Ipinaglaban kita sa bestfriend ko.
Tinanggap ko lahat ng paninira nya sayo.
Kahit kailan hindi nagbago ang tingin ko sayo.Pero the fact na mas inintindi mo siya kaysa sakin na girlfriend mo. Sobrang sakit. Minsan naiisip ko ayan lang ba talaga ang rason o may iba pa?
Kung ayan bakit sobrang babaw naman?Hahabulin pa ba kita kung talagang ayaw mo na?
Bumitaw ka na. Panahon na rin ba para bumitaw na rin ako?
Anong gagawin ko? Should I give up or not?
-----
I was busy scanning my Facebook Account when my phone rang. Tinignan ko ang caller. Unknown Number. Sino naman kaya to?
"Uhm hello"
"Brooo si Cesiah to. Daan ako dyan sa school niyo ha!"
"Ow sure. Don't forget the food!"
"Kapal ng muka mo! Sige sige."
"Teka kanino tong #? New # mo?"
"Hindi broo sa classmate ko to. Nakitawag lang ako. Sige bye na."
Then she hang up the call. Naglog-out na ko at pumunta na muna sa 7/11. Doon ko nalang hihintayin si Cesiah.
Anyway I'm Alyanna Dela Vega. First year college taking up Bachelor of Secondary Education major in Biology.
First choice ko ang education marahil maraming nagtataka kung bakit ayun ang kinuha ko eh matalino naman daw ako. Well. Walang doctor, engineers, pilot, kapitan ng barko at kung ano ano pa kung walang guro.Oo, maliit ang salary ng teacher alam ko yun at aware ako kung ano man ang pinasok ko.
Teaching is my passion at walang makakapigil sakin.Mga 20 minutes din siguro ko naghintay kay Cesiah. Niyaya nya ko sa SM dahil magpapafacial daw siya. Inalok pa niya ko na magpafacial din at siya na raw bahala pero tumanggi ako. Ayoko nga. Okay naman ako e. Maganda naman ako so, i don't need that :D
Around 4:30 pm nakauwi na rin ako grabe yung sakit ng paa ko. Pumasok na muna ko sa kwarto at ibinaba lahat ng gamit ko. 2 days nalang finals na, sana makapasa ko.
Naghalf bath muna ko saka nagbihis at inilabas lahat ng assignment. Shocks. Nakakabaliw. Finals na talaga sobrang tambak na ang mga gawain.
Nang matapos ko na lahat ng assignments ko nag-open na ulit ako ng FB.
Gusto kong magstalk sa FB ni Ex.Its been 2 months na rin simula ng magbreak kami pero until now masakit pa rin. Kapag naaalala ko yung mga pangako niya nabubwiset ako.
Moving on is a process. Hindi pa ko nakakamove on ngayon pero alam ko na darating yung araw na maaalala ko yung mga memories namin na wala na kong sakit at galit na mararamdaman.
A months ago...
Magkakilala na tayo since we were born. Chos. Childhood friend tayo e. Hindi naman kita close dati, di nga kita nakakausap e. Ewan ko ba. Basta ang natatandaan ko lang is yung nagalit ka kasi ayaw ko bantayan yung pamangkin ko. Sabi mo napakatamad ko.
Dumating yung araw na nademolished lahat ng bahay sa tabi ng riles and naglipatan ng bahay. After ilang years nagkita tayo. Nagkasalubong tayo nun sa SM.
After ilang days nagchat ka sakin sabi mo pa "Ui" na akala mo close na close tayo. Sumagot naman agad ako ng "Ui din" walang kwenta ko magreply diba. After ilang minutes nagreply ka ulit sabi mo "Musta?". Sumagot naman ako ng "Okay lang, ikaw kamusta?". Sabi mo "Okay lang din ang taba mo na ah", feeling close ka! Nireplayan nalang kita ng "Haha oo nga" then next na reply mo hinihingi mo na # ko. Hindi ko alam kung bakit binigay ko agad sayo yung # ko. Siguro dahil matagal na tayong magkakilala.
Sunday. October 26,2015. Tandang tanda ko pa diba? Kasi minahal kita gagu ka! May nagtext sakin nun unknown number kaso wala kong load ng araw na yun, kaya nakitext ako sa daddy ko kung sino ka. Agad ka rin namang nagreply at nagpakilala. Aaminin ko naienjoy ko nun na katext ka kahit wala naman talagang kwenta yung pinag-uusapan natin. Bukod sa walang topic, nagtatanungan lang naman tayo. Getting to know each other kumbaga kahit talagang magkakilala na talaga tayo.
Dahil trip kitang katext nagpaload ako nung gabi at nagkatext ulit tayo pero hindi na tungkol lang sa sarili natin ang tanungan. Umabot na tayo sa usapang lovelife. Tinanong mo ko kung may boyfriend ako sinabi ko naman na wala. Sinabi mo rin sakin na wala ka ring gf. Nagbiro ka pa nga nun e sabi mo "Malay mo ikaw na lovelife ko" na siya namang nagpatawa sakin. Ewan ko ba bakit ngiting ngiti ako ng mga time na yun.
Masyado kang mabilis dahil wala pa tayong kalahating oras na magkatext ay tinanong mo na agad ako kung pwede kang manligaw. Hindi ko alam ang isasagot ko nun basta iba yung nararamdaman ko ng mga oras na yun. Sobrang napepressure ako tumapat pa ko sa harap ng electric fan nun dahil init na init ako at kabang kaba. Hindi ko talaga maintindihan.
Mas lumala pa yung pakiramdam ko nung sabihin mong "Tayo nalang. Doon din naman pupunta yun e"
Isang katangahan ang maitype ko ang mga katagang "oo na nga".
Tapos bigla kang tumawag. Ang ganda ng voice mo infairness. Kung gaano ka kagwapo ganun din kaganda ng boses mo.
Unang narinig ko sayo mula sa kabilang linya ay "Hello" malamang XD
"Seryoso ka ba?" unang narinig ko sayo bukod sa hello. Umoo naman ako. Ewan ko ba kung bakit kinikilig ako kung tutuusin wala naman talagang nakakakilig. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap natin dahil pinatay ko na. Baka kasi pag pinagpatuloy ko pa mahimatay na ko sa sobrang kilig.
Naenjoy ko yung ilang oras nating pagtetext kahit para lang tayong baliw.
Nakakatuwa lang kasi ang galing mo pala magguitar. Nalaman ko na guitarist ka pala ng banda sa school niyo. Ultra mega turn on. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hahaha.Lumipas yung ilang weeks pero di ko pa rin masabi kung ano na yung feelings ko. Hindi natin kailangan magmadali. Nadedevelop ang feelings hindi to basta basta.
Everytime na kasama kita ang saya ko. Minsan yung tawa ko kapag magkasama lang tayo saka lumalabas.
Kahit na sobrang busy mo at ako rin naglalaan pa talaga tayo ng oras para sating dalawa. Gaya nga ng sabi mo kailangan natin ng trust, time and love para magwork tayo.4th monthsarry natin sinurprise mo ko. Sobrang kilig na kilig ako nun hindi ko alam kung paano mo napapayag yung guard ng school na papasukin ka. Sobrang effort. Nagulat ako pagbaba ko sa 1st floor nag-aabang ka na sa baba dala ang napakalaking teddy bear and isang boquet ng pink roses. That day nangyari ang first kiss natin. My first kiss.
Kung gaano mo ko kabilis napapayag na maging girlfriend mo ganun mo rin ako kabilis iniwan. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit ka nakipaghiwalay sakin. Okay naman tayo, wala naman tayong problema. Pero bakit mo ko iniwan?
Sinanay mo pa ko na lagi kang nandyan tapos aalis ka din naman pala.
That time na nagbreak tayo I was so despressed. Hindi ako makakain ng ayos dahil naiisip ko yung nangyari.
Nababaliw na ko kakaisip kung anong rason mo kung bakit ganun yung nangyari.Until now clueless pa rin talaga ko. Masakit pa rin hanggang ngayon pero pinipilit ko na kalimutan ka. Wala naman kasing mangyayari kung mag-istick lang ako sa past. Walang mangyayari kung hahayaan ko lang yung sarili ko na umiyak nalang at isipin kung ano talagang rason mo.
Minsan iniisip ko nalang na siguro talagang hindi tayo meant to be.
Siguro meron pang lalaki na mas better sayo.
Yung lalaking hindi ako hahayaang umiyak.
Yung lalaking hindi ako iiwan ng basta basta nalang.
Yung lalaking hindi nalang mawawala na parang bula.2 months na.
2 months na rin akong hindi nakakamove on sayo pero hindi na ganun na sobrang sakit gaya ng dati.I know that one day makakalimutan kita.
Makakalimutan ko yung sakit na dinulot mo sakin.
Hindi pa sa ngayon pero alam ko darating yung araw na yun.I close my laptop saka kinuha yung teddy bear na binigay niya sakin. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Hays. Huling araw. Pinapangako ko sa sarili ko na ngayon ang huling araw na iiyakan kita.
James Andrew Garcia.

BINABASA MO ANG
Happy Break Up
Fiksi RemajaAng taong paasa hindi dapat iniiyakan. Ang dapat dun pinapatay ≧﹏≦