Chapter 2

56 6 0
                                    

Cassie XD ang cute ===>

Chris POV

Kinabukasan.

Nagising ako ng maaga sapagkat maaga rin ang unang klase ko. Pangalawang araw ngayon ng eskwela at hindi pa naman ganon kabusy ang mga studyanteng tulad ko. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa closet at saka pumunta sa banyo. Medyo maaga pa kaya medyo malaming pa ang klima sabayan mo pang nakaaircon ako sa kwarto kaya pinindot ko ang heater saka binuksan ang shower... rumagasa naman ang katamtamang init ng tubig sa katawan ko. Preskong-presko sa pakiramdam. Pumikit ako at ninanamnam ang sarap ng pakiramdam... pero hindi ko maiwasang isipin yung kahapon sa parking...

'Paano kung sya talaga 'yun?... Ito na ba yung panahon para sabihin ko sa kanya ang lahat?'

'Pa'no kung wala na syang pakialam sa akin? Matagal na rin yun... baka nga nakalimutan na nya.'

Tinapos ko na ang pagliligo. Dahil sa unang linggo pa ng eskwela ay hindi pa kami pwede magsuot ng uniporme kaya pants at sapatos na kulay itim ang suot ko sa baba at t-shirt na itim naman sa itaas with blazer jeans. Naglagay ng pabango at pumunta sa may body size mirror at tinignan ang sarili...

"tsk! Ang gwapo mo talaga Chris... walang makakatalo sa kagwapohan mo. Grabe! Walang-wala yung apat na ugok na yun oh! Hahaha... bagay talaga kayo ni...." napahinto naman ako sa pagsasalita at iniling ang mukha.

'Tss! Kahit kailan... hindi ka mawala-wala sa isip ko.'

Inayos ko muna ang buhok ko at saka lumabas dala-dala ang mga kinakailangang gamit. Nadatnan ko naman si mommy sa sala na nagbabasa...

"Goodmorning Mom!" masiglang bati ko sa kanya. Napalingon naman sya sa akin na parang hindi nya napansin ang pagbaba ko. Kaya medyo nagulat sya sa pagsigaw ko. Bumaba ako ng tuluyan at saka sya sinalubong...

"Hey Son! I thought you're still sleeping... Oohh! Goodmorning Son..." I kissed her on her cheeks and hug her tight... tinapik tapik naman nya yung likod ko at saka bumitiw...

"Where's Dad?"

"He's in Tagaytay. May shooting kasi sila ngayon and they really need sunrise for that scene kaya maaga syang umalis kanina... By the way, why so early?"

"I have my major class at 7:30 Mom..."

"Oh! Is that so?... I think breakfast are ready kaya kumain ka muna bago ka umalis, ok?"

"Ok Mom... Ilalagay ko lang to'ng mga gamit ko sa sasakyan."

Pumunta ako sa garahe at binuksan ang backseat ng sasakyan ko. Nilagay ko doon ang mga gamit ko. Pabalik na sana ako nang may mahagip ako sa di-kalayuan. Isang kilalang sub-division itong lugar namin kaya naman ay may exclusive mall, resort, park at kung ano-ano pa. Sa may park ko nakita ang isang babae na parang galing sa pagjojogging dahil sa suot nito. Mas lumapit pa ako sa may gate para mas matignan ko kung sino yun. Ngunit hindi ko talaga makilala ang babae. Mahabang buhok na nakamessy ponytail at kulay pula ito. May dala-dala itong tumbler na nasa kanang kamay niya habang hawak naman niya ang isang face towel na nakasabit pa sa kanyang leeg. Hindi ko makita ang mukha nya dahil sa nakatalikod ito sa bahay namin. Hindi ko rin makita kung ano ang ekspresyon ng kanyang mukha lalong-lalo na sa kung ano ang ginagawa nya ngayon na nakatayo lang.

Pinagmasdan ko pa sya pero wala pa ring nangyari... Ganon pa rin sya... nakatayo at para bang may pinagmasdan. Tinignan ko naman ang paligid ng park pero walang ibang tao kundi sya lang. Nagitla ako ng bahagya syang yumuko at umiling.

'Ano kayang ginagawa nya?... baka naman nagyo-yoga lang sya... parte sa pag-wo-work-out.'

'Eh bakit ko pa sya pinagmamasdan? Ni hindi ko nga kilala kung sino yun... baka bago sya dito sa subdivision... syempre bigtime rin yan dahil dito sya nakatira.'

A Move To Your Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon