Chapter 1

57 7 5
                                    

Chris ---->

Chris POV

"...And 8... 7... 6... 5... JUMP! WAVE! 4... 3... 2... 1... STOP! Medyo nakukuha na natin lahat pero may iba pa rin na hindi makasunod. Lalong-lalo na ikaw... Aya at Paolo... Kailangan sunod sa beat ang galaw nyo! Hindi yung kanta ang susunod sa inyo! Kaloka! Nakakastress kayo ha. Ok! That's all for now... see you tomorrow... SAME TIME... walang malelate!"

'Tsk! Nakakarinde na talaga ang tinig ng bakla na yan. Kanina pa yan.! Parang baril na hindi nauubusan ng bala, putak ng putak.'

Pagkatapos ng sinabi ng manager namin ay nagsialisan na rin ang ibang myembro ngunit nanatili pa rin ako sa kwarto, may iba rin namang hindi pa umaalis. Kinuha ko ang tubig na nasa may mesa at umupo sa sofa na katapat nito.

Ako nga pala si Christopher Villaver labim-walong taong gulang, third year at nag-aaral ng Architecture dito sa Sheen University. Ang Sheen university ay isa sa pinakakilalang university sa bansa. Sheen kasi lahat raw ng nag-aaral dito ay siguradong may liwanag sa kanya-kanya nilang pangarap. Dito nag-aaral ang mga may kaya at kilalang tao. Hindi naman sa nagmamayabang pero isa ako ron. My mom is a known lawyer, maraming mga matataas na taong nagpapatulong sa kanya sa mga kaso na sinasangkutan nila. Politika, artista, opisyal at kung sino-sinu pang kilalang tao. Ang Dad ko naman ay isang sikat na direktor ng isang kilalang stasyon sa telebisyon. Marami na rin syang nagawang palabas, teleserye, advertisement at kung ano-anu pang gawain ng isang direktor. Pareho sila busy sa mga ginagawa nila gayunpaman ay hindi naman nila pinababayaan ang relasyon namin bilang pamilya. Sa katunayan nga eh alagang-alaga ako nina Mom and Dad, nag-iisang anak lang kasi ako. Suportado nila sa kung ano ang gusto ko. Tulad nito, suportado nila ako sa pagsasayaw. Kung saan ako doon rin sila. Kaya nga dito ako nag-aaral kasi sa lahat ng unibersidad sa Pilipinas ay ito ang palaging una sa pagsasayaw. Palaging may dalang trophy kung sasali sa competition.

Nakakapagod ang araw-araw na ginagawa ko, after class ay didiretso ako dito sa studio para magpractice. Kailangan araw-arawin ang rehearsal lalong-lalo na ngayon na kakabukas lang ng bagong taon sa eskwela. Almost 3 years ko na rin 'to ginagawa. Masaya sobrang saya, pangarap ko 'to eh pero kulang. Kulang na kulang...

"Hey! Dude... Ang bilis mong makuha ang mga steps kanina ha. Grabe... walang kupas! Hahahahah!" Napangiti ako sa sinabi ni Tom habang pinupunasan ko ang naiwang pawis sa noo ko. Siya naman ang bestfriend ko, si Tom. Since freshmen college ko sya naging kaibigan, sabay kasi kaming nag-audition sa SU Grooving Crew. Ayaw nyang tinatawag sya sa totoo nyang pangalan, pangmatanda kasi, Thomas Bartolome Ruazon. Bigtime rin yan. Business tycoon kasi ang pamilya niya. Namana yata nya ang pagkabusiness minded ng kanyang magulang, Business Administration rin kasi ang kinuha nyang kurso at may business na rin yang tinatayo ngayon ang kanyang "BARTOM" isang magarang bar na pulos mga mayayaman lang ang makakapasok. Nakakatawa lang kasi parang pinaiksi lang nyang pangalan.

"Wala eh... innate na! hahahaha" loko kong sabi sa kanya na ngayon ay katabi ko na at pinatong pa ang mga paa sa mesa na nasa harap at ang kanyang dalawang braso naman ay nasa likod ng kanyang ulo ginawang unan...

Nilagok ko muna ang tubig hanggang sa maubos at pinatong uli ito sa mesa. Ginaya ko naman ang kanyang position. Saka pumikit...

'Naiisip ko na naman ang araw na 'yon... kung hindi ko 'yon ginawa ano kaya ang lagay ko ngayon? Ganito rin kaya? O baka naman... tss! tama ba talaga ang ginawa ko?'

'Wala naman atang ibang makakasagot kundi ako lang. Pero hindi ko alam ang sagot... masaya naman kasi ako sa ginagawa ko... pero hindi pa rin mawala-wala yung nararamdaman ko.'

"...Magagaling sana ang mapili nu, dude? Dude?! Duudde?!!!" Napapitlag ako sa pagsigaw sa akin ni Tom. Grabi naman tung tao 'to. Akala mo kung gaano kalayo ang kausap nya para sumigaw, eh nasa tabi lang naman nya ako at sa tenga ko pa talaga sinigaw.!

A Move To Your Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon