CHAPTER 07

9 0 0
                                    




Padabog dabog akong nagpa-pack ng pagkain dahil inutusan ako ni kuya. Maaga pa lang kasi ay ginising na ako para lang dito, may lakad daw ito kasama si Ate Cream. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang si Ate Cream ang mag asikaso ng pagkain nila.

Aish inaantok pa nga ako! Nakakaloka 'tong kuya ko.

Patapos na ako sa pagpack ng mga niluto ko ng pumasok sa kusina si kuya na posturang postura. Mukhang nagpapa pogi points kay Ate Cream.

Sarap batuhin ng bote.

Nang matapos ako sa pag-pack ay itinabi ko na yung apat na tupperware. Pagkatapos ay sumabay na rin ako kay kuya sa pagkain.

"Micaela anong magiging reaction mo kapag sinabi kong magkaka pamangkin ka na ngayon?"

Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ng tubig nang tanungin ako ni kuya, kaya naman sumabit ang huling patak ng iniinom ko sa gulat. Dahilan para mapa ubo ako ng walang hinto.

" Ha? Pamangkin? Ulol ka ba ha?!" tanong ko dito habang inaabot ang tissue.

Pamangkin? Eh wala ngang girlfriend magkaka anak pa. At saan naman siya makakakuha ng instant baby ha? Jusko santisima.

"Makapagreact naman 'to ang OA" Nakasimangot na sabi ni kuya.

"Bakit may nabuntis ka ba? O baka si Kuya Blas?!"

"Ewan ko sayo aalis na ako bye"

Bakit ba ang affected ni kuya? Sarap batukan. Tatanong tanong sinagot ko lang naman.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin ni kuya. Naghuhugas ako ng plato ng maalala ko na kailangan ko nga palang pumunta ng boutique ng maaga ngayon.

May tuturuan nga pala kami ngayon. Muntik ko ng makalimutan.

Wala nanaman akong pahinga ugh!

---

"Solee magiging busy ako ngayon, pwede bang ikaw na ang muna ang bahala dito sa boutique?"

Nandito ako sa boutique ngayon para ayusin ang mga maiiwan ko. Ayoko naman kasing mapabayaan 'to, kahit pa na nandito si Solee ay may mga bagay na ako kasi ang dapat umasikaso.

"Ah yes of course, there is nothing to worry about" Nakangiting pagpayag naman nito.

Buti naman at pumayag 'tong bestfriend ko dahil kung hindi, for sure mababawasan ng 20 years ang life span ko.

"Here's the papers nga pala, na pirmahan ko na yung mga pinapa-pirmahan mo."

Pagkatapos kong asikasuhin ang boutique ay dumiretso na ako sa Big hit building dahil baka ma-traffic ako.

Dahil hindi naman pala traffic ay napaaga ang dating ko, may 40 minutes pa bago ang call time namin kaya bumili muna ako ng milk tea bago pumasok sa building.

Mukhang napaaga nga talaga ako ngayon ah.

May tao na rin naman ata sa loob ng practice room dahil may naririnig akong kanta, ng silipin ko naman ay si Hoseok lang pala. Pawis na pawis na siya sa pagsasayaw, hindi man lang magpahinga.

"Good morning" Alanganing bati ko dito bago tumuloy sa pagpasok.

Huminto naman ito sa pagsayaw at lumapit sa akin. Aakbayan pa nga niya sana ako pero hindi na itinuloy dahil pawis na pawis ito.

Satisfying My Cravings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon