Chapter 3 (Part 2)

19 1 0
                                    

Thea's POV

Kararating ko lang sa SU. Pinark ko muna ng maayos ang super lovely pink Porsche ko at saka tuluyan ng lumabas. I check my phone. Galit na talaga si Cassie. T.T


52 missed calls at 145 texts? Halos lahat sa kanya? Huhuhu walangyang panget kasi yun eh! Natagalan tuloy ako.


Matawagan nga si Bessie...


Kring... kring... kring... ayun sinagot rin.


[............]


Hingang malalim Thea. *inhale* *exhale* 1... 2... 3...


"Bessssssiiiiiiieeeeeeee!!!!!!!"


[............]


Waaaahhh! Hindi sumasagot si Bessie... :'( isa lang naman ibig sabihin nyan eh. Galit sya! Huhuhu lagot talaga ako neto.


Mas bilisan ko pa ang lakad ko habang palinga-linga, nagbabakasakaling makita si Bessie. Sa pagkakaalam ko eh nandito pa ako sa CMA building tapos dadaan pa ako sa fountain area. Waaahhh! Ang taas pa ng lalakarin ko.


(A/N: Sa hindi po nakakaalam XD . Ang CMA po ay College of Management & Accountancy. May iba't-ibang courses na nandito which is about management, HRM, Culinary, Accountancy, BSBA, Tourism, at iba pa. Ang fountain Area naman po ay isang student lounge kung saan dito pwede tumambay, magpahangin, magpaunwind dahil para syang forest o paradise na maaliwalas. ^_^)


"Bessie! Sorry na! naglalakad na nga ako papunta dyan sa West ground. Natraffic lang talaga promise! Saka takbo-lakad na tung ginagawa ko ah! Ang sakit pa naman maglakad ng mabilis kung nakasuot ka ng heels at akala mo naman ang lapit-lapit lang ng parking lot sa West Ground... hmp... dalawang building pa ang madadaanan ko papunta dyan... at ang laki kaya ng mga building na yun... Aish! kaya may utang ka pa sa akin dahil sa paghihira---- aray!" aray ko. ang sakit nun ah! Nauntog lang naman ako sa katawan ng tao at saka natumba.


Maganda lang ako pero hindi ako malakas sa patumbahan! >,<


What's on my day?! Kung kanina eh malapit na ako mabangga, ngayon naman eh totoo ng nabangga! Ano naman kaya ang susunod baka maospital na ako o baka naman maghihingalo o di kaya...


Mamatay?!!! Waaaaahhhh! Ayaw ko pa nyan. LIKE DUUUUHHH! I have a lot of dreams pa kaya nu! Hindi ko pa nameet si prince charming kaya hindi pa pwede yan!


"Sorry miss, are you ok?" I was back on my senses when someone help me to stand. Hindi ko pa nakita kung sino tung tao nato kasi panay pa akong humihimas sa ulo kong nauntog sa katawan.


Nang nahimasmasan ako ay saka ko pa tinignan kung sino tung tao nato.

.

.

.

.

.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Move To Your Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon