CHAPTER 09

2 0 0
                                    



8:00 AM pa lang ngayon pero bumangon na ako para magluto ng breakfast namin ni Kenneth pero pagkapasok ko ng kitchen ay nandoon siya.

Mukhang nakatulog habang umiinom ng kape.

"Ken dito ka na ba nakatulog?" tanong ko habang ginigising siya. Hindi rin nagtagal ay naalimpungatan na siya "Good morning" medyo hoarse ang boses na bati niya.

"Dito ka ba nakatulog? Baka sumasakit na yang likod at leeg mo" tanong ko sa kanya habang nagpeprepare ng lulutuin.

"Hindi" sagot niya habang nag iinat "Magluluto sana ako kaso nakatulog ako"

Kaya naman pala may mug sa lamesa. Nakatulog na siya bago pa man makapag luto.

Nang matapos akong magluto ay tinawag ko na siya para kumain "Kain na Kenneth tama na yang talon talon mo"

"Nage-exercise kasi ako hindi katulad mo puro lamon"

"Bibig mo. Bahala ka nga diyan. Magpaka gutom ka kung gusto mo"

Ayoko kasi ng hindi ako sinasabayan. Oo kumakain ako ng mag isa pero yung hindi ka sasabayan. Psh. Bahala sila.

"Yan ka nanaman Mica. Ang bilis mong magtampo" sabi niya. Umupo na rin siya at nagsimula ng kumain.

"You know me Ken" inis na sagot ko. Pakiramdam ko kasi ay ayaw nila akong kasabay kumain kapag umaayaw sila. Nakakainis lang.

"Sorry na okay?" naiiling na hingi niya ng paumanhin. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.

After eating breakfast umuwi na rin naman siya. Hinihintay ko naman yung kuya ko na kung saang lupalop na ng bansa napunta. Kahit text man lang wala. Kinakabahan na tuloy ang dyosa este ako.

Dahil walang magawa ay nag ayos na ako. Balak kong magpalipas ng oras sa boutique. Wala kasi si Solee may aasikasuhin siya na mga papeles na pinapalakad ko kaya mamaya pa siyang tanghali makakapunta sa boutique. Wala naman akong magawa kaya pupuntahan ko na lang.

Pagkadating ko ay binati ako ng employee ko na saleslady. Binati ko rin ito at dumiretso na sa office. Nilibot ko ang paningin ko sa office. Agaw pansin naman ang pink na sticky note sa gitna ng lamesa ko.

Ng tignan ko ang nakasulat ay galing pala ito kay Solee. Pinapaalala nito na kailangan ko ng gumawa ng design para sa deal namin ni Yezi.

Wala man lang tawag si Kuya. Kumain na kaya yung damuho na yun? Psh.

Nagsimula na akong magsketch ng mga design. Nakaka ilang punit na rin ako ng bond paper. Hindi ako makuntento sa mga gawa ko kaya napagpasyahan ko na lang na dalhin sa bahay mamaya pag uwi ko.

Napangiti ako ng wala sa oras ng maalala ko na may practice mamaya. Nakaka excite na ewan. Minsan lang mangyari 'tong hindi ako kinakabahan. Nakakapanibago pero ang saya sa pakiramdam.

Mga 1:30 pm ng daanan ko si Kenneth sa bahay nila. Hindi niya daw kasi dadalhin yung big bike niya ulit kaya makikisabay na siya.

Lagi naman siyang nakasabay sa akin since kami ang pinaka close sa amin nila hyung. Dahil sa sobrang close ay maraskal kami sa tuwing magkasama. Madalas nauuwi sa wrestling ang mga asaran namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Satisfying My Cravings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon