Prologue

58 6 5
                                    

Idedicate ko tung prologue na ito kay ate max kasi ang galing lang ng pagkasulat nya sa hes into her na kanyang ginawa... addict na ako sa HIH hahaha... nainspire ako sa kanya magsulat kaya para sayo to ate max ;-D

====================

...Bumuhos ang malakas na ulan na nakikidalamhati sa kanyang nararamdaman ngunit 'di niya ito alintana sapagkat ang kanyang atensyon ay nasa iisang dereksyon na kung saan makikita ang isang babae at lalaki na naghahalikan sa di kalayuan, ang taong dahilan ng kanyang paghihinagpis sa mga nakaraang araw at hanggang ngayon. Dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman ang sakit, galit at kung ano-anu pa ay hindi nya napigilang lapitan ang dalawa.

Napatigil ang dalawa at bahagyang nagulat ang lalaki sa paglapit ng isang babae. Bakas sa mukha ng babae ang sakit na kanyang nararamdaman. Nais man lapitan ng lalaki ay hindi nya magawa.

"What do you want?" aniya ng nobyang babae sa babaeng lumapit

"I just want to talk with toffer... alone." pakikiusap ng babae

Nanatiling nanahimik ang lalaki at di naman makapaniwalang tignan ng nobya ang babae na nasa harapan

"Ha! What for? He is done with you... He already broke up on you so ano pa bang gusto mo ha!"

"No! Alam kong hindi niya 'to gusto at alam kong mahal pa rin nya ako! Kaya kailangan naming mag-usap... Yam, please let's talk... Iintindihin ko lahat wag lang ganito... I know that you still love me. Let's talk about it please." Maiyak-iyak na pakiusap ng babae na lumapit pa sa lalaki at kumapit pa sa braso nito. Bakas sa mukha ng babae ang pagmamakaawa.

Ngunit hindi pa rin magawang magsalita ng lalaki

"Stop it! Stop it!" tinulak ng nobyang babae ang babae dahilan para masubsob sya sa may basang parte ng daan. Dahil sa open place ang kalsada at may maraming tao ang nagpatila ng ulan ay nakatingin sa kanya ang lahat ngunit hindi nya pinansin ang kahihiyang nadarama at ang sakit ng kanyang pagkabagsak. Nakikipagtitigan pa rin sya sa mukha ng lalaki at binabasa ang emosyon ng mga mata nito ngunit wala syang ibang makita kundi ang walang emosyon na mga mata.

Nagbubulungan ang mga tao na nandoon. Pero wala syang ibang gusto kundi ang makausap at makipagbalikan sa lalaki kaya kahit nakakahiya at basang-basa na sya sa ulan ay hindi sya nagpapigil. Nagulat ang lahat lalong-lalo na ang lalaki sa susunod na nangyari.....

LUMUHOD sa harapan niya ang babae at nagmamakaawa

"Yam just please don't do this... Gawin mo na ang lahat wag lang 'to... ang iwan ako. *sobs* We promised not to leave each other *sobs* right? Please let's back together. I will change *sobs* whatever thing you don't like about me. Just please back." Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ng babae. Hindi nya na halos makita ang lahat dahil sa luha at ulan na dumadaloy sa kanyang mukha.

Sakit at awa ang nararamdaman ng lalaki. Lalapitan nya na sana ang babae ngunit pinigilan sya ng kanyang nobya.

"Don't do that. Or else....." aniya ng nobya na nakikipagtitigan sa lalaki.

"Tss!... Pathetic." Bulong pa ng nito na ngayon ay nakatingin sa babaeng nasa harapan nila.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin sa kanya. Tapusin mo na kung ano meron kayo."

Tumingin ang lalaki sa babaeng nasa harapan nila ngayon. Nagbuntong-hininga pa sya saka sya nagsalita...

"Ash, tama na!... Wala ng tayo!... I DON'T LOVE YOU ANYMORE!. Everything was change!. Iba na ang mahal ko!. Kaya pwede ba tama na... just accept it.! Let's go Hon" Walang emosyong sabi ng lalaki at tinalikuran na nya ito...

"I don't believe you! I don't believe you! I don't believe you!!! You still love me... Please! Please! Please! Yam come back to me! Please!" pagmamakaawa ng babae na ngayon ay nasa paanan nang lalaki at kumapit pa ito sa kaliwang paa ng lalaki dahilan para mahinto sila sa paglalakad.

"TAMA NA!!! Hindi mo ba maiintindihan ang salitang HINDI NA KITA MAHAL!!! Kaya tama na! Maawa ka sa sarili mo... You don't deserve me... Please just LET ME GO." Malungkot na sabi ng lalaki at umalis kasama ang kanyang nobya.

Humagulhol ng labis ang babae pagkatapos ewan ang mga katagang iyon sa kanya.

'HINDI NA KITA MAHAL!!!'

'JUST LET ME GO'

'YOU DON'T DESERVE ME'


Lumipas ang ilang oras at tumila na ang ulan. Wala na halos ang mga tao doon. Ngunit nandoon pa rin ang babae nakaupo at nakatulala sa kawalan. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga katagang iniwan ng lalaki bago sila umalis.


'HINDI NA KITA MAHAL!!!'

'JUST LET ME GO'

'YOU DON'T DESERVE ME'

'HINDI NA KITA MAHAL!!!'

'JUST LET ME GO'

'YOU DON'T DESERVE ME'

'YOU DON'T DESERVE ME'

'YOU DON'T DESERVE ME'

"Yeah. *sobs* I don't *sobs* deserve you. Sana hindi na lang kita minahal... ang sakit... *sobs* ang sakit-sakit..." At muli itong humagulhol...

========================

Add me on fb: chocayleiwp@gmail.com

-Lei


A Move To Your Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon