CHAPTER 05

15 0 0
                                    


Sunday ngayon at kakatapos ko lang magsimba. Nasa mall ako ngayon at nagwi-window shopping. Paminsan minsan ay bumibili ako ng mga nagugustuhan ko. Nakabili na nga ako ng dalawang sapatos at isang flats. Nagsale kasi yung Timberlands kaya bumili na ako ng isa at isang sneakers din sa Converse.

Ayaw ko kasi minsan ng Vans kasi medyo madaling kumupas yung kulay. Sayang lang naman kung hindi ko magagamit ng matagal pagkatapos ng ilang laba diba?

Dapat lang na mamili ng mga magtatagal para hindi magastos.

Ng mapagod na akong maglibot sa mall ay kumain ako sa Devine's Sweets. Tinawagan ko rin si Sunny unnie kung free siya pero hindi daw dahil may radio show pa siya mamaya, hindi siya pinayagan ng manager niya dahil kailangan niya daw magpahinga. Perks of being a celebrity.

Dahil nagsawa na akong tumambay ay pumunta ako ng playing station. Hindi ko alam kung anong pangalan dahil hindi rin naman ako madalas pumunta dito.

Opo, ignorante po talaga ang dyosa. Pagpasensyahan niyo na po ang aking kagandahan.

Maraming tao ngayon dito, well marami naman talagang tao everyday.

May bata, may teenagers at may mga may edad na rin. Yung iba ay madami ng naipon na tickets at tokens habang yung iba naman ay nauubusan na. May nakita naman akong naghaharutan sa may basketball. Hay jusko.

"Ate 25 pieces po na tokens" Bumili na rin ako ng tokens ko.

Pagkatapos kong bumili ay dumiretso ako kung saan may nagbabasketball. Nung una ay wala akong mapwestohan dahil may mga gumagamit, kaya naghintay muna ako na maubos yung token ng isang bata.

Ang tagal naman kasi nung naghaharutan, mukhang madaming pambili ng tokens kaya hindi maubusan.

Sarap ibalibag. Hahaha dejoke lang naman.

Mga apat na tokens din ang nagamit ko. May mga bonus game din kasi dahil madami akong naisho-shoot na bola. Buti na lang talaga at pinaiwan ko sa baggage counter yung mga pinamili ko kanina.

Ang talino ko talaga.

Sariling buhat ng bangko lol.

Dahil nga may mga pumipila na sa likod ko na gustong maglaro ay umalis na ako. Hindi naman kasi ako kasing selfish nung naghaharutan kanina. Hahahaha.

Pawis na pawis na ako kaya lumipat na ako sa naghuhula hula kung saan hahanapin mo yung itatago ng character na pinili mo, malapit kasi yung pwesto sa may aircon. Hahahaha.

Dahil nga walang akong kasama ay nagsawa ako agad sa nilalaro ko. Si Solee kasi puro trabaho na lang siguro nap-pressure siya sa family niya.

Ng magsawa ako ay hininto ko na ang paglalaro. Paalis na ako ng  mapadaan ako sa dalawang lalakeng sumasayaw sa just dance. Tumatawa tawa pa ang mga ito habang sumasayaw. Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Seungdok hyung.

Hay.

Flashback


"Bakit nandito ka? Sa loob ka sumayaw wag dito"

Napahinto ako sa pagsasayaw ng may tumawag sa akin. Siguradong ako ang kausap nito dahil ako lang naman tao sa lugar na 'to.

Nagulat naman ako sa taong nalingunan ko.

"Ah bago lang po kasi ako dito" magalang na sagot ko dito.

Kilala ko kasi ang kumakausap sa akin ngayon dahil isa ito sa magagaling na underground dancer. Balita ko pa nga ay choreographer din daw ito ng mga sikat na artist.

Satisfying My Cravings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon