang.

Inayos ko ulit yung sling bag ko para matakpan yung stain ko kaso agsgahav wala hindi talaga kaya. Nag sign of the cross muna ako bago nagsimulang maglakad padaan sa grupo ng mga lalake.

Hindi na ako nagtangka na tignan sila kaya nakayuko lang akong maglakad.

Lord please help me sana hindi nila ako mapansin maliit lang naman ako at matatangkad sila malahigante pa nga eh huhuhu magpapakabait na po ako hindi ko na po wre-wrestlingin si kuya ko at hindi na rin ako tatakas para magbar help meee.

Tahimik akong nagdadasal habang dumadaan sa pwesto nila.

Dalawang hakbang na lang.

Yes! Nakalampas na rin ako dire diretso na akong naglalakad. Thank you lord at niligtas mo ako.

Akala ko okay na talaga kaso...

"Miss ano-" rinig kong tawag sa akin.

Lord god please wag sana siyang pumunta sa harapan ko.

At kung pinagpapala ka nga naman talagang pumunta pa sa harap ko.

"Miss kunin mo na tong jacket ano- kasi may ano-- basta"sabay kamot ng batok niya.

Napapikit ako ng mariin sabay ngiti ng alanganin. Tiningnan ko siya saglit pero yumuko na rin ako agad dahil nahihiya ako. Nahihiyang kinuha ko na rin yung jacket pagkatapos nun ay nagjog na siya papunta sa mga kaibigan niya.

"Thank you" mahinang sabi ko sa kanya.

Ewan ko kung narinig niya kasi malayo layo na rin siya. Sana narinig niya para naman alam niyang thankful ako sa kanya.

Sinuot ko na yung jacket. Pagkasuot ko ng jacket ay biglang naghiyawan yung mga kaibigan niya. Mga abnormal. Napakagat na lang ako ng labi ko dahil sa hiya. Nilingon ko sila saglit pero lumakad na rin ako paalis.

Satisfying My Cravings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon