CHAPTER 08

7 0 0
                                    


Hindi pa pala tapos magbihis si Jimin kaya sumisigaw pa siya kanina. Nagsusuot pa lang siya ng belt niya ng madatnan ko siya, walang suot na shirt.

"May lahi ka bang stripper Jimin ha? Lagi mo na lang pinapakita yang katawan mo sa ibang tao" saway ni Yoongi.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala rin naman sa akin ang makakita ng abs o topless na lalake dahil sa kuya ko, naglalakad nga yun ng nakaboxer lang sa bahay.

Joke lang, medyo affected din naman ako kahit papaano no.

"Ken dala mo big bike mo? Sabay ka na sa akin" tanong ko kay Kenneth habang pinapanuod si Jimin na magsuot ng t shirt.

"Mata mo" sagot niya sabay hagis ng pawisan na towel sa mukha ko "Sabay na ako sayo"

"Daan muna tayo ng resto Ken ha? Gutom na ako eh"

Tumango naman siya bilang sagot.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Tinignan ko sila Jimin pero umiwas lang siya ng tingin na mukhang nahihiya na ewan. Dahil ako ang pinaka malapit sa pinto na naka lock ay ako na ang nagbukas, manager pala nila.

"Annyeonghaseyo! Pasok po"

Pumasok naman ito sa loob ng practice room na may dala dalang mga inorder na pagkain, lalo tuloy akong nagutom.

"Ah sabay na kayong kumain Mica" Yaya sa amin ni Jin.

Siniko ko si Kenneth pero ngumuso lang ito na parang ayaw sumabay.

"Kain daw tayo Kenneth saktong sakto gutom na ako, sa sunod na lang tayo kumain sa resto" pagkatapos ay hinila ko na siya papalapit kanila Hoseok.

Habang kumakain kami ay parang walang gana si Kenneth walang kalaman laman yung plato niya kaya kumuha ako ng dumplings at chicken at inilagay sa plato niya.

"Kumain ka na bukas na lang tayo mag resto"

Habang kumakain kami ay nag uusap usap din kami pero hindi na masyadong nagsasalita si Namjoon dahil sa pagod, tahimik lang siyang kumakain.

"Ah may ginawa akong kimbap kanina!" Excited na excited na sabi ni Jin sabay kuha ng tupperware sa bag niya.

"Nakakain lang hyper na psh" mahinang sabi ni Suga.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya katabi ko kasi siya kaya narinig ko pero mukhang hindi narinig ng iba, nilingon ko naman si Suga ng makita kong nasa akin ang atensyon ng lahat.

Siniko ko siya ng konti pero nakangiti lang siya habang umiiling iling.

"Jimin kumain ka pa" sabi ni Taehyung kay Jimin sabay lagay ng kimbap na gawa ni Jin sa plato nito "Ah ayoko diet ako, baka ayawan na ako ng fans natin kapag tumaba ako"

"Ako nga gustong gusto ng lola ko na mataba ako kaya ako kain ng kain, diba Namjoon hyung?" nilingon naman siya ni Namjoon sabay tango nito.

"Lola mo yun ano ka ba" natatawang sabi ni Jimin kay Taehyung sabay baba ng plato niya.

"Ikaw Micaela kapag yung idol mo tumaba anong gagawin mo?" Tanong sa akin ni Jin habang kumakain ng chicken.

"Ako? Wala cute naman yung mga chubby na lalake diba? Karamihan ng crush ko noon chubby eh" sagot ko naman.

Totoo naman na cute yung mga chubby kasi chubby ako dati. Hahaha, pero seryoso ako na halos chubby lahat ng mga crush ko.

"Yun naman pala eh, kumain ka na diyan Jimin okay lang naman pala na chubby tayo eh" sabi ni Hoseok.

Satisfying My Cravings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon